Chapter 33

9 5 0
                                    

    
     Bago nagsimula ang competition, pumunta muna si Samantha sa comfort room ng mga babae para kumuha ng lakas. Nangibabaw sa kanya ang takot at kaba dahil sa maganap. Agad tinawag isa-isa ang dalawang representante ng bawat school sa region na nila.

     Nasa pangpinto ang pangalan ni Adam habang nasa pangwalo ang pangalan ni Samantha. Mas natakot siya ng narinig niya ulit ang numerong kanyang iniwasan. Ang numerong 8 ay ang unlucky number ni Samantha.

     Noong 8 months old siya ay iniwan sila ng kanyang totoong Ina at iniwan siya doon sa bahay ampunan ng kanyang Papa para hanapin ang hindi pa nahahanap na Ina niya. Noong September 8, 2004 sa 8th birthday niya, nasagasaan ang kanyang Papa Manuel ng sasakyan na pinagmamay-ari ng Papa ni Adam na may plate number  na HOH808.

     Bakas sa kanya ang takot na baka hindi siya suwertihin na pumasok sa top 2. Nilapitan siya ni Adam at binigyan ng pang-cheer up na mensahe.

“Do your best Sam… for the top 2! Kayanin natin ‘to!”

     Agad nabuhayan si Samantha dahil sa mensahe na sinabi ni Adam sa kanya. Nawala sa kanyang isipan ang salitang malas dahil ang taong may pangarap kahit anong malas o sakuna ang dumating, kakayanin niya itong malampasan dahil may tiwala siya sa kanyang sarili.

     Pinaupo sila sa mga armchair at dalawang metro ang agwat ng bawat isa. Binigyan sila ng mga questionnaire at ng sagutang papel na kanilang sulatan ng kanilang sagot. Sa loob ng questionnaire may apat na set ito: Average, Medium hard, difficult at tricky.

     Sa average na set, may 30 tanong na may pagpipiliang sagot. Sa medium hard set, may 30 tanong na sasagot lamang sila ng TRUE or FALSE. Habang sa difficult set ay may 30 tanong din na walang choices. Tamang sagot sa tanong lamang na may tamang solusyon ang sasagot nila. Habang sa tricky na set ay dapat ibigay nila ang tamang hinihingi ng 20 tanong.

     Humudyat na ang committee para sagutin na nila ang 110 tanong na nasa questionnaire sa loob ng 2 hours and 30 minutes.

     Sa loob pa lamang ng 30 minuto ay bakas sa mukha ni Samantha ang positibong pagsagot sa bawat tanong sa math. Hindi alintana sa kanya ang kaba at takot sa first set.

     Sa ibang dako, positibo rin si Adam sa kanyang sagot sa first two set niya. Pagdating niya sa pangatlong set ay bakas na sa kanya ang pagpatak ng kanyang pawis. Medyo nahirapan na siyang sagutin ang mga tanong na may tamang solusyon.

     Lumipas ang 1 hour and 45 minutes, bakas sa mukha ng bawat kalahok ang paghirap sa pagsagot sa pangatlong set. Binigyan lahat ng kalahok ng inumin at pagkain sa kanilang armchair ng mga committee sa competition.

     Stress na stress na si Samantha sa pagkain na binigay sa kanila dahil hirap na din siyang sagutin ang nasa 3rd set. Sinubukan ng mga kalahok na sagutin lahat na nasa 3rd set kahit alam nilang may maling sagot sila.

     Mahigit 20 minutes nalang ang natira sa kanilang oras, nasa pang-apat na set na sina Adam, Samantha at ang bagong estudyante sa isang paaralan sa region nila na si Cristina. Mabilis nasagot ni Samantha ang mga tanong sa 4th set dahil more on history ito sa math tungkol sa mga mathematicians at iba pang topics nito.

     Tumunog na ang hudyat na tapos na ang kanilang pagsagot at competition.

“Raise your hands now!”

     Agad nilang tinaas ang kanilang mga kamay dahil nasagot nilang tatlo ang 110 na tanong. Kinabahan na si Samantha sa resulta ng kanilang competition habang si Adam ay umalis muna sa venue ng kanilang contest.

     Lumipas ang 30 minutes na pagcheck at pagtally ng mga score sa score sheet, pinabalik lahat ng estudyante sa kanilang armchair para sabihin ang nakapasok sa top 2. Hinanap ni Samantha si Adam kasi hindi pa siya bumalik sa venue.

     Pinaupo na siya ng kanilang coach sa armchair at hinayaan nalang nila na wala si Adam sa pagtawag sa mga nanalo. Tinawag una ang nasa top 1 spot ng competition.

“Out of 110 points, the first student who will proceed to the national finals with the score of 99 points… Ms. Cristina Sanchez from Esperanza University of Trinidad City.”

     Nagulat si Samantha na wala sa kanila ni Adam ang nakakuha ng Top 1 spot sa competition. Hindi na nabigla at nagulat ang kanilang coach dahil alam na niya na papasok talaga ang transferee student na iyon. Agad tinawag ang pangalawang estudyante na nakasama ni Cristina sa National Finals.

     Lumingon muna si Samantha sa likuran baka sakaling bumalik si Adam sa venue ng competition. Nagulat lahat ng estudyante sa resulta ng pangalawang nakapasok sa national finals.

“Unfortunately, two students got the 2nd spot place from this competition. Because of the rule of this competition, we need to do the tie breaker. May I call the attention of Mr. Adam Esteban and Miss Samantha De Chavez from Don Aurelio Pablo University of Pablo City to do the tie breaker. They got 98 points out of 110 and we need only 1 student from the 2nd spot to represent the National Finals.”

     Nagulat si Samantha dahil silang dalawa mismo ang kailangan mag-away para sa pangalawang spot na magrepresenta sa National Finals. Takot at pangamba ang kanyang nadarama. Alam niya kung ano ang maging reaction ni Adam sa resulta. Bakas sa kanyang mukha ang pagdalawang-isip kung ituloy ba niya ang tie breaker o hindi na.

Spin The BottleWhere stories live. Discover now