EPILOGUE

3.8K 170 35
                                    

ZINNEA'S POV

"Ako na diyan Zin."- Wala akong nagawa ng agawin ni Erah mula sa kamay ko ang mga pinggan na hugasin.

"Ah sige, tutulong nalang ako sa pag haharvest."- Sabi ko, akma na sana akong aalis sa kusina ng pigilan niya ako sa braso pag kalapag niya ng mga pinggan sa lababo.

"Bakit?"-

"Mag pahinga ka nalang muna Zin, kami ang mayayari kay Zethro kapag nalaman niyang napagod ka ngayong araw."- Kakamot kamot niya pang sinabi.

"Malakas na ako, huwag kayong mag alala."- Nakangiti kong wika tsaka binawi ang braso ko tsaka siya tinalikuran at nag lakad palayo.

"Huwag mo lang papagurin ang sarili mo!"- Rinig kong pahabol niyang wika ng makalabas ako ng kusina.

"Saan punta mo?"- Tanong ni Bekka na nakasalubong ko.

"Sa garden tutulong lang mag harvest."- Sabi ko na mabilis niyang inilingan.

"Yari kami kay Zethro kapag nalaman niyang napagod ka."- Napairap ako sa isip isip ko dahil parehas sila ng sinabi ni Erah.

"Hindi, kaya ko na."- Sabi ko pero tila hindi pa siya nakumbinsi.

"Magpahinga ka nalang muna Zin, hindi pa bumabalik ang lakas mo. Namumutla ka pa nga."- Biglang sulpot na wika ni Haruka habang may hawak na basket ng punong puno ng mga gulay.

Wala na akong nagawa na marahang tumango at tinungo ang single couch na nasa labas ng pinto ng mansyon at naupo habang pinag mamasdan mula rito ang mga nag babantay sa mga ginawang tower para bumaril ng mga 'zombies' na nasa labas.

Napahawak ako sa tiyan ko kung nasaan ang sugat ng pag kakabaril sakin kasabay ng pag tulo ng luha ko, hindi dahil sa nakaramdam ako ng hapdi, dahil parang pinipiga ang puso ko habang binabalikan ang lahat ng pangyayari, parang ngayon lang ako natauhan, parang ngayon lang ulit ako nakaramdam ng sakit, parang ngayon ko lang ulit namiss ang buong pamilya ko, parang ngayon lang tumatak sa isip ko lahat. Pinunasan ko ang luha ko tsaka mabigat na bumuntong hininga.

Dalawang linggo akong nawalan ng malay sabi nila dulot ng pagkakabaril sakin, at kaninang umaga lang ako nagising. Gumising akong wala sila Zethro, Xenon at Kisha, sumama daw kasi sila sa food run.

Yung tungkol din pala sa bomba na itinanim dito ni Tandang Zox sa mansyon ay nadifused na pala iyon ni Jax bago pa kami tumungo sa lugar ng mga Aelox, iyon siguro yung huling sumakay ng van si Jax.

May parte sa dibdib kong nanghihinayang dahil hindi ko manlang naiganti ang pamilya ko sa kawalang hiyaang ginawa nila, pero ayos na siguro yon na hindi na ulit nadungisan ang mga kamay ko, karma na nila na mismong kamag anak nila ang tumapos sa kanila, hindi pa pala ako nagpapasalamat kay Micka dahil sa ginawa niya. Si Micka pala ang tinutukoy ni Ace na girlfriend niya, nabanggit nila sakin na ilang araw bago bumalik si Micka sa sarili dahil sa ginawa niya sa mga uncle niya.

Muli nanamang nanikip ang dibdib ko ng matanaw ko si Eunice hindi kalayuan na may kasamang dalawang batang edad tatlo at lima na mga anak ng isa sa kasama namin dito sa mansyon, malaki ang ngiti niyang sinusuklay ng mga daliri niya ang buhok ng batang babae, ngunit bakas sa mga mata niya ang lungkot. Nakunan siya ng mga oras na paalis na kami sa lugar na iyon, kahit hindi ako siya ay nararamdaman ko ang sakit na naging dulot ng pag kawala ng baby niya sa sinapupunan niya, at alam kong masakit rin iyon para kay Xenon dahil kita ko sa mga mata at ngiti niya na magiging isa siyang mabuting ama, pero sa isang iglap ay biglang nagbago, sa isang iglap ay nawala ang isang anghel na biyaya sa kanila.

Z: Back To LifeWhere stories live. Discover now