Kabanata 47

100 7 0
                                    

Kabanata 47

Ang ikalawang laban ay sa pagitan ni Lady at Cloud. Pilit ko mang kinalilimutan na ako at si Loki ang maglalaban mamaya ay hindi na talaga mawala sa aking isipan. Hindi nakakatuwa iyon pero kagaya nga ng sabi ko ay wala naman na akong karapatang magreklamo pa sa kinalabasan ng pala-bunutan kanina.

Kanina nang si Mira at Maxis pa ang naglalaban ay na-re-relax pa ako sa isiping mamaya pa naman subalit nang magsimula na sila Lady at Cloud doon na ako dinalaw ng kaba. Alam kong hindi ako pagbibigyan ni Loki at iyon din naman ang nais ko. Subalit kung iisipin natitiyak kong wala akong laban sa kaniya. Alam namin iyon ni Lady na ngayon ay lumalaban kay Cloud, gayunpaman habang pinapanood ko ang kaibigan ko na pilit lumalaban bagamat alam ang hangganan ng kapasidad ay pilit kong tinatatagan ang sariling loob.

"Hanggang dyan lang ba ang kaya mo, conyong bampira?" Matawa-tawang panunuya ni Cloud kay Lady na panay lamang sa pagdepensa sa mga ibinabatong kidlat ni Cloud. Gumagawa lamang si Lady ng mga malalaking tipak ng lupa bilang harang upang hindi siya matamaan. Gayunpaman dahil sa sinabi ni Cloud ay tila nabwiset si ate n'yo.

"What did you say? You freaking doppleganger!" At doon na nga binuhat ni Lady na tila napakagaan lamang ng isang dambuhalang bato at ibinato iyon kay Cloud. Ikinagulat iyon ni Cloud subalit agad din namang gumawa ng paraan. Mula sa kinauupuan ko ay kita ko kung paanong bigla na lamang lumabas ang panibagong Cloud sa likod ng isa pa at tumalon palayo upang hindi matamaan habang naiwan ang isa at nadaganan. Kita ko din kung paano nagtalsikan ang dugo ng Cloud na nadaganan ng bato, nangiwi ako.

"Shit! Muntik na iyon ah!" Napapakamot pang reklamo ni Cloud na tila ba nakikipaglaro lang kay Lady na talagang seryoso na. Ako man ay hindi nagustuhan ang inaasta ni Cloud at tiyak kong ganon din ang nararamdaman ni Lady o mas higit pa.

"Damn you Doppleganger!" Doon na pinaulanan ni Lady ng mga malalaking tipak ng bato si Cloud na panay lamang sa paggamit ng abilidad niya. Sa totoo lang ay hindi na maganda sa paningin ang paulit-ulit na pagkapirat ng mga replikasyon ni Cloud. Bagamat hindi man sila totoo ay tiyak kong buhay naman ang mga ito dahil sa mga dugong nagtatalsikan. Wala naman akong nagawa kung hindi ang mapangiwi na lamang.

"Naman, nakakapagod na ito ha! Wala bang bago conyong bampira?" Iyon ang tanong ni Cloud matapos ay tumambling palayo sa replikasyon niyang tatamaan muli ng bato. Kung iisipin napaka-convenient ng abilidad niya subalit tiyak na nakakainis kalaban.

"You dimwit!" Pinagsunod-sunod naman ngayon ni Lady ang pagbato ng malalaking tipak ng bato subalit mas binilisan naman ngayon ni Cloud ang pagpapalabas ng kaniyang replikasyon habang tumatakbo palayo at tumatawa pa. Napapailing na lang ako.

"May mali sa kaibigan mo." Hindi ko na napigilang ikomento bago binalingan si Loki. Gayunpaman ganoon na lamang ang naging pagngiwi ko nang makita kung paanong nagagawa pang kumain ni Loki ng hamburger, fries, pizza at spaghetti na hindi ko alam kung saan nanggaling habang nanonood sa madugong labanan. Saglit pa itong nabulunan nang makita ang pagtingin ko sa kaniya at bahagyang sinuntok-suntok ang sariling dibdib. Doon ako napailing at walang nagawa kundi iabot ang malaking bottled water sa gilid sa kaniya.

"Bakit pa ba ako magtataka, may mali rin naman sa kaibigan niya." Ako na lamang ang napabuntong hininga bago ibinalik ang tingin sa laban.

"Gushto mosh?" rinig ko pang tanong ni Loki sa akin. Ako na ang umiling.

"Nangaasar ka ba?" Galit na tanong ni Lady kay Cloud na ngayon ay naka-indian sit sa batong ibinato ni Lady kanina. Puno ng dugo ang gilid niyon bakas ng mga dugo ng replikasyon ni Cloud na natamaan.

"Bakit, halata na ba?" Nakangiting tanong ni Cloud dito. Saglit pang kumiling ang ulo ni Cloud na tila nangaasar na talaga. Gayunpaman hindi ko napigilang purihin ang loko dahil sa lakas ng dating nito. Kung titingnan ay talagang mahitsura talaga si Cloud. Lalo pa kapag nagiging maloko na ito. Mestizo, kulot ang buhok, matangos ang ilong at matangkad.

Lament Academy : School of Mythical (Dementrius Ashe Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz