Chapter One

173 155 56
                                    

MAINIT at nakakasilaw ang sinag ng pang-hapong araw. Palubog na ito at tanaw ni Doutzen mula sa makeshift venue ng wedding anniversary ng kanyang mga magulang sa kanilang bakuran. Ramdam niyang nanunuot ang init mula rito sa balat niya habang panaka-nakang sumisipsip ng mojito mula sa wine glass.

Patuloy ang pagsipsip ni Doutzen ng mojito mula sa baso at kahit pana-naka ang pagsipsip niya ay tila umiinit na ang magkabilang pisngi niya. Mas lalo pa iyong uminit nang walang kung ano-ano'y nakita niyang bumulaga mula sa gate ang ate Lizel niya kasabay ang mga kabigan nito at...

"The who?" naibulalas ni Doutzen sa sarili. Kasabay niyon ay ang kanyang pagkasamid sa huling lagok niya ng mojito. Nilakihan niya pa ang kanyang mga mata upang masiguradong hindi nga siya dinadaya ng kanyang paningin. Maliban sa mga dati na niyang kilalang kaibigan ng Ate Lizel niya ay may new face sa mga kasama nito. 'Di niya halos mapaniwalaan kung sino ito. It was none other than Sebastian Oliveros. Bagong mukha ito sa circle of friends ng kapatid niya. But Sebastian was nothing new to the media especially lately. Isa itong local celebrity singer.

Magmula nang magtapos sa kursong Electrical Engineering ay nagtrabaho na sa music industry si Doutzen bilang isang sound engineer. Personal niyang nasaksihan ang halos overnight na pag-angat ni Sebastian sa kasikatan sa mundo ng musika. Batid niya ang angking kakayahan nito sa paggamit ng charisma at magandang panlabas na kaanyuan upang sumikat sa kabila ng pangkariniwang kakayahan nito sa pagkanta. Sapul pa man ay isang taong mababaw na ang tingin niya rito at mas matimbang sa lalaki ang imahe nito kaysa sa musika. At ngayon nga ay nasa hapag ito ng kanyang pamilya, nakikipag-usap at nakikipagtawanan kay Lizel daig pa ang mga magkababata.

Pinilit ignorahin ni Doutzen si Sebastian at nag-focus na lamang sa sariling pagkain. Sinigurado niyang hindi magsasalubong ang kanilang tingin.

Subalit maya-maya pa ay may kung anong kaaya-ayang amoy na ang humalo sa hangin. Halos sa isang iglap ay nasa tabi na niya ang lalaki, nakangiti.

"Pagbati Doutzen! Medyo marami-rami na ring naikwento ang Ate Lizel mo sa 'kin tungkol sa 'yo. Sabi niya, isa ka raw talentado at magaling na sound engineer. I would love to work with you one of these days."

Kumulo ang dugo ni Doutzen. The nerve! Ang lakas lang ng apog nito na magpanggap na interesado sa musika gayong ang kasikatan at tagumapay lang naman talaga ang habol nito.

Humugot ng malalim na hininga si Doutzen, saka pilit na ngumiti. "Salamat. 'Di nga lang ako sigurado kung magtutugma ba ang mga sarili nating estilo. Mas matimbang kasi sa 'kin ang maka-trabaho ang mga artist na totoong may passion sa musika at sining, hindi lang sa kasikatan."

Umarko ang kilay ni Sebastian. "Gano'n pala ang tingin mo sa 'kin? Na kasikatan lang ang habol ko?"

Nagkibit-balikat lamang si Doutzen. "'Di lang naman ako. Sigurado akong maraming tao sa industriya ang may kapareho kong pananaw tungkol sa 'yo. Pero kung nagwo-work naman ang gano'ng estilo sa 'yo, sino ba 'ko para manghusga?"

Mayamaya pa ay napansin ni Doutzen ang biglang paglapit ng ate Lizel niya sa kinaroroonan nila ng lalaki.

Lumunok ang ate Lizel ni Doutzen. "Okay, let us change the subject. Sebastian, bakit hindi mo ikwento sa 'min ang tungkol sa pinaka-bagong project mo?" anito.

Ngumiti si Sebastian, pero kita ni Doutzen ang inis sa mga mata nito.

"Sure. 'Yung bagong album ko na kasalukuyan kong tina-trabaho ay nag-e-explore ng iba't ibang genres at tunog na din. Gusto kong ipakita sa mga tao na hindi lang ako isang one-trick pony, na kaya ko rin ang ibang genre," ani Sebastian.

Pinaikot ni Doutzen ang mga mata upang pigilan ang sariling makapag-salita pa nang kung ano. Alam niya namang bibilhin at tatangkilikin ng mga fans ni Sebastian ang kahit ano pang i-release nito, kesehodang mediocre music man yan, pulseras, sombrero, o T-shirt.

To Love the One I HateOnde histórias criam vida. Descubra agora