Chapter 4

34 5 9
                                    

Nang hindi ko talaga matandaan kung bakit ba napaka-pamilyar ng pangalan na 'to sa'kin, sinukuan ko ito at sinundan nalang sila Ed.

Nagdadaldan na naman sila, psh. Ang saya niyo 'no? Edi wow.

Dahil iisa lang ang elevator ng building na 'to, at hindi kakayanin ng matabang katawan ni Ed ang pagbaba gamit ang hagdan, nakipagsiksikan kaming tatlo sa mga estudyanteng nagtatawanan. Buti na lamang ay pitong tao lang ang nasa loob at kakayanin pa naman ng 12-person limit ng elevator kahit ba dalawang tao ang katumbas ni Ed.

Sa aming pagbaba, may ilang kababaihan ang nag angat ng tingin at boses para kausapin si Roni, na kung kamusta na ba siya at ano ang dahilan ng pagbalik niya. Habang tinatanong siyang parang artista, kami naman ni Ed ay napaatras sa sulok, nakaka-op, out of place.

"Lagi ka pa naman namin no'n pinapanood sa gym, ang galing-galing mo kasi mag-basketball," pagpapatuloy ng isa sa mga babaeng kinukwento ko.

"Oo nga, at no'ng nawala ka, nabawasan talaga 'yong mga nagtatambay sa gym."

"Do you have plans to play basketball again?"

Nakangiti lang si Roni sa mga pinagdadaldal ng mga tao rito sa elevator, hindi man lang sumagot. Feeling artista talaga, hays.

"Girls, awat na. Mukang 'di kumportable si Roni, oh."

Nagugulat akong napalingon sa katabi ko nang siya'y magsalita. Si Ed pa ba 'to? Saan niya nakukuha 'yong ganitong lakas ng loob para pumagitna sa mga tsismosang estudyante? Bida-bida talaga.

"It's okay, Ed. I understand them," ang showbiz na sagot ng ating Roni.

Sa totoo lang ay hindi ako sigurado kung may sinseridad ba siya sa pag-aalok ng pagkakaibigan. At mas lalong hindi ako sure kung kakayanin ko ba ang ganoong titulo -- be someone's friend.

Pero may isa pang tanong na nagtatago sa likod ng wisdom tooth ko. Tama ba 'to? Hindi ba talaga siya masamang tao? Ayos lang ba makipagkaibigan sa babaeng napaka-weird ng entrance sa buhay ko? O hindi lang ako sanay sa gan'to?

Oo na, ang daming katanungan kahit ba sabi ko ay isa lang, pero sana naman masagot 'diba.

Dahil sumama na nga si Ed sa usapan, at tila napakabagal ng pag-andar pababa ng elevator na 'to, nabaling ang atensyon ko sa repleksyon ng aking kinatatayuan mula sa makintab na pintuan ng elevator. Napalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Roni roon, deretso lamang ang tingin sa'kin, pinapanood ako. Kaya naman yuko ang aking nagawa, at hinawi nalang kunwari ang buhok pababa. Hindi ko alam ano magiging reaksyon sa mga gan'tong bagay. Ang weird niya.

Hindi naman sa pagiging asumero pero, m-may gusto ba siya sa'kin? Kanina pa 'yang mga titig na 'yan ah.

"Hello, Dorothy."

'Di ko namalayang nagbukas pala ng pinto ang elevator nang huminto ito sa ika-anim na palapag.

"Hi Tricia, kasya pa ba 'ko?"

Nag angat ako ng tingin sa babaeng nakatayo sa labas, naghihintay ng pahintulot kung pwede pa bang makisiksik. Nakasuot siya ng basketball shorts at shoes, mukang player.

Katulad ng sinabi ko noon, kilala ang school na 'to sa larangan ng basketball, mapa-lalaki man o babae. Base sa mga nababasa kong dyaryo na ini-issue ng News Club, every season ng laro nila ay nananalo sila palagi, champions.

"Yeah, just squeeze in," si Roni ang sumagot.

Mukang hindi naman 'yon nagustuhan ni Dorothy at umismid muna bago pumasok.

"How are you? I haven't been hearing from you for a while," nagsimula si Roni makipag-usap sa kaniya.

Hindi pa pala tapos ang daldalan sa loob ng elevator na 'to. Kung kanina ay kami lang ni Ed ang napaatras para magsulok ay ngayon pati naman ang lahat. Iba kasi ang awra ng mga babaeng 'to, 'yong bang anytime, magkakasagutan sila. Sigurado naman akong hindi lang ako nakakaramdam no'n.

Teka LangWhere stories live. Discover now