Prologue

106 13 2
                                    

     Isang babae ang naglakad sa isang lumang parke sa San Jose City. Bakas sa kanya ang pagkawalay sa taong kanyang minamahal. Hawak ang isang larawan, umupo siya sa isang bench na gawa sa kahoy.

     May isang matandang babae ang lumapit at umupo sa kanyang tabi. Napansin niya ang tulalang babae na tinignan ang hawak nitong larawan. Alam ng matanda na kailangan ng babae ang tulong niya.

     Nilabas niya ang isang mahiwagang bote sa kanyang dalang bayong. Kumikinang ito habang nasilayan ang mukha ng babae.

     Napalingon bigla ang babae sa maliwanag na kinang ng bote. Ngumiti ang matandang babae sa kanya.

“Ano po ‘yan Manang?” tanong ng babae.

“Tingnan mo ang sarili mo sa bote... Makikita mo ang gusto mong buhay kapag binago mo. Isang hiling, magbabago lahat sa’yo!”

     Tinignan niya ang mga imahe na lumabas sa bote. Nakita niya ang kanyang sarili sa ibang uri ng pamumuhay. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.

“Isang hiling, magbabago buhay ko?”

“Oo, kahit anong isang hiling matutupad ng boteng ito. Humiling ka Felizilda!”

     Nagulat bigla ang babae ng alam ng matanda ang kanyang pangalan. Agad inisip niya ang kanyang buhay na kanyang naranasan. Alam niya sa kanyang sarili na hindi siya masaya. Lalong-lalo na sa taong kanyang minamahal.

Felizilda, ano ba ang great wish mo?” tanong ng matanda.

“Gusto kong bumalik sa nakaraan para maitama ang pagkakamaling ginawa ko sa kasalukuyan upang mabago ang aking kinabukasan...”

Spin The BottleWhere stories live. Discover now