Heartbeat 3: Too Perfect

34.8K 947 63
                                    

Kevin's POV

"Don't stare at me that way" I said.. at patuloy pa din sa pagdadrive, I saw on my peripheral vision that she's intenly looking at me..

"Masama bang tumingin sayo?" she asked. I smiled.. Tumahimik na ulit sya at ako naman ay napapangiting sumulyap sa kanya bago binalik ang tingin sa daan.. 

Kanina pa kasi nya akong tinitingnan pagkaalis namin sa mall.. 

"Liko mo sa sunod na kanto.." she said, sinunod ko naman sya.. 

"Dito ba ang bahay mo?" I asked ng pinahinto nya ang kotse sa tapat ng isang malaking gate.. 

"Actually no, but for me, this is my second home.." she said before totally go down.. Bumaba din ako ng kotse.. Gusto ko syang tanungin kung anong ibig nyang sabihin..

"Ok na ako dito, pwede mo na akong iwan.." binuksan nya ang backseat door, tinulungan ko syang ilabas ang mga pinamili namin.. 

"Hintayin ko munang makapasok ka sa loob bago ako umalis.." I said. She just shrugged.. Nagdoorbell na sya.. At ngayon ko lang napansin na isa pa lang orphanage itong pinuntahan namin..

Di nagtagal bumukas ang malaking gate, at napuno ng masasayang tinig ng mga bata ang paligid.. Sinalubong nila ng yakap at halik si Freya.. Natutulalang pinagmasdan ko sila, halatang sabik na sabik silang makita ulit ang babaeng kanina lang ay katabi ko sa kotse.. 

Parang may kung anong humaplos sa puso ko, ng yakapin at halikan din nya ang mga bata.. Yung mga ngiti nyang punong puno ng buhay ay mas lalo pang nabuhay dahil sa mga batang nakayakap sa kanya ngayon.. 

"Naku pasensya ka na sa mga batang yan, mahal na mahal lang talaga nila ang ate Freya nila.." napalingon ako sa nagsalita, isang medyo may edad ng babae.. 

"Buti naman at nahanap na nya ang lalaking para sa kanya, masaya ako para sa batang yan, ngayon lang sya nagdala ng boyfriend dito.." dagdag pa nya.. 

Di pa man ako nakakasagot ay nagsalita naman ang isang bata..

"Ate Freya ang gwapo po ng boyfriend mo, bagay na bagay po kayo.."

Napatingin ako kay Freya at halatang nagulat din sya sa sinabi nung bata.. 

"N-aku Joan hin-----"

"Talaga? bagay  kami?" tanong ko dun sa bata bago pa man ituloy ni Freya ang sasabihin nya.. 

"Opo kuya.." sagot nung batang si Joan.. 

"Ganun ba, kaya lang, di naman ako ang boyfriend ng ate nyo eh, may mahal na yang iba, kaibigan nya lang ako.." I said.. Di ko alam pero bigla ko na lang nasabi yun and I felt regret on it..

"Oo tama sya, may mahal na akong iba.." napatingin ako ng magsalita sya.. Iniwasan nya ang mga mata ko.. 

"Good for you.." I said..At ibinaba ko na ang ilan sa mga pinamili namin..

Ano bang nangyayari sakin? Bakit parang naasar ako? At mas lalo pa akong naasar sa sinabi nya na may mahal na sya.. 

I think I need to stay away from her, being with her until now is not a good idea at all.. 

"Sige na magpaalam na kayo sa kanya, he's about to go.." nahimigan ko naman na parang pinagtatabuyan na nya ako.. That's great, 'cause I don't wanna know her more or even  get closer.. 

Wengya tinopak na naman ako..Pero naiinis talaga ako, knowing that she's beyond perfect.. Maganda, mabait, mapagmahal, pakiramdam ko nasa kanya na lahat, at sobrang kinaiinis ko ang bagay na yun.. Dahil pakiramdam ko, mahuhulog ako sa tulad nya.. 

Beats of HeartWhere stories live. Discover now