Reverse 2: Gamble Of The Heart

10.2K 410 126
                                    

REVERSE 2

GAMBLE OF THE HEART

AUTUMN'S POV

Humihikab pa ako habang naglalakad sa mahabang pasilyo na kinaroroonan ko. Pinalis ko ang magulo kong buhok na tumamtabing sa mukha ko. Kung nasa bahay lang ako kaunting lakaran lang nasa kusina na ako. Ang kaso sumasampid ako rito sa headquarters. Malakas kasi ang internet dito.

On the brighter side, kahit ang layo ng kuwarto namin sa dining area at least sigurado akong may lutong pagkain do'n. Kahit kasi madaling-araw may mga staff pa rin na naka-duty dito sa BHO. BHO. Short version para sa Black Heart Organization.

Bakit kaya black? Bakit hindi pink?

PHO. Tunog pagkain. Iyong Vietnamese food. Saka siguro hindi pumayag iyong mga agent na lalaki. Kahit naman kasi anong sabihin may mga naniniwala pa rin na ang pink ay masyadong feminine na color.

White? Nah. WHO gano'n? Eh di nakasuhan pa sila ng World Health Organization.

"Hoy bata."

Napatalon ako dahilan para tumama ang katawan ko sa nakapasong halaman na nasa hallway. Humampas pa pabalik sa akin ang mga dahon no'n na ang ilan ay pumasok sa bibig ko. "Pwe!"

Pinalis ko ang mga halaman paalis sa mukha ko pero paulit-ulit lang iyong tumatama sa mukha ko. Mabuti na lang may mga kamay na tumulong sa akin at hinawakan ang mga iyon dahilan para maimulat ko na ang mga mata ko.

"Tita Mishy!" bulalas ko nang makita ko ang pamilyar na babae. "Akala ko po multo ikaw lang pala po."

"Ang ganda ko namang multo."

Tinulungan niya akong makatayo habang ako naman ay pinapagpag ang damit ko. Nang matapos ay binalingan ko ang babae. She's my father's little sister. Mukhang hindi niya namana ang genes na namana ni Papa dahil kumpara sa ama ko ay maliit si Tita Mishy. Genes na hindi ko rin namana.

"Bakit gising pa po kayo?" tanong ko.

"Galing ako ng mission. Nauna na ako sa Papa mo at kausap niya pa si Poseidon sa office."

BHO is a secret organization. Tinetrain sa lugar na ito ang mga gustong maging agent at kapag nakapasa sila ay tatanggap sila ng mga misyon. Secrecy is the operative word. Hindi kasi pwedeng malaman ng mundo ang mga identity ng mga taong nagtatrabaho para sa BHO. They handle mission from low to high risks, most of them done in a way that is not exactly legal. The government, however, knows the existence of the group. Hindi man nila alam kung nasaan at kung sino-sino ang mga kasapi ay hindi ibig sabihin hindi sila aware na nabubuhay sa mundo ang BHO. They let BHO operate because they need the organization too. Mga taong may kakayahan para gawin ang mga bagay na hindi nila magawa.

Dati kaunti lang ang mga agent na kasali sa grupo. Kinalakihan ko na rin na nakikita sila kaya para na talaga kaming isang buong pamilya. They are all amazing and kind hearted people. Kahit pa sabihin na lahat ng klase ng baril kaya nilang i-operate, simple lang sa kanila ang pag difuse ng mga bomba, at kaya nilang lahat i-incapacitate ang madaming threat sa arm to arm combat.

I want to be like them! The best part of my every week is when I have a training in BHO. Iyon nga lang kahit gustuhin ko man na mag focus na lang sa mga iyon ay isa sa requirement ng mga agent ay ang tapusin namin ang pag-aaral namin. Hindi rin pwedeng may bumabagsak kami na mga subject. Di bale ilang taon na lang grauate na ako. I'm in my first year of college. Kaunti na lang 'yon.

BHO CAMP ReverseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt