The Wedding

33 12 0
                                    

Writer: Marian Payas

_

As she walk down to the Church's aisle, I can feel her joy and happiness. After this ceremony, she'll be officially part of our family.

I can see from afar the smile sculpted on her lips together with her twinkling big eyes. Between the tears falling from her eyes was the excitement that she'll finally walking through forever, she might be the happiest woman today.

Animo'y isa siyang Reyna sa kaniyang suot na puting traje de boda. Sa harap ng altar nakatayo ang taong matagal nang sa kaniya'y naghihintay.

Nakaramdam ako ng kaba habang papalapit siya sa altar, marahil dahil ito sa katotohanang narito ang aming pamilya. Minsan lang ito mangyari at masaya akong siya ang babaeng nasa harap ko.

Patuloy pa rin ang pag agos ng luha niya na pilit niya namang pinupunasan gamit ang panyong ibinigay ko sa kaniya noong una naming pagkikita.

Sa kaparehong sitwasyon na nakikita ko siyang umiyak, ngunit ngayon ay nababahiran ito ng kasiyahan.

Nang magtama ang aming mga mata, nagpakawala ako ng isang matamis na ngiti na lalong nagpalakas ng kaniyang paghikbi at pagguhit ng kasiyahan sa kaniyang mukha.

Marahil nagagalak siyang makita ako sa kaniyang harapan at sasamahan siyang buksan ang bagong yugto ng aming buhay.

Kasabay ng awiting ako mismo ang pumili ay ang kaniyang paglalakad na tila'y dinarama niya ang kaniyang bawat paghakbang.

Nalalapit na ang oras kung saan parehas naming hinintay nang kay tagal.

Ang saliw ng awitin at liriko nito ay ang aking mensahe para sa kaniya.

Nang tuluyan kaming magkalapit ay tanging pag ngiti ang naging bati namin sa isa't isa. Sa huling pagkakataon ay makikita ko siya bilang isang dalaga, ang babaeng una't huling nagpatibok ng puso ko.

Marahil ang araw na ito ay isa sa pinakamasayang araw ng bawat taong nagmamahalan. Araw na siyang magbubuklod upang ganap na maging isa ang dalawang taong itinadhana para sa isa't isa.

Ikinasasabik ito ng aming mga pamilya at malalapit naming mga kaibigan. Nasa kaliwa ang pamilya niya at nasa kabilang bahagi naman ang aming pamilya.

Nakita ko ang pagluha nina Mama at Papa at ganoon din sina Tito at Tita--ang kaniyang mga magulang.

Nang iabot ni Tito ang kamay ni Keanna na nag iisa nilang anak, naging senyales ito na kaniya na itong ipinauubaya sa lalaking higit itong mamahalin at pangangalagaan.

Lumapit siya sa akin, tinapik ako sa balikat at ngumiti "Salamat, hijo. Hangad ko ang iyong kasiyahan". Tanging ngiti na lamang ang naitugon ko sa kaniya. Naramdaman kong masaya siya para sa akin at tinanggap niya ang aking desisyon.

Inayos ko na ang suot ko at tuwirang humarap sa mga tao.

Maayos na nagsimula ang seremonya at ilang saglit pa ay matatapos na ito.

"Maaari mo nang halikan ang iyong asawa." Masaya kong saad dahilan upang dumagundong ang palakpakan sa loob ng simbahan, labis ang tuwa at saya ng lahat ng mga panauhin at ng dalawang pamilyang pinagbuklod.

Ganap na siyang kabiyak ng aking kapatid, na siyang tumuloy ng naudlot kong pag ibig sa babaeng minamahal ko noon.

Hindi ko inaasahan na darating ang araw na ikakasal siya at ako mismo ang magkakasal sa kanila.

Noong una'y inakala kong siya ang magiging sentro ng buhay ko ngunit naging mapagbiro ang tadhana, nagawa kami nitong paghiwalayin upang makita namin ang totoo naming pag ibig.

Ang pagmamahalan namin noon ay naging daan lamang pala upang mahanap namin ang sarili naming mundo, ang mundo na pareho naming hindi inaasahan.

Ito ang unang misa ko bilang isang ganap na Pari, kasabay nito ang kanilang pag iisang dibdib. Hindi man sa aking katauhan ay naging ganap na siyang Keanna Diaz-Hermosa.

_

A Broken TalesWhere stories live. Discover now