CHAPTER 1

4.9K 325 77
                                    

ZINNEA'S POV

Kasalukuyang nag didiscuss ang professor sa unahan, but here I am busy mag sight seeing sa labas ng bintana.

Segu'segundo ko ding chinicheck ang wristwatch ko,
tagal namang mag lunch time?
Swear, naniniwala talaga ako na kapag hinihintay mo ang oras tsaka naman to sobrang bagal,
nakakabwiset diba?

Nang mag sawa ako katitingin sa labas ay itinuon ko naman ang tingin sa harapan, tsaka ko nilibot ang tingin ko sa mga kaklase ko.

And same with me, mga wala rin silang pakielam sa nag didiscuss sa harap.

May mga pasimple pang nag babatuhan ng papel kapag nakatalikod si Miss, may pasimpleng nag cecellphone na nakatago sa libro para kunwari nag babasa, may mga pasimpleng natutulog, yung iba halatang nasa ibang planeta ang mga utak.

"Hey Zin."- Nilingon ko si Kisha na nasa likod ko.

Pinagtaasan ko lang sya nang kilay.

"Sabay tayong mag lunch ah?"- sabi niya habang pataas baba yung kilay.

Tinanguan ko lang sya para sa pag sang'ayon
nginitian nya naman ako, at pasimpleng humagikhik.

" Ghad kailan ba matatapos yan? Nagugutom nako."- Kahit hindi ko sya lingunin ay alam kong nakabusangot ang mukha nya.

Yeahh Kish, I feel you, gutom na rin ako.

Ibinalik ko ulit ang paningin ko sa labas ng bintana. Isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng upuan ko at humalukipkip.

Unti unting naniningkit ang mga mata ko para aninagin ng maayos yung mga nag kakagulong istudyanteng nag tatakbuhan sa soccer field.

Anong meron?

Nanlalaki ang mga mata ko nang makita yung isang babae na dinambahan yung lalaking parang takot na takot, tsaka ginagat ang leeg. shit, sirit ang dugo! What the hell?! at ganon din ginawa ng ibang estudyanteng sa iba pa na animoy sinasapian.

What the heck is happening?
Hindi ko namalayang napatayo na pala ako sa kinauupuan ko sa hindi makapaniwalang nasaksihan, tiningnan naman ako ng mga kaklase ko ng may pag tataka sa mga mata nila.

" Yes Miss Vañez? "- Nakataas pang kilay na tanong ni Miss.

Tiningan ko lang sya ng may nanlalaking mata at tinuon ulit ang atensyon sa labas ng bintana at ganon parin ang senaryo. Nag kakagulo. Puros mga nag tatakbuhang mga estudyante na tila hindi alam ang gagawin.

Mabilis na ginapangan ako ng takot ng makita na yung lalaki kanina'y unti unting tumatayo at nakisama sa mga estudyanteng humahabol sa mga estudyante.

B-buhay  pa?

Unti unti akong napahakbang palayo sa bintana na grabe ang takot na bumalot sakin sa mga nasaksihan, shit. Ano bang nangyayari?

" Oh my ghad! What hell is that?!"

Napatingin ang mga kaklase ko sa bintana at ganun rin ang naging reaksyon nila kagaya ko.
Hindi makapaniwala.

Is it really happening?

" Bakit sila kumakain ng tao?!"

" Heck! What's that!?"

" Hindi tayo ligtas dito!. Delikado tayo!"

"Uuwi nako!"

Kanya kanya sila ng komento, ang iba ay nanginginig sa takot habang ang iba naman ay nag uumpisa nang umiyak.

Z: Back To LifeWhere stories live. Discover now