Chapter Three

123 148 23
                                    

HINDI maunawaan ni Doutzen kung bakit sa hinaba-haba ng oras na iginugol niya para pag-aralan ang musika ni Sebastian ay tila may kinakabahan pa rin siya. Araw ngayon nang takdang pagme-meet up niya sa artist mula sa Garden Groove na walang iba kundi si Sebastian. 

Maaga siyang nakarating sa cafe. Rustic ang style no'n. Nakalantad ang mga brick wall. Strategically placed ang mga mesa sa paraang babagay sa rustic theme ng cafe. Nababalot ng samyo ng aroma ng brewed coffee ang hangin, may soft jazz music na nagpi-play sa background. Kinalma ng atmosphere sa cafe ang sarili niya. 'Di lubos makapaniwala si Doutzen na magkikita silang muli ni Sebastian. No, not after she expressed her dislike of the guy at her parents' party.

Nang bumukas ang pinto, iniluwal no'n si Sebastian. May nakapaskil na ngiti sa mga labi nito. Tila bigla na lang lumiwanag ang kanina'y may kadilimang cafe. "Hey, Doutzen! It's nice to see you again," bungad nito sa kanya.

"Nice to see you, too," aniya sa lalaki. Medyo naaasiwa pa rin si Doutzen sa tuwing naaalala niya ang hayagang pagpapahayag niya ng disgusto sa binata nang una silang magkita nito. Pero sinubukan niya na iyong kalimutan upang makapag-focus siya.

"So, how about we get down to the business," ani Sebastian naag makaupo ito sa tapat niya. "Excited na 'ko para sa project na 'to at 'di na 'ko makapaghintay na marinig ang mga ideas mo," anito.

Pasimpleng huminga ng malalim si Doutzen. "Sure. Pero since ikaw naman ang kakanta, would you like to do the honors of giving a sample?" pasimpleng wika niya sa binata.

Ngumiti ito.

Pinigil naman ni Doutzen ang paglalim ng gatla sa noo niya. That's the best she can do for the effect his smile has in the room.

"Woul-d you like me to play a recording or sing?" tila nauutal na tanong nito. Dinukot din nito ang cellphone mula sa bulsa.

"Bakit 'di mo subukang kumanta?"aniya. This guy seemed confident on his recordings and performances, but right now, he was just like a kid embarrassed to be heard. 'Di rin lubos maunawaan ni Doutzen kung bakit ba kinailangan nitong ipikit muna ang mga mata bago magsimulang kumanta.

Pumailanlang ang musikang 'di pa lubos makuha ni Doutzen anong uri. Gayon pa man pino ang tunog no'n. Kung 'di lang siya napangungunahan ng ng pre-judgment meron siya sa lalaki, hahayaan niyang tangayin siya ng maypagka-haunting na tono, at pumipintig na tiyempo na tila nagmumula talaga sa dibdib nito. At doon nga, mula sa pagkanta nito ay mas naging klaro kay Doutzen kung paanong tila sinisiksik nito ang sarili sa isang uri ng pagkantang 'di naman nagpapalabas ng tunay na katauhan nito.

Sebastian sounded like he was wanting to be heard the way he thought people would like to hear him and not exactly for how he wanted to sound. Only this time, kumpara sa mga napakinggan niyang tracks nito, mas nakikita niya ang sarili ng musikero ngayon.

"I-I know... I know, it's unmade. Parang may kulang. 'Di ko nga lang mapangalanan kung ano. There's something I want to bring about, but can't," tila talunang wika nito.

Sandaling naging emphatic si Doutzen. "Nasubukan mo na ba mag-experimento ng ibang sound instruments?"

Ikiniling ni Sebastian ang ulo. "Hindi, eh. Parang na-stuck na nga akong talaga dito sa pop a gusto ng agency ko. Ni hindi ko nga alam kung sa'n magsisimula."

Nginitian ni Doutzen ang lalaki. Nais niyang ma-reassure ito. She felt sorry that he sounded vulnerable just a while ago. Hindi baga't ang prospect nito sa bagong album ay nagbibigay dapat dito ng kumpiyansa?

"Huwag kang mag-alala," paninigurado ni Doutzen sa lalaki. "We will figure it out. Simulan natin sa paggamit ng drum machines at mga synthesizers. 'Yon yung mga kailangan natin para mabigyang buhay itong piyesa na nais mong gawin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Love the One I HateWhere stories live. Discover now