CHAPTER NINE

784 22 3
                                    

Caddie's Pov

Maaga ako nagising at sobrang singkit ng aking mga mata kakaiyak kagabi.

Nag ooverthink na kasi ako. Hindi ko na mapigilan.

Andami kong tawag kagabi kay Daniel pero hindi niya sinasagot. Sabagay kasama niya mga tropa at kaklase niya bakit niya ko uunahin diba?


Nakahiga pa 'ko sa kama kaya kinuha ko muna agad ang aking cellphone. Chineck ko naman yung mga ig story nila Maggie at nung mga kaybigan pa ni Daniel.

Nag iinom sila, pero hindi ko nakita sa picture si Daniel at Alma. Yan yung myday ni Maggie.

Yung myday naman ni Michael ay kasama na si Daniel. Sobrang lawak ng mga ngiti ni Daniel habang hawak hawak ang isang bote ng beer.


Agad ko naman tiningnan yung myday ni Jasper. Isa sa mga pinakaclose ni Daniel na tropa at kaklase niya.

Fuck! Biglang tumulo ang luha ko! Shems! Ansakit!

Parang kinukurot ang puso ko ngayon sa sobrang sakit.

Si Alma at Daniel naghahalikan! Nahagip sa ig story ni Jasper na nakavideo. Shems! Bakit! Argh!

Halos manlabo na ang mata ko at hindi ko na magawang tingnan yung cellphone ko!

Humagulgol ako ng humagulgol sa pag iyak!


"Caddie! Bumaba ka na! Gabi na! Kanina ka pa hindi nakain," sigaw ni Mommy habang katok ng katok sa pinto ng kwarto ko.


Kanina pa 'ko hindi nababa at kanina pa 'ko dito sa kwarto iyak ng iyak. Gusto kong tawagan, puntahan si Daniel pero hindi ko magawa! Gusto ko siyang makausap at magpaliwanag sa harapan ko!


Mahal ko siya! Mahal na mahal! Kaya hindi ko magawang magalit sakaniya kahit napakasakit nung ginawa niya!


Pero kung dun siya masaya, go. Papakawalan na kita. Kaya pala anlaki ng pinagbago mo pagdating sa'kin Daniel.


"Caddie!!!!" galit na galit na talaga si Mommy.

Hindi ko alam kung paano haharap sakaniya. Hindi ko alam kung paano haharap sakaniya ng ganito ang mga mata ko. Minu minuto may pumapatak na luha sa'king mga mata.  Napakasakit! Sobrang sakit talaga.


"Mommy mamaya na!" pinilit kong hindi iparamdam sakaniya na naiyak ako.

"Osige! Bumaba ka na lang," wika ni Mommy at nasisiguro kong umalis na.

Nagpatuloy naman ako sa pag iyak. Sobrang sakit talaga. Simula kanina hanggang ngayon walang hinto ang pag iyak ko.


Ginawa ko naman lahat ah! Pinaramdam ko naman sakaniya ah! Bakit hindi siya nakuntento! Bakit! Argh! Hindi ko na talaga kaya! Humagulgol na 'ko sa pag iyak.

A few hour laters my cellphone rang.

Daniel is calling....

Halos bumilis ang tibok ng puso ko. Halo halo ang aking nararamdaman.

"Hello?"  sabi ko at hindi ipinahalatang umiiyak.

"How are you? Have you eaten?" a gentle voice he said.

"Yah,"

"Are you okay?"

"Yes, ikaw ba?"

"Okay lang! Kakauwi lang namin kani-kanina lang."

"Ah, kamusta?"

"Masaya,"


"Anong nangyari?"

"Huh? Ah, inuman gano'n."

"Ano pa?"

"Ayon lang tapos nagkasayahan. Ingay nga kagabi eh! Hindi ako makatulog ng maayos."


"Sino katabi mo?"

"Sila Michael,"

"Sure?"


"Yes!"


"I hope,"

"Why?"

"Nothing."

"Goodnight baby! Sweetdreams," sabi niya at binaba na ang linya.

Argh! Bakit napakarupok ko! Ayon na naman! Nagpatuloy na naman ako sa pag iyak. Binabalot na 'ko ng kalungkutan.

Napakasakit! Sobra!

Hindi ko masabi kay Daniel lahat dahil ayaw kong iwan niya 'ko! Ayaw kong magbreak kami! Huhuhuhu!

ARDOR (DonBelle Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon