Chapter 1

58 10 0
                                    

     Isang simpleng pagtitipon ang magaganap sa pagitan ng magkaklase at magkakaibigan noong high school na sina Adam Esteban at ang kanyang girlfriend na si Samantha de Chavez. Sina Anastasia Rosales at Christian Baldista. Koby Ravales at Alexon Rhiego. Ethan Hidalgo at Ella Albarez. At ang single but ready to mingle na si Sky Lombre.

     Bago nagsimula ang kanilang pagtitipon, si Adam ang unang dumating sa Don Aurelio Pablo University sa kanilang silid-aralan kung saan sila nag-aaral sa High School. Tinawagan niya ang kanyang bestfriend na si Ethan dahil sa isang kasunduan.

“Ethan! Nasaan kana?”

Papunta na kami diyan ni Ella,” sagot niya habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.

“Nadala mo ba ‘yong pinapadala ko sa’yo?”

“OO, Ako pa!”

     May nakasabit na mga foil strips (ginupit na colored foil into long stripes) sa kanilang ceiling na may mga larawan nila dati sa dulo ng bawat foil strips. Pinalibutan ang kanilang silid-aralan ng mga colored balloons atsaka may nakalagay na malaking mantel sa gitna. Sa mantel, may isang bote na nakahiga at nakatutok sa pintuan ng silid-aralan.

     May lamesang nakalagay sa harapan sa gitna ng blackboard at whiteboard. Sa lamesang ito, doon nakalagay ang kanilang mga pagkain at inumin. Nakalagay din ang mga baso, plato at kutsara at tinidor malapit sa dulo ng lamesa.

     Pangalawang dumating si Sky at nagkasalubong sila ni Adam habang nagmamadali itong lumabas sa silid-aralan.

“Adam! Saan ka pupunta?”

“Oi, Susuduin ko muna si Samantha malapit dito sa school natin Sky,” sagot niya habang nagmamadaling naglalakad palabas ng hallway.

     Pumasok agad si Sky sa silid-aralan at namangha siya sa disenyo. Tinignan niya ang mga nakasabit na mga foil strips at isa-isa niyang tinitignan ang mga larawan.

     Nakita niya ang isang larawan na kung saan nakangiti ng sobra ang dating siya. Nakasulat sa likod ng larawan ang pangalan niya at maliit na detalye tungkol sa kanya.

           SKY LOMBRE
Babaeng pinapantasyahan ng mga pangit na kalalakihan. Magaling umarte pero hindi alam ang emosyon ng kanyang totoong buhay. Masayahin at simpleng babae kung manamit. Higit sa lahat malalapitan sa lahat ng bagay.

     Nakangiti habang tumutulo ang kanyang luha sa kanyang nabasa tungkol sa kanya. Tinignan niya ang ibang larawan at nakita din niya ang larawan ng kanyang matalik na kaibigan na si Samantha.

     Tinignan niya ang likod ng larawan pero walang nakasulat na detalye tungkol sa kanya. Maliban nito, nabasa din niya ang mga detalye ng kanyang ibang mga kaibigan na babae na sina  Anastasia, Alexon at Ella.

     ANASTASIA ROSALES
Magandang babae at magaling gumuhit. Matangkad at modelong gumalaw. Attention seeker dahil kulang sa attention ng kanyang magulang. Mapagtataguan ng sekreto at mapagmahal na ate sa kanyang mga kapatid na kambal.

        ALEXON RHIEGO
Pinalaking may takot sa Diyos. Marunong kumanta at parte ng isang choir sa kanilang simbahan. Old style fashion kung manamit dahil may tinatagong pasa sa kanyang Ama.

           ELLA ALBAREZ
Cute at charming. Mahilig magpatawa at malakas tumatawa kahit corny ang mga jokes. Mahilig gumala at siya ang nag-i-insist sa kanyang mga kaibigan na gumala. Mahilig sumali sa gulo at pilosopo.

     Habang tinitignan ni Sky ang ibang larawan, nagulat siya ng biglang sumulpot at gulatin siya sa kanyang harapan nina Ella at Ethan.

BOOO!”

TAE NIYO! Oi ano ba... ginulat niyo naman ako!”

“Wala pa ba sila Sky?” tanong ni Ethan.

“Actually, si Adam ang unang dumating dito kanina. Pero... nagmamadaling lumabas ng campus para sunduin raw si Sam,” sagot niya habang kumukuha ng tubig sa lamesa.

     Dumating na sina Anastasia at Christian kasama sina Alexon at Koby. Nagyakapan sina Sky at Alexon habang nagfifist bomb naman sina Christian at Ethan. Nagbeso sina Anastasia at Ella at dumeretso sa lamesa si Koby para kumuha ng beer.

Kamusta na kayo guys? Sobrang miss ko kayo.” Sambit ni Anastasia.

“Wow, parang isang taon tayo hindi nagkita... One week lang ‘te,” sagot ni Ella ng pabiro.

     Tumawa silang lahat dahil sa hirit ni Ella. Nagikot sina Alexon at Ella sa mga larawang nakasabit sa mga foil strips. Sina Anastasia at Sky ay pinaglalaruan ang mga balloons sa gilid. Ang mga kalalakihan naman ay kumuha ng beer.

Spin The BottleWhere stories live. Discover now