Chapter Two

141 148 48
                                    

NANG naging makulimlim ang mga ilaw sa loob ng concert hall, 'di mapigil ni Doutzen na sumasal ang kanyang dibdib. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Doutzen habang nasa venue ng concert kasama ang mga kaibigan para sa performance ng isa sa mga pinaka-inaabangang concert tour ng taon sa bansa.

Napasulyap si Doutzen sa kinauupuan nina Alexa at ang kasintahan nitong si Niall. College sweet-heart din ang dalawa. Pero 'di tulad nila ni Jude ay mukhang itinadhana ang mga ito. Parehong nasa corporate world ang dalawa gawa ng mga big time na negosyante ang mga magulang ng mga ito.

For a moment, Doutzen couldn't help but dream what would it be like to step in Niall and Alexa's path? Mukhang laging nagsasalubong ang mga daang tinatahak ng mga ito kaya 'di na napaghiwalay magmula nang mag-ibigan.

Pumailanlang ang musika at tugtog mula sa unang performance ng banda. Nabaling ang kanyang atensiyon sa stage. Tulad ng kanyang mga kaibigan at ibang tao sa concert ay sabay siyang humiyaw.

Natapos ang tatlong unang number ng banda. It was time for the surprise guests performance.

"Oh my god, what are the chances?" bulalas ni Alexa nang tawagin ang pangalan ni Jude bilang susunod a magpe-perform.

Sinupil ni Doutzen ang mapatingin sa kaibigan. Ang cheers nila tungkol sa bagong simula at pag-iwan sa nakaraan nang huling mag-out sila sa bar ay nagbigay sa kanya ng sense of clarity. Gusto niya na ring tuluyang lumaya. Ayaw niyang paapekto sa mga nangyayari sa kasalukuyan. And she was doing well... until Jude started singing.

"Bawat talang isinulat natin, bawat salitang binitawan natin, isang himig na napaka-tamis, isang pag-ibig na inaasahan nating panatilihin..."

Nilukob si Doutzen ng magkahalong emosyon. Bigla, pakiramdam niya ay sobrang 'di patas ang mundo. Matagal na silang hiwalay ni Jude. Kung tutuusin, wala na dapat siyang nararamdaman. Pero bakit naman kasi sa lahat ng kanta, 'yon pa.

Magkasabay nilang isinulat, nilapatan ng tono at binuo ang kantang 'yon. kung kaya't 'di siya nakapaghanda sa bugso ng nararamdaman niya nang kantahin iyon ng lalaki.

Nagpatuloy sa pagkanta si Jude. "Subalit malupit ang tadhana, at ang ating landas ay nawala, nananatili pa rin sa mga ala-ala ko ang musikang ating ginawa, waring ito'y isang obrang, 'di kumukupas..."

Bago pa man sumagana ang mga luha ni Doutzen ay sinubukan niyang makahuma mula sa shock. Kinalma niya ang sarili lalo na nang maramdaman ang hagod ng kamay ng kaibigan niyang si Miranda sa likod niya.

"How was the concert?" kaswal na tanong ni Miranda habang palabas sila sa concert hall.

"It was bittersweet," halos kaswal ring tugon ni Doutzen. Kahit papaano'y humupa na ang bugso ng kanyang emosyon.

"Akala ko ba, tuluyan na ang pag-move on. Anong nangyari," takang tanong ni Alexa.

Pinigil ni Doutzen ang mapa-buntong hininga.

"Can I like skip telling you that we wrote together the song that he sang on stage?" Doutzen retorted with a grin.

"Of course," ani Alexa. Doutzen could tell she was suppressing an eyeroll.

Pakiramdam ni Doutzen ay may kung ano siyang pinapasan. Mabigat ang kanyang bawat hakbang. Sumama siya sa concert para sana mag-enjoy. Pero sa halip ay nabagabag lamang siya ng kanyang nakaraan at ang mga consequences meron ang mga choices na dati niyang ginawa.

Natigilan sa paghakbang si Doutzen nang marinig ang isang boses na nag-iba man ang lalim ay hindi niya pa rin maipagkakamali.

'Di niya halos namalayan na nakalingon na rin siya pabalik sa pinagmumulan ng boses.

To Love the One I HateWhere stories live. Discover now