CHAPTER 5

726 23 1
                                    


Subalit si Lucien na diumano ay kaisa-isang anak ng yumaong anak na babae ng baron at baronesa ay ibang-iba sa mag-asawa. Madalas ay tahimik lang ito at nakamasid na iisipin mong suplado at isnabero ito. Kapag kinakausap naman kasi nila ito ay magalang itong sumasagot. At higit sa lahat ay mabait ito kahit sa mga tauhan nito, hindi tulad ng lolo nitong laging nakasinghal sa bawat mumunting pagkakamali ng mga kasama nitong utusan.

Pero hula niya, kaya mailap rin si Lucien ay dahil hindi ito sanay makihalubilo sa maraming tao. Hula din niya ay hindi ito ganoon ka-fluent sa English. Spanish, French, Russian at English man ang apat na mga wikang ginagamit sa bansa nito, ayon sa mismong lolo nito, ang mga maharlika ay mas madalas na French, Spanish at Russian lang ang ginagamit kaysa English.

At dahil French ang mas madalas na naririnig niyang

ginagamit ni Lucien kapag kausap ang mga tauhan nitong sina Fiorel at Mossimo, nahinuha niyang totoo nga ang sinabi ni Lord Korudon. Ito man kasi at si Lady Gladiola ay may French

accent ang pag-i-English.

Kaya naman hinalughog niya sa library ang French-English dictionary nila at kahit pa halos dalawang kilo ang bigat niyon dahil sa laki at kapal niyon, matiyaga niyang bitbit lagi iyon tuwing kakausapin niya si Lucien. Para masabi niya sa French ang mga bagay na gusto niyang sbaihin dito. Unfortunately, most of the time she could not even pronounce the words so she just uses the English word and demonstrate what she means by using her hands. Minsan nadatnan sila ng mommy niya sa patio na magkaharap, akala nito ay naglalaro sila ng charade.

Subalit hanggang ngayon, sa kabila ng matiyagang pakikipag-usap niya sa binatilyo, tipid na tipid pa rin ito sa pagbibitaw ng mga salita sa kanya. Kung ano ang itinanong niya ay iyon lang din ang sasagutin nito. Hindi ito boluntaryong nagkukwento o nagtatanong. Ibang-iba ito sa maingay nitong lolo at lola na kahit hindi na tinatanong ang opinyon ng mga ito sa mga bagay-bagay ay ayaw paawat sa pagsasalita at pagpapabida.

Buti na lamang at sadyang pasensyosa si Lola Salome at kaya nitong pigilan si Lolo Nemo na hula nilang magpipinsan ay gustong-gusto nang pasakan ang bibig ng mayabang na baron. Narinig pa niyang angal ng daddy niya, wala na raw ginawa ang mag-asawa kung hindi magyaya na maglibot sa buong Aseron Farms at Isla Fuego sa halip na padaliin ang negosasyon ukol sa negosyo. At dahil mga bisita ang mga ito, walang maggawa sina Lolo Nemo, ang daddy niya at si Uncle

Gerard kung hindi ipasyal ang mga ito.

Samantalang si Lucien naman ay tila kuntento nang magbasa lang buong araw ng mga baon nitong makakapal na libro. Ni ayaw nitong mamasyal sa loob ng Aseron Farms nang yayain niya itong ilibot sa lupain nila. Sa halip ay tinignan lang siya nito na tila ba nagdududa ito sa katinuan niya.

Siguro iniisip nitong mahihirapan ito sa pamamasyal dahil nga naman naka-wheelchair ito. Pero sa tingin naman niya ay hindi iyon ganoon kalaking problema dahil motorized naman ang wheelchair nito. Isang pindot lang nito ng button ay umaandar o humihinto na iyon. Kaya hindi ito mapapagod kung sakali.

Maari ding inaakala nito na dadalhin niya ito sa bangin at itutulak doon kaya ayaw nitong sumama sa kanya. Kung masdan kasi siya nito kadalasan habang papalapit pa lang siya dito ay para bang isa siyang delubyong dapat nitong iwasan at layuan. Hindi naman talaga niya sinasadyang palaging matapunan ito ng dala-dala niyang pagkain o inumin tuwing magkakaharap sila.

Likas lang talaga siyang may pagkalampa at hindi naman ito ang tanging nabibiktima ng kalampahan niya. Pero kung umakto naman ito ay para bang ito lang ang bukod-tanging pinipiliniyang mabiktima. Kung maramdamin lang siguro siya, malamang sumama na ang loob niya dito.

ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GOWhere stories live. Discover now