-CHAPTER 25-

93 3 1
                                    

"Vince sino siya?" Singit ni Suzy.

"Oh siya ba ang misis mo? And you're having a baby now? Wow! Congratulations to the both of you!" alam kong ibabalita niya ito kay Via, ayaw ko sanang malaman ito ni Via paniguradong mas lalo niya akong kamumuhian.

Pero ano bang iniisip kong ito? Paniguradong wala na siyang pakialam sa akin. Hindi dapat ako maging assumero!

"Salamat." tipid kong sagot.

Gusto ko sanang itanong sa kanya kung andito na rin sa Pilipinas si Via, kung kasama ba niyang umuwi? Pero kasama ko si Suzy.

"He is the brother of Via." natahimik si Suzy at hinawakan ako sa braso.

"Thank you for congratulating us. Yes, we're having a baby soon!" sarkastiko ang pagtawa ng Kuya ni Via dahil sa pag-brag ni Suzy. Dapat pala hindi ko na sinagot ang tanong niya kung sino si Kuya Clark. Mas lalong pinalala ko lang ang sitwasyon.

"Btw, I need to go. Need ko kasing mag-grocery. Bye pre! And congrats ulit!" tinapik ako sa braso ni Kuya Clark at umalis na nga siya.

Hinatid ko na muna si Suzy sa bahay bago ako babalik sa opisina.

"Oh saan ka pa pupunta? Akala ko dito ka na ulit titira?" pagtataka niya kung bakit hindi pa ako bumababa sa kotse.

"Yes, diyan na ulit ako titira but I need to go back sa opisina since hindi pa tapos ang working hours ko. Wait for me okay?" tumango siya at pumasok na sa loob ng bahay.

Pagkarating ko sa opisina ay bumungad sa akin ang private investigator na binabayaran ko.

"Sir buti naman po andito na kayo, kanina ko pa po kayo hinahanap at tinatawagan pero hindi kayo sumasagot! Sir bumalik na po sina Ma'am Via!" bigla akong nabuhayan. So it's confirmed, kasama nga ni Kuya Clark umuwi si Via! Finally makikita ko na ulit siya!

Pero kung sakaling magkita nga kami, feeling ko matatameme ako at wala akong masasabi. Hindi ko kasi alam kung kakausapin niya pa ako, pakiramdam ko dahil sa ginawa ko sa kanya noon forever enemy na ang turing niya sa akin...na huwag naman sana.

"Thank you for your hardwork! Okay na, this will be your last payment and dinagdagan ko yan ah." ibinigay ko na sa private investigator na pinagkakatiwalaan ko ang pera para sa pagtatrabaho niya sa akin sa matagal na panahon.

"Naku! Salamat ho Sir Vince!" Nakipagkamay ito sa akin.

"At saka nga pala Sir, dito po nakalista ang pangalan ni Ma'am Via sa facebook sakaling kailanganin niyo po." binigay sa akin ng private investigator ko ang isang papel at umalis na rin ito.

Napaupo ako sa swivel chair ko at binuksan ko ang facebook app ko. Kaya pala hindi ko siya mahanap dahil iba ang pangalan niya. Siguro para hindi ko malaman, para hindi ko na siya guluhin.

Anna Via Roque na ang pangalan niya. Buti naman at naka-public yung iba niyang pictures at post kaya nakikita ko sila kahit hindi ko siya i-add friend. Gustong-gusto ko na siyang i-add friend pero alam kong ide-decline niya rin friend request ko at magtataka rin yun kung bakit at paano ko nalaman ang bago niyang facebook account.

Clinick ko muna ang kanyang profile picture, parang pumayat siya. Hindi ba siya nakakakain ng maayos doon? Kung nalaman ko lang ng mas maaga na nasa NYC ka, palagi kitang dadalawin at dadalhan ng pagkain kahit andito ako sa Pilipinas lilipad talaga ako papunta sa'yo kahit na ipagtabuyan mo ako.

