Chapter 45: Caught

2.7K 111 21
                                    

Leaf's P.O.V.

I started to stand up and gather all of my strength to run away from her, to run away from this cruel world.. Bakit hindi niyo sinabi Mama at Papa?

Hindi ko matanggap, bakit may mga taong nangingialam sa mga bagay-bagay? Lalo na sa ganito. Ano ba ang makukuha nila? Self-satisfaction?! Kalokohan!

Pumasok ako sa kwarto kung saan sinabi ni Mrs. Saavedra na magpalipas ng gabi. Para naman akong gagang umoo, seryoso ba ako matutulog talaga ako sa bahay ng mga taong pinagkaitan ako ng kalayaan?

Gusto ko rin, para makita ko si Malds ko..

Ay di na siya akin simula ngayong gabi..

Tumulo na naman ang luha kong, wala na atang katapusan. Napahikbi ako, ang sakit...

Habang nasa gitna ako ng pag-iyak, may marahang kumakatok sa pinto.. pinunasan ko ang luha..

N-na-miss ba ako ng mahal ko? Pero baka magalit siya dahil umiiyak na naman ako..

Ngumiti ako sa salamin sa kwarto, pero ang lungkot pa rin ng mata ko, at tumulo lang ang luha ko, a-ang panget ko..

Gusto ko ulit tuksuhin ako ng Malds ko, wala na akong pakialam kahit asarin niya ako minu-minuto, hindi yung ganito..yung ang kalma niya tapos ang lungkot, mas gusto ko lagi siyang nagtataray, h-hindi ako sanay sa tahimik na Xena..

Napakagat na naman ako sa ibaba kong labi at nagpatuloy na humikbi, napaluhod na lang ako habang hawak ang mga hita ko at napayuko. I feel helples..

Imagine I started make future with her, but in an instant, in a split second, nawala lahat..

Muling umindayog ang katok na nagmumula sa pintuan.. Nanghihina man ay tumayo ako, pinunasan ko ang lumuluha kong mata at inayos ang nagulong buhok..

Baka kasi, k-kung sakali si Xena ang nasa likod ng pinto ay maturn-off siya sa ka-haggardan ko, ilusyon pa..

Doon na lang kasi ako sasaya..

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. Nakayuko lang ako, at hindi matignan ang may magagandang pares na paang ito.

"Can we talk....Dwarfie.." That serious and intimidating voice...my bride to be, ngumiti ako ng mapakla..Xenon..

"P-pwede sa ibang araw na lang, Ms. X-Xenon? Gusto ko na sana magpahinga.." mahina kong sabi, namamalat na rin ako sa kakaiyak.

"Tsk, you shouldn't address me that, my future wife." Rinig ko ang sarkastiko sa maganda niyang boses, nag-angat ako ng tingin na may inis. Bakit parang wala lang sa kaniya?!

"Oh, don't stare at me like that, Dwarfie.. Huwag mo akong artehan, nakita kitang tinulak ang glass door kanina kahit pull yung nakalagay.." shet?! Ang bobo ko sa part na yun?! Letche, at bakit ko pa iisipin yun eh nasasaktan na ako..

"W-weh?" She smirked and clicked her tongue, magkasalubong parin ang kilay ko, I feel so offended, broken hearted na nga ako tapos ang bobo ko rin..

"I just lighten the atmosphere.. Mind if I join your mourning tonight?" Huh, anu daw? Morning ngayong gabi?

"Ugh, stupid slow-ass dwarf, I said let me damn in!" She shouted that made me twitch a little, peste kailangang sumigaw?! Niluwagan ko ang pinto at pumasok siya na may mabibigat na paa. Ang attitude..

Siya na rin nagbukas ng ilaw habang palatak ng palatak.. grabe kakaiba, parang..si Xena.. hindi ko napansin na naiiyak na naman ako, habang pinagmamasdan ang nagsusungit na Xenon.. hindi naman sila masyadong hawig pero may pagkakapareha ang kanilang pag-uugali.

Falling LeavesWhere stories live. Discover now