Chapter 40

5.3K 115 0
                                    

Maddie's POV

Nagwa-warm up kami nang biglang tumumba si Deans.

"Deanna!!" We shouted at tumakbo palapit sa kanya. Inalalayan ko yung ulo niya and put it on my lap.

"Deans wake up!" Panggigising ko sa kanya pero nakapikit lang siya.

"What happened?!" Tarantang tanong ni Coach O.

"She was currently doing the punishment you gave to her then she just collapsed." Walang ganang sagot ko. Ano bang nangyayari sayo Deanna?!

"Dalhin niyo siya sa clinic." Utos ni Coach O at agad namang binuhat ni Coach Vince si Deanna. Sumunod kami sa kanila papunta sa clinic pero hindi kami nakapasok sa loob.

"Ako na ang bahala sa kanya. Bumalik na kayo sa BEG." Sabi ni Coach Vince.

"Tawagin niyo kami agad Coach kapag nagising na siya." Bea said and walked away. Bumalik na kami sa BEG.

"Kumain ba siya ng breakfast?" Tanong ni Coach O nang makarating kami sa BEG.

"Hindi nga po Coach e. Bigla na lang siyang nagkulong sa kwarto nila pagkauwi niya." Sagot ni Dani.

"Tapos hindi pa po siya kumain kagabi." Nakasimangot na sabi naman ni Ponggay.

"Sana okay lang siya. Ano bang nangyayari sa batang yun?" Tanong ulit ni Coach pero wala kaming sinagot. "Magigising din siya mamaya girls. I'll give you five minutes break muna." He added then lumabas ng BEG.

Pumunta ako sa bleachers at uminom.

"Akala ko pa naman kanina nandito na si Ate Deans. Saan naman siya nagpunta nun?" Jaycel asked kaya napatingin ako sa kanya.

"She didn't mentioned anything about that." I answered. So ayun, wala nang nagsalita samin because all of us are worried about Deanna. Kaya wala rin kaming ganang nagtraining.

I hope you're okay baby D.

___________________________

Deanna's POV

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Umupo naman ako at inikot ang aking paningin. Where am I? This place looks familiar.... Nasa clinic ako?!

Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Coach Vince.

"Gising ka na pala. Gutom ka na ba?" Tanong niya nang makalapit siya sakin.

"Opo." Kamot-batok kong sagot. "Anong nangyari Coach?"

"You passed out kaninang tumatakbo ka." Nagulat ako sa sinagot niya. Shocks! Oo nga pala.

"Kumain ka na muna dahil marami kang sasaguting mga tanong mamaya haha." He chuckled at inayos yung mga pagkaing dala niya. Mabilis naman akong natapos dahil na rin sa gutom.

"Okay ka na?" Tanong niya habang nililigpit ang pinagkainan namin.

"Yes Coach. Thank you dito." I smiled at him. "What time is it na po?" Tumingin siya sa watch niya then faced me.

"9:28 am." Na shock ako sa sinagot niya.

"May class pa ako Coach." Tumayo ako pero pinigilan ako nito.

"We already excused you na. Hindi mo na kailangang pumasok sa morning class mo dahil kailangan mong magpahinga specially you'll going to face La Salle in three days, remember?" Hala, oo nga pala. I almost forgot about our game kakaisip kay Jema.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now