CHAPTER 16

755 21 1
                                    


Caddie's Pov

"Caddie anak," tawag sa'kin ni Mommy kaya naman napamulat ako.

"Po?" inaantok pang sabi ko.

"Andyan na mga kaybigan mo," sabi niya at agad ako napabangon.

Miss na miss ko na sila!

"Ang haba ng tulog mo, dalawang oras," nakangising sabi ni Mommy. Hindi na 'ko umimik pa at dumeretso na sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.

"Caddie babalik muna ako sa work, andyan naman mga kaybigan mo.. babalikan na lang kita mamaya. Si Daddy mo nga pala ay kanina pa naka alis.. tulog ka," sabi niya at napatango na lang ako. Lalabas na sana si Mommy ng kwarto ng magsalita ulit ako.

"Nasa'n po sila Jane?" tanong ko.

"Ahh papunta na dito, nag alis sila eh.. may binili ata," nakangising sabi ni Mommy at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Makalipas ang ilang minuto ay isa isa ng pumasok sila Jane kaya naman nagtatakbo ako palapit sakanila para yumakap ng mahigpit. Argh miss na miss ko na ang mga 'to!


"Omg Caddie anyare sa'yo! Miss na miss ka na namin!" malakas na boses na sabi ni Stella.

"Grabe ang lungkot namin nung wala ka!" si Eunice.

"Magaling ka na ba?! Okay ka na ba?! Ano?! May masakit pa sayo?! Alin dyan?! Omg Caddie pumayat ka!!!" halos mapatakip na 'ko sa'king tenga sa boses ni Jane. Mas malala pa pala siya kay Stella.

"Kung magaling na 'ko edi sana nakapasok na 'ko," pambabara ko sakaniya. Ang tanga kasi magtanong.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Tapos isa isa nila akong binigyan ng regalo daw nila sa'kin kahit hindi ko naman birthday.

"Mauuna na kami, i love you! Pupunta ule kami bukas," nakangising sabi ni Jane at yumakap sa'kin.

"I love you all," nakangising sabi ko sakanila bago sila niyakap isa isa.

"Caddie, wag mong pababayaan sarili mo huh?" naluluhang sabi ni Eunice ng mahatid ko na sila sa pinto. Bigla naman ako nakaramdam ng lungkot.


Simula kasi nung nagbreak kami ni Daniel minsan ko na lang maintindi ang sarili ko.

Nadepressed pa nga ako no'n. Hahahahaha.

"Shut up Eunice, never ko pinabayaan," nakangising sabi ko sakaniya.

"I love you," sabi niya at tuluyan na silang umalis.

Agad ko naman kinuha yung isang box ng pizza sa lamesa na dinala nila Jane at kinakain ko 'to ngayon sa kama.

Tatlong slice palang ng pizza ang nakakakain ko ng biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Iniluwa nito sila Maggie, Jasper, Michael at... Daniel. Nagulat naman ako at biglang bumilis ang tibok ng puso. Bigla akong kinabahan. Halo halong nararamdaman.

Hindi pa 'ko ready harapin o kausapin sila. Si Maggie lang pwede pa.


"Caddie," wika agad ni Caddie at lunapit sa'kin. Agad niya 'kong niyakap ng mahigpit. Sila Jasper at Michael naman ay naupo sa tabi ng kama ko. Si Maggie ay naupo mismo sa kama ko. Habang si Daniel naman ay may hawak na tatlong supot at hindi makatingin sa'kin.

"Maggie, hindi mo naman sinabing pupunta ka," nakangiting sabi ko sakaniya.

"I'm sorry Caddie, biglaan eh hehehe, by the way.. kamusta pakiramdam mo?"

"Okay lang naman," nakangiting sagot ko sakaniya.

"Magpagaling ka Caddie," wika naman ni Jasper sa tabi ko.

"For you," nakangiti kong sagot ko sakaniya.

"Ano daw ba sakit mo?" biglang tanong naman ni Michael.

"Hindi sinasabi nung doctor." sabi ko at agad naman sila nagtaka.