Sunod ko namang tiningnan ang cover photo niya. Winter season ang time na ito at nakaupo sila sa bench, kasama niya si Kuya Clark at katabi niya ang isang lalaki na never ko pang nakita. Baka nakilala niya doon sa NYC. Napansin kong naka-akbay ang lalaking ito kay Via, agad pumasok sa isip ko na baka boyfriend niya itong lalaking ito na huwag naman sana. Hindi ko naman pinipigilan siyang hindi maging masaya at humanap ng bagong iibigin para makalimutan niya yung ginawa ko sa kanya pero alam mo yun kung boyfriend nga niya ang lalaking iyon, handa akong ipaglaban siya kahit walang kasiguraduhan na ako pa rin ang pipiliin niya.

Bumalik ako sa timeline niya at puro mga inspirational at motivational quotes ang pino-post niya. Natuwa naman ako kasi she's spreading positivity sa mga facebook friends niya and also sa sarili niyang buhay. Based on the pictures in her FB account, I can see na she's very happy with her life now...without me.

Tuluyan na nga ata siyang naka-move on. Nakita ko ang isang picture niya na kasama yung di pamilyar na lalaki doon sa cover photo niya, nasa likod nila yung Statue of Liberty at may caption ito na, "Thank You for making me happy, Kristoff :)"

Naka-tag yung Kristoff sa post ni Via kaya clinick ko din ang profile nito at silang dalawa ni Via ang nasa profile picture niya at may caption ito na, "Salamat sa aming photographer na si Clark! Hahaha!" nakita ko yung mga comments at galing ito kay Kuya Clark at Via, mukhang close nga silang tatlo at kung boyfriend nga talaga ni Via itong si Kristoff, mukhang boto na boto sa kanya si Kuya Clark.

Pinatay ko na ang phone ko at napagdesisyunan ko ng umuwi dahil habang pinapagpatuloy ko pa ang pangi-stalk ko sa facebook ni Via...mas lalo lang akong nasasaktan sa mga nakikita ko.

Pagkauwi ko hinanap ko si Suzy sa first floor pero wala siya, baka nasa kwarto namin siya. Dahan-dahan akong humahakbang nang marinig ko na may katawagan siya. May siwang ng kaunti ang pinto kaya kitang-kita ko siya. Lumapit pa ako ng kaunti para marinig ko ang pinag-uusapan nila ng kung sino mang kausap niya ngayon.

"Bakit ka ba napatawag? Mamaya parating na si Vince, baka mahuli pa ako nun!" mukhang yung kabit na naman niya ang kausap niya dapat talaga hindi na ako sa kanya naniniwala pa na magbabago siya eh! Hindi na talaga siya magbabago.

"Yung baby natin? Okay naman daw, kanina sinamahan ako ni Vince sa clinic tapos nagpa-ultrasound na rin ako. Lalaki ang anak natin! Bumili na rin kami ng mga gamit at balak naming i-decorate yung nursery room." Baby natin? Sinasabi ko na nga ba eh! Tama ang hinala ko na hindi ko talaga anak ang dinadala niya ngayon! Pilit niya akong pinaniwala na akin ang dinadala niya, naniwala naman ako kahit papaano pero may konting duda pa ako at tama nga talaga ang nararamdaman ko!

"Ha? Dadalaw ka kapag nanganak ako? Huwag na! Alam mo naman na syempre andun si Vince, ano na lang sasabihin ko kung dumalaw ka paniguradong magtatanong yun kung sino ka. Sige na, baka dumating na si Vince." binababa na niya ang tawag. Pagkababa niya ng tawag saka lang ako pumasok sa kwarto, gulat na gulat si Suzy na makita ako.

"K-Kanina ka pa ba diyan?" sinamaan ko siya ng tingin. Matagal na niya akong niloloko! Akala ko nung nahuli ko siya, titigil na siya pero hindi patuloy pa rin siya sa pagtataksil sa akin!

"Oo at rinig na rinig ko ang usapan ng tunay na ama ng dinadala mo!" dumagundong ang boses ko sa buong bahay. Sobrang galit na galit ako sa kanya dahil hindi niya sa akin sinabi yung totoo!

Regret (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя