-CHAPTER 32-

98 2 0
                                    

Vince's POV

Napag-desisyunan ko ng iwan si Suzy, hindi ko akalain na ililihim din niya sa akin na hindi ko anak ang dinadala niya. Kaya pala hindi ako excited na magiging ama na ako. Andami niyang tinatago sa akin, sobrang nagsisisi ako na siya ang pinili ko kaysa kay Via. Tinapon ko ang relasyon namin ni Via para makipagrelasyon kay Suzy na bago ko pa lang nakilala. Naiinis ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko napaniwala niya ako sa lahat ng mga salita niya noon na ang dahilan kung bakit ganun na lang kadali sa akin na iwan si Via. Pero may kasalanan rin ako kasi nagpatukso ako sa kanya, ni hindi ko man lang inisip ang mararamdaman ni Via.

Dapat papunta na ngayon ako sa bahay na tinutuluyan ko which is yung bahay na ipinundar namin ni Via kaso naisipan ko na pumunta sa subdivision nila para magpaliwanag kay Via ang lahat-lahat, hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nasasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Gusto ko rin banggitin sa kanya ang about sa bahay naming dalawa.

Pagkarating ko sa subdivision nila ay pinatigil ako ng guard, "Sir natatandaan ko po kayo, diba po ban na kayo dito sa subdivision dahil sa ginawa niyo noon na pagwawala sa Roque Residence?" gusto ko pa ring subukan sana, akala ko tinanggal na nila ang ban ko makapasok dito.

"Boss baka naman oh, may kailangan na kailangan lang talaga akong sabihin kay Via." pakiusap ko sa mga gateman.

"Sorry sir utos po sa amin nina Mrs. Roque na kapag bumalik daw po kayo ay huwag namin kayong papasukin." naiintindihan ko naman na ginagawa lang nila ang trabaho nila.

Paalis na sana ako nang matanaw ko si Via sa di kalayuan at mukhang nagjo-jogging siya kasama ang aso nila. Hindi ako nag-atubili na tawagin siya, mukhang ito na ang sign ng tadhana na ituloy ko ang pagtatapat ko sa kanya.

"Via!" napalingon si Via sa may gawi ko at walang gana siyang pinuntahan ako. Ini-expect ko naman na talaga na ganun ang pakikitungo niya sa akin. Miss ko na yung mga panahon na tuwing nagkikita kami, agad siya tatakbo papalapit sa akin at yayakapin ako na para bang isang taon kaming hindi nagkita. Ganun kami kasabik  na makita ang isa't isa. Pero dahil nga tanga ko, ako ang tunay na sumira sa relasyon namin ay handa kong harapin siya kahit palagi niya akong sungitan at ipagtabuyan.

"Anong nangyayari dito?" tanong niya pagkalapit na pagkalapit niya sa amin.

"Ma'am Vianna kasi itong si Sir ban po dito sa subdivision sa utos po ng Mommy at Daddy niyo eh gusto daw po kayong makausap eh." palawinag nung guard at matalas na mga tingin ang ibinato sa akin ni Via.

"Ah okay about doon nga sa issue ng pagwawala mo sa amin nung lasing ka, tama lang yun sa'yo." sabi niya. Kaya ko lang naman nagawa iyon dahil gusto ko siyang makita na, gusto ko lang alamin kung saang bansa siya pumunta dahil kayang-kaya ko lumipad agad-agad para mapuntahan lang siya kahit saan pang sulok ng bansa 'yan.

"Please Via, gusto lang kitang makausap." pakiusap ko sa kanya. Madami akong gustong sabihin at ipaliwanag sa kanya. Nung panahon na umalis siya, ni hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos.

"Sige mag-usap tayo." tipid niyang sagot at pumasok na siya sa loob ng subdivision nila ulit at lumiko siya sa park na nasa bukana lang ng subdivision.

Sa wakas pinapasok na rin ako ng mga guard at ipinark ko sa isang gilid ang kotse ko. Kinakabahan ako sa bawat hakbang ko papalapit kay Via.

"Oh anong gusto mong pag-usapan natin?" tanong niya agad sa akin pagkalapit na pagkalapit ko na para bang wala na agad siyang interes sa mga sasabihin ko sa kanya.

"Via...gusto ko munang humingi ng tawad sa'yo sa lahat-lahat ng ginawa ko. Pasensya na kung dahil sa akin napilitan ka pang pumunta sa ibang bansa para umiwas sa akin. Sobrang sakit nga naman ng ginawa ko, nung mga panahon na iyon hindi ko man lang naisip yung mararamdaman mo bagkus inuna ko yung kasiyahan ko. Sobrang makasarili ako, aaminin ko iyon. At dahil doon sa pagkakamali na yun, nawala ka sa akin." sa wakas, tumingin na rin siya sa mga mata ko. Nagulat ako nang may tumulonh luha sa mga mata niya na agad niyang pinalis.

"Unang-una sa lahat, desisyon ko na pumunta sa ibang bansa hindi lang para kalimutan ka kundi hanapin muli ang sarili ko. Doon ko na-realize na buong buhay ko pala nung tayo pa, sa'yo lang umiikot buong oras ko na nakakalimutan ko na minsan ang sarili ko. Ang dami kong natutunan habang nasa New York ako at tama ka isa na nga doon na tuluyan na kitang kalimutan at ibaon na ang lahat ng mga alaala natin. Pero upon seeing you here at my side, nanumbalik lahat eh. Lahat ng mga ginawa mo sa akin na dumurog sa puso ko! Vince sige sabihin rin natin na may pagkakamali ako kasi nawalan ako ng oras sa'yo pero isang pagkakamali lang yun! Pero anong ginawa mo? Pinili mo akong iwan at ipagpalit sa iba. Kaya pasensya ka na kulang ang salitang sorry sa laki ng kasalanan mo sa akin." paalis na sana siya nang pigilan ko siya at lumuhod ako sa harap niya. Dito na ako napahagulgol, gulat siya na makita ako na umiiyak dahil never akong umiyak sa harap niya kahit nung may kami pa. Wala eh, para bang sa mga salita na binitawan niya parang unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na maayos ko pa ang sinira kong relasyon namin.

Call me desperate, pero I really want her back. Gusto ko ibalik namin ang pagsasama namin noon, nung panahon na sobrang saya namin at umiikot lang ang mundo namin sa isa't isa. Kung siya pinili niyang ibaon ang mga memories namin together, ako? Hindi ko ata kaya. Hindi ko kayang kalimutan ang mga ala-ala namin noon dahil yung mga panahon na iyon ang pinakamasayang nangyari sa akin.

"Please pakinggan mo muna ako. Sobrang maling-mali na niloko kita at magpakasal ako sa ibang babae. Pinangakuan kita ng kasal kasi ikaw yung gusto kong makasama habang-buhay at inis na inis ako sa sarili ko kasi pinakawalan pa kita. Via, mahal na mahal kita. Hindi naman talaga nawala ang pagmamahal ko sa'yo eh, hindi mo lang alam kung paano ako nasaktan nung panahon na malaman ko na umalis ka ng  ibang bansa. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko noon at doon ko napatunayan na maling-mali ang ginawa ko sa'yo. Hindi ako makatulog hangga't hindi ko nalalaman kung saan kang bansa nakatira, palagi kang nasa isip ko kung kumusta ka na? Kung nakakakain ka ba doon ng maayos? Kung ano ng nangyari sa'yo. Miss na miss kita araw-araw kaya naman ngayon na nasa harap na kita, gusto ko sabihin sa'yo lahat-lahat ng nararamdaman ko para sa'yo." walang kapatawaran ang ginawa ko, alam ko iyon kaya naiintindihan ko kung gaano siya kagalit sa akin pero gagawin ko lahat hanggang sa mapatawad na niya ako. Alam ko naman na hindi basta-basta ang hinihingi kong kapatawaran pero sana bigyan niya ulit ako ng isa pang pagkakataon na itama ang lahat.

Regret (Completed)Where stories live. Discover now