"I mean.. hindi ko pa nakakausap," dagdag ko at parang naliwanagan naman sila.

"Daniel galaw galaw baka pumanaw," pang aasar ni Michael kay Daniel na 'ayon nakaupo lang sa couch.

Dinalhan ako ng maraming pagkain nila Maggie kaya naman hindi ko na sila tinaboy. Dahil sa totoo lang, si Maggie lang ang gusto kong dumalaw sa'kin dito. Hindi naman ako makapagreklamo ngayon dahil nandito sila Jasper.

Nagkwentuhan lang kami nila Maggie nang nagkwentuhan, sila Jasper naman ay paminsan minsan inaasar si Daniel na 'ayon nakaupo sa couch at kanina pa nagcecellphone.

"Oy! Una na kami! Magpagaling ka Caddie, namiss kita!" paalam ni Jasper sa'kin.

Ngayon na lang kami nag usap usap ulet eh. Awan ko bakit ko sila hinayaang dalawin ako dito kahit merong konti sa part ko na ayaw ko na sila makita at makausap pa maliban kay Maggie.

"Magpagaling ka Caddie! Papakasalan ka pa ni Dani-" hindi na naituloy ni Michael ang kaniyang sasabihin ng biglang hampasin ni Daniel. Napatawa naman si Maggie at Jasper, napangiti na lang ako.

"Caddie! I love you! Balik ako bukas," nakangising sabi ni Maggie at tuluyan na silang lumabas ng kwarto.

Pasama sama pa si Daniel hindi naman ako kinausap. Hindi manlang ako binati. Bwisit siya.

Babalik na sana ulit ako sa pagkahiga ng bigla na namang bumukas ang pinto.

Shems!

Si Daniel pumasok ulit! Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko ngayon! Argh!

Shems! Tulong! Umupo siya sa tabi ko.

"Oh bakit hindi ka pa umuwi?" pinilit kong tarayan ang boses ko pero hindi ito nakisama.

"Because it's our time to talk," sabi niya at agad naman akong napalunok.

I'm too fragile for this guy.

Ano bang pinagsasabi niya?!

"Ano namang pag uusapan natin Daniel?"

"Our past," his voice was so sweet.

"Huh? Matagal na tayong tapos Daniel,"

"Let's go back to the old one," sabi niya pa.

Teka- kaya ba siya pumunta dito para pag usapan 'yon?! Hindi niya ba muna tatanungin kung anong kalagayan ko? Tindi ah.

"Shut up Daniel! Get out!" asik ko sakaniya at tinuro pa ang pinto.

"Caddie,"

"I said get out!" sigaw ko at nauubusan na talaga ng pasensya sakaniya.

Bigla namang pumasok si Mommy kaya mas lalong kumulo ang dugo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Basta galit ako!

"Caddie what happened?" tanong agad ni Mommy at napalingon sa gawi ni Daniel. Maging siya ay nagulat at hindi ata napansin 'to kaninang pagpasok niya.

"You're here Daniel," mahinang sabi ni Mommy at parang hindi inaasahan na nandito si Daniel.

Agad naman tumayo si Daniel at nakipagbesuhan kay Mommy. "Hi Tita," nakangising sabi nito kay Mommy.

"Nag uusap pala kayo... sige balik na lang ako mamaya," sabi ni Mommy at tuluyan ng lumabas. Pipigilan ko pa sana siya pero ambilis niya talagang nakalabas.

Agad ko naman tiningnan si Daniel at sinamaan siya ng tingin. Damn you!

"I still love you Caddie, at kahit kelan hindi nagbago 'yon. Wag ka mag alala hindi kita mamadaliin. Magpagaling ka dyan, papakasalan pa kita." daniel says smiling. At tuluyan na siyang lumabas ng silid.

Ako naman ay hindi makaimik, hindi makagalaw. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.  Kinilig ako, aaminin ko. Pero galit pa din ako sa ginawa niya!

He is the reason for my happiness, but hes is also the cause of my sadness.

ARDOR (DonBelle Series)Where stories live. Discover now