Kabanata 45

103 7 0
                                    

Kabanata 45

Matapos ang tila walang katapusang pag-ta-training sa araw na iyon, matapos kong maperpekto ang wind form 1 ay nagawa ko na ring makapagpahinga. Hindi ko akalaing mararanasan kong mag-fasting ng wala sa oras. Ni hindi ako binigyan ni Cloud ng pagkakataong makakain sa araw na iyon. At hindi ko rin naman gustong kumain dahil tiyak na isusuka ko lamang iyon pagkatapos. Pakiramdam ko ay paulit-ulit akong sumakay ng rollercoaster habang pineperpekto ang galaw na itinuturo nila. Idagdag pa ang istriktong pagtuturo nila Cloud. Gayunpaman masasabi kong nakatulong din ang ginawa nila para magawa ko ang galaw na iyon.

"Lalagnatin yata ako," ani ko habang napapahawak pa sa ulo.

Narito kami ngayon sa sauna at kasalukuyang naliligo sa hot tub. Pare-pareho kaming pagod at sugatan. May pasa, galos, at gasgas sa katawan. Laking tulong na din ng hot tub upang ma-relax ang mga katawan naming bugbog sarado na sa training.

"May bampira bang nilalagnat?" Nangiwi ako sa tanong na iyon ni Mira.

"Oo naman 'no! Anong tingin mo sa'tin imortal?" Napanguso si Mira sa isinagot ko sa kaniya.

"Malay mo ba, hindi ba doon sa vampire movies na napapanood natin Cyn ganon iyon?" Nangiwi ako sa sinabi niya at pagod na ikinumpas ang kamay ko.

"Kita mo naman, hindi totoo 'yon."

"Pero—"

"Hindi nga sabi e!"

"E iyong twilight—"

"Ang kulit, sabing hindi e! Kung imortal ang bampira edi sana hindi tayo bugbog sarado ngayon kaka-training. Kalokohan iyon!"

"Pero aminin—"

"Tigil!" Itinaas ko na ang kamay ko at inilapit sa labi niya upang patigilin siya.

"Here guys, your drinks!" Natigil na lamang ang pagtatalo namin ni Mira nang dumating si Lady na may dalang tray ng mga gold wine glass. At kapag sinabi kong gold, sa kontinenteng ito hindi lang plastic na kinulayan o silver na kinulayan dahil dito ginto talaga iyon.

Magkano kaya ang pe-perahin ko kung isasangla ko ito sa banko?

Ako na ang sumaway sa sariling pinagiiisip.

"Blood for you." Sabay abot sa akin ni Lady na tinanggap ko naman. "And for you too." This time si Mira naman ang inabutan niya.

"Salamat!" masayang anang ni Mira bago inabot ang baso.

"And here's your fruit juice, Maxis!" Saglit pang kinatok ni Lady mula sa gilid ang hot bath bilang pagtawag kay Maxis na kanina pa ngang nasa ilalim. Hindi naman nagtagal ay umahon na ito na tila walang pakialam kung makita namin ang kaniyang kahubaran.

Well, ilang araw na rin kaming magkakasama dito. Parang nasasanay na kami. Kahit papaano, nag-e-enjoy din naman ako sa training na ito dahil mas lalo kaming nagiging malapit ng mga kaibigan ko. Mas lumalalim din ang pagsasama namin.

"Salamat Lady!" masayang saad ni Maxis bago tanggapin ang kopita at sumimsim doon. "Pineapple?"

"Hmm." Tanging sagot ni Lady bago ito nagtanggal ng suot na bathrobe at sumali na rin sa pagtatampisaw namin sa hot bath. "By the way, I heard Loki and Cloud are planning our fights tomorrow, ready na kayo?" Saglit akong natigilan sa pagsimsim ng dugo sa sinabi niya.

"Ang totoo kinakabahan ako." Si Maxis ang unang sumagot.

"Bakit naman?" tanong ko na.

"Baka kasi, hindi ko na naman makontrol ang apoy ko. Hindi ko gugustuhing masaktan kayo." Nawala ang ngiti ni Maxis at ang sigla kanina. Sabay-sabay tuloy kaming napabuntong hininga.

Lament Academy : School of Mythical (Dementrius Ashe Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz