Chapter 39

5.5K 123 2
                                    

Jema's POV

"Bb naman ehhh bakit kasi kailangan kasama pa ako??" Pagmamaktol nitong katabi ko.

"Eh sa ayokong mag-isa." Walang ganang sagot ko.

"Ihhhh. Pwede naman kasing iba na lang sinama mo. I'm tired naaa." Hindi ko na lang siya pinansin at nagfocus sa pagmamaneho. Papunta kami ngayon sa dorm nila Mafe para ibigay ko yung allowance niya. Nakakahiya naman kasi sa kapatid kong yun kung siya pa yung pupunta sakin para kunin yung allowance niya.

Nagpark muna ako then tinext si Mafe.

To: Pangs
Nandito na kami sa labas ng dorm niyo.

Ilang saglit pa, nakita ko na siyang nasa pintuan kaya lumabas na ako ng kotse. Itong kasama ko naman lumabas rin pero padabog naman.

"Umayos ka Wong." Seryosong utos ko kaya napasimangot siya.

"Oh, anyare sa mukha mo Ate Deans?" Tanong ni Mafe nang makalapit kami sa kanya.

"Ito kasing Ate mo pinilit pa akong sumama." Sinamaan ko naman ng tingin si Deanna dahil sa sinagot niya. Kinulit ko kasi siya na sumama sakin tutal wala naman silang afternoon class and training kaya okay lang pero ayaw niya dahil pagod daw siya. Pero sadyang makulit talaga ako kaya sumama na siya kahit pagod na.

"Oh, alam mo na kung pano tipirin yan Maria Fe." Iniabot ko sa kanya yung envelope na may lamang seven thousand.

"Kailangan talaga buong pangalan ko Ate?" Malungkot niyang tanong kaya natawa na lang ako.

"Pumunta nga muna tayo sa mall. Gusto kong kumain atsaka maglibot e." Aya ko kaya mas lalong lumungkot ang mukha nitong kasama ko.

"Seriously bb? Pagod na nga ako tapos gusto mong magmall pa tayo? Hayst." Inis na sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

"Sige Ate. Magbibihis lang ako." Pumasok na siya sa loob. Si Deanna naman ay sumakay na ng kotse dahil mainit daw. Mas maarte pa siya sakin huh.

Pagkatapos ng ilang minuto lumabas din siya kasama sina.....Ysa at Eya??

"Uhm Ate, pwede daw ba silang sumama? May bibilhin daw kasi sila para sa project." Kamot-batok niyang sabi.

"Hahha oo naman. Tara na." Sumakay na ako sa driver seat tapos silang tatlo sa back seat.

"Nandito ka pala." Sabi ni Ysa nang makasakay sila ng kotse. Pinaandar ko na ito.

"Yeah. Bakit pala kasama kayo ni Eya?" Tanong niya.

"May kailangan po kasi kaming bilhin para sa school project." Sagot naman ni Eya.

"Hmm okay." - Deanna.

So ayun, pumunta kami sa UPTC para naman hindi ganun kalayo sa mga universities dito.

"Pupunta lang po kaming National Bookstore." Paalam ni Eya.

"Sige. Mafe, itext mo ako ako kung nasaan kayo ah." Sabay tingin ko kay Mafe.

"Oo Ate. Bye!" Naglakad na sila paalis.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko dito sa katabi kong nakatingin sa kawalan.

"Kahit saan." Walang gana niyang sagot.

"Galit ka ba?" Tanong ko ulit kaya napatingin siya sakin.

"No I'm not. Sorry. Pagod lang talaga ako." Hinawakan ko naman yung kamay niya at kinaladkad siya papunta sa milkteahan dito.

"Ano pong order niyo ma'am?" Sabi nung babaeng nasa counter.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now