⇲ update.21 '🍦,

69 6 3
                                    

Sorbetes Iskwad posted an update to the album ˗ˏ ̀ ̗̀ೃ.↳sorbeteeees;;  - with PogichoGwapoisig
June 25, 2020 | 1:58pm

Bago ko ito nadiskubre, kwento ko muna simula.
Mga panahong wala pa akong alam rito o di pa ito nakilala.
Handa na ba kayo malaman kung ano ito?
Ipapahayag ko na! Sana magustuhan niyo.

It all started when I was grade seven
First year highschool pero ngayon, ako'y grade eleven
Nakita ko ang app alam niyo ba kung kanino?
Siyempre the one and only, ang ex crush ko!

I was curious at that time dahil masyado siyang nakatutok.
Kaya ako'y sumingit sa kanya at nanghimasok.
Tinanong kung ano iyon sabi niya WATTPAD.
Isa raw iyong e-book na nakita ko sa kanyang i-pad.

Mahilig akong magbasa kaya ito'y aking sinubukan.
Dinawload sa cp at pati sa pc pinuntahan.
Unang beses ko noon gagamitin kaya aking pinag-aralan.
Hanggang sa nagtagal, marami akong natuklasan.

Maraming librong nababasa.
Madaming malikhaing mga istorya.
Mga malulupet na manunulat.
Mga kwentong kanilang isinulat.

Isang araw, nasabi ko sa sarili ko.
What if try kong gumawa ng kwento?
Kahit subok lang atleast naishare ko ang aking ideya.
Para kahit ganon ay meron akong ipapakita.

Nagstart muna ako sa pagedit ng aking account.
Sa username, full name, pati na rin yung about.
Isama pa ang di permanenteng profile ba!
Background, Location at iba pa!

Gumawa ako yung tipong may palatandaan.
Na pag nakita nila ito, sila'y mahahangaan.
At oo nga! Naging isa itong karangalan!
Dahil ang mga naririto ay di ko hinahayaan!

At dahil ayos na, may next akong ginawa.
Ano nga ba yun? E di ang gumawa ng istorya!
Dami kong naiisip at mga ideya!
Pero ang nangyari, nagpublish lang muna ako ng isa.

Nung una natatakot ako.
Baka husgahan ang aking kwento.
Pero ano bang paki nila?
Atleast may story na ginawa di ba?

May pagkakataong gusto ko na sumuko.
May times na gusto ng RVC kaya ako'y nadedesperado.
Pero sabi ko sa sarili ko, 'Teka lang hintay lang!'
Kase sa future, ang napublish mo, manonotice malamang!

Sa bawat araw na lumilipas, may mangyayaring maganda.
At sa landas na iyon, aking itong ikinatutuwa.
Mga librong sobrang kakaiba.
Pati wattpader na aking nakilala.

At ito nga, unti unti akong nag go grow
Kaya I'm happy to WATTPAD and go lang ng go!
Every chapter in my story ay glow ng glow!
Dahil sa mga bagay na nais niyong ma...you know~

Sa followers, mga wonderful readers, mga aspiring writers.
Sa story, mga wattpader na voters, mga nakakatuwang commenters.
Di ko aakalaing may dadating na ganon agad agad.
I'm happy this 2020 dahil isang sopresa ang kanilang inihangad.

Isa sa mga iyon ay nakilala ko SORBETES ISKWAD.
Mga mamayang kaysayang kasama kahit sila'y makakalat!
Kalokohang kakaiba, tulad ng dapa o tuwad?
Ay basta nakakaloka sarap pakisamahan dapat.

Nagtaka ako noon kung ano ito.
Sapagkat ang mga authors na tulad ko, kasali rito.
Pinuntahan ko group page nila at sinubukang pumunta.
Until sa nagtagal, unforgettable ito talaga!

May ilan roon, nakilala ko na.
Sapagkat nakikita ko sila pati na rin ang kanilang mga ginawa.
May nakilala pa akong iba, kaya may panibago akong madidiscover.
Through their personalities, accounts and stories that are great all over.

Some of them don't know me because I wasn't that popular.
But I introduce myself and some details so they can be familiar.
At ayun, nakilala na nila ako sa mga pahayag na ito.
Na maaring maalam niyo kung sino ako.

Ako nga pala si Geoff Labot o mas kilala bilang PogichoGwapoisig.
Na pinakahandsome sa balat ng pwet—CHAR LANG! Mabait at Pumapagibig!
Pede rin namang Kuya Tindahan na iyong maaasahan.
Dahil first name ko Martt, anong konek naman riyan?!

Pag ako'y inyong nakasama.
Ewan ko ba kung anong masasabi niyo ha!
Pero pwede tayong maging magkaibigan!
Di lang sa internet pero pedeng kahit ano pa yan!

Marami akong pakulo.
Sa aking mga nilikhang kwento.
Parang mga putaheng niluto.
Na masarap ang bawat istorya dito.

Isang manunulat na gustong ipahayag ang kwento.
Isang mambabasa na dumidiskubre na mga istoryang nilalaman dito.
At sa bawat pagsubok, meron akong kataga.
Na tumatatak sa utak ko na ibang klase talaga.

That remember, share of what you want to express.
Because maybe one day they will be impress.
Inspiration is the key to my Creation.
Uniqueness is next to Amazingness.

Kakaiba bang intro para rito?
Ilan diyan, kasama sa aking bio.
This is me! At your service para sa'yo!
Makilala, makipagkaibigan o makasama sa tulad mo ;)

❤😮👍29 | 💬 | ↪

Sorbetes Iskwad: TreasuryOnde histórias criam vida. Descubra agora