-------/ 9th Boundary /-------

317 18 2
                                        

---/ Mean's POV /---

Lumipas ang isang Linggo na ayos at payapa ang kumpanya. AkaLa ko tuLuy-tuLoy ng ganito. Hindi paLa, LaLo na kung maLapit na ang mga monthLy reports ng Lahat ng dept. AbaLang-abaLa ang Lahat. Ramdam na ramdam mo ang tensyon dito. HaLatang takot na takot ang Lahat. Pinuntahan ko si Ate ApriL para ipaaLaLa ang report ng HR dept.

"Ate ApriL?" Sabi ko pagkakatok at bukas ng pinto nito.

"Oh ikaw paLa Mean. Bakit? May probLema ba? Anong kaiLangan mo?" Nag-aaLaLang tanong nito.

"Si Ate ApriL naman. Nagpunta Lang ako may probLema po agad. Hahahaha."

"Hahaha...oo nga naman. Pasensya ka na at nasanay Lang ako sa mga dati niyang secretary. Ikaw nga Lang ang bumaLik dito after 1 week. Yung iba first day pa Lang diretso dito pagkatapos ng shift niLa dahiL kay Sir. So bakit ka nga paLa napadaan dito?"

"IpapaaLam ko Lang po na kaiLangan pong matapos yung reports by Thursday dahiL kaiLangan po ni Sir sa Friday. Maganda na po kasi na 1 day ahead para hindi po magaLit si Sir."

"Oo nga tama ka. Ang gaLing mo naman Mean. TaLagang pinagbubutihan mong maigi ang trabaho mo. IpagpatuLoy mo Lang yan. Siguradong matatagaL ka."

NagpaaLam na din ako kay Ate ApriL at pinuntahan ko din ang ibang mga head departments para sabihin sa kaniLa tuLad ng sinabi ko kay Ate ApriL. Lumipas ang mga araw at Thursday na. Naibigay na ng ibang heads ang reports pero hindi pa ang ibang department tuLad ng accounting department. Sinabi naman niLa sa akin na tatapusin din niLa ng araw na yun.

FRIDAY.

Kakapasok ko pa Lang sa opisina at agad na inayos ang mga dokumentong kaiLangan ni Sir para sa monthLy reports ng kumpanya. Maya-maya pa ay dumating si Sir at katuLad ng dati ay agad itong humingi ng kape na agad ko namang binigay dito. MakaLipas ang iLang minuto ay tumunog ang intercom sa aking desk.

"CALL THE ACCOUNTING HEAD NOW." GaLit na sabi nito sabay baba ng teLepono. Agad akong tumawag sa accounting dept. at pinapunta ang head nito.

HaLa! Lagot! Mukhang Lalabas na ang pagiging dragon niya. Mukhang bubuga ng apoy ngayon si Sir!

Maya-maya Lang ay dumating ang head. Mukhang maiihi na ito sa takot. Kumatok agad ito sa opisina at pumasok. At dahiL may mga meetings pa si Sir na dapat kong ipaaLam ay kumatok ako at pumasok. Pagkakatok ko ay pumasok ako. Pero naguLat ako.

"O Diyos ko po! Amang mahabagin!" Nasabi ko na Lang pagkapasok ko dahiL sigaw ng sigaw si Sir sa head dept. Kaya paLa mukhang maiihi na sa takot yung head. Ganito paLa magaLit si Sir. Mukha nga siyang dragon na bumubuga ng apoy. Pero sermon ang binubuga niya. "Kakatakot!"

"HINDI NIYO PA TAPOS? ALAM NIYO NAMAN NA NGAYON YUN KAILANGAN TAPOS HINDI PA DIN TAPOS? WALANG UUWI NI ISA SA SA DEPARTMENT NIYO HANGGANG HINDI NIYO NAIBIBIGAY YUNG REPORT. NAGKAKAINTINDIHAN BA TAYO?" Sigaw nito sa accounting head.

"Y-Y-Yes Sir." Nanginginig na sabi nito.

"Good. Then go back and finish it. NOW." Agad-agad na umaLis ito.

"Uhmmm...excuse me po Sir, Ireremind ko Lang po kayo tungkoL sa meeting niyo po sa board by 1:00 pm." Sabi ko.

"Okay. Make me a cup of coffee now."

"Uhmm Sir...kakainom mo Lang po ng coffee."

"I said MAKE.ME.A.CUP.OF.COFFEE. and NOW!" sigaw na sabi nito.

Beyond the boundary (Complete)Where stories live. Discover now