Chapter 09

125 16 10
                                    

"We're going to City of Love, Anise..."

Dalawang araw na ang nakalipas magmula ng sinabi sa akin ni Zame na pupunta kami sa Paris at hanggang ngayon ay hinidi pa rin ako makapaniwala. Alam niyang nagulat ako sa sinabi niya pero wala, relaxed pa rin siyang nagmamaneho nun. Sinabi niya pa na hindi na ako makakatanggi pa dahil isinama na ako ng Mommy niya sa reservation at mabuti nalang ay hindi pa expired ang French visa ko kaya naman pwedeng-pwede pa ako pumunta dun.

Sa kasalukuyan, ay nakatitig ako sa plane ticket ko. Hindi ako namamalik-mata dahil nababasa ko ang destinasyon ng pupuntahan namin sa ticket na 'to. I still can't believe that I am going to Paris with Zame. Sakto namang pag-announce ng announcement attendant ng flight details namin ay nakabalik na si Zame galing CR. Sabi niya sa'kin kanina, mauuna lang kami ng isang araw doon at saka palang susunod ang pamilya niya. We will be staying in Paris for three days at sakto namang mayroong transport strike sa buong Manila starting on Monday at tatagal hanggang Friday.

It's currently 9 in the evening and approximately 14 hours ang itatagal ng biyahe namin so mga bandang 11 na kami ng umaga dadating doon. Kanina, bago kami umalis ay sinabihan ko si Mommy na biglang may out-of-town trip ako kasama ng mga org mates ko kaya nagbilin siya ng pagkarami-rami. Samantala, si Daddy naman, nagdeposit siya agad ng pera sa bank account ko dahil mahal nga naman ang palitan ng peso sa euros kaya naman euro na agad ang idineposit niya.

"Are you comfortable?" Tanong ng katabi ko. Tumango naman ako sa kanya saka isinet sa airplane mode ang cellphone ko at maging ang iPad ko. Ilang minuto pa ay nasa himpapawid na kami kaya naman agad na tinanggal ni Zame ang seatbelt niya at ini-recline ang upuan niya saka siya humiga at nagkumot. "I'll sleep, first... I hate planes..." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya saka tumawa ng pumikit na siya. He's not used in riding airplanes... Bibihira lang sa lalaki ang takot sa eroplano, parang itong katabi ko. Umiling-iling pa ako saka nagpasak ng AirPods sa kaliwang tainga saka pumikit at natulog na rin.

"One Filipino Chicken Curry, one Beef in Onion Brown Sauce, two bottled orange juice, two bottled water and two slices of Triple Chocolate Cake for the both of us, please..." Dinig kong sabi ng isang boses sa 'di kalayuan. Naramdaman ko pa maya-maya na may nag-ayos ng kumot ko na nahuhulog na pala. Muntik pa akong mapalunok ng maramdaman ko sa mukha ko ang mainit niyang hininga. Lumuwag naman ang paghinga ko ng maramdaman kong nakalayo na siya.

Pinagpatuloy ko pa ang pagpapanggap na tulog hanggang sa maramdaman kong may umuuga sa balikat ko kaya naman dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko at bumungad ang mukha ni Zame. "Let's eat first, alam kong gutom ka na..." Ngumiti pa siya at inalok ang kamay niya kaya naman bumangon na ako. Tinanggal ko pa muna ang AirPods na nakasuot sa kaliwang tainga ko bago ako umayos ng upo. Na-iserve na ang pagkain at sabay naming pinulot ang kubyertos.Lumingon ako sa kanya at magtatanong sana ng, "What time is-"pero hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakita kong nakaumang ang tinidor niya na may pasta. Ilang segundo ko pang tinitigan iyon bago ko isinubo

"What were you saying?" Nginuya ko muna ang pagkain ko bago ko siya sinagot. "Itatanong ko lang sana kung anong oras na..." Tinignan naman nito ang wrist watch niya bago siya tumingin ulit sa akin. "It's quarter to two in the midnight..." Nakanguso akong tumango saka ipinagpatuloy ang pagkain. Chicken Curry ang kinakain ko samantalang pasta na may something naman ang kanya pero masarap din. Hindi naman na bago sa akin ang mga pagkain sa eroplano dahil madalas kaming mag out-of-town dati kapag birthdays ng isa't-isa.

"Anise..." Tinawag niya ako sa isang pangalan ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin at alam niyo kung anong ginawa niya? Aba syempre tumawa ito. Napatingin naman ako sa paligid namin at mabuti nalang na walang ni isa ang naistorbo sa kanila. Minsan talaga may pagkaeskandaloso talaga 'tong lalaking 'to, buti nalang gwapo kaya pagbigyan na.

Love Under the MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon