Pangalawang Kabanata

17 5 0
                                    


Pangalawang Kabanata

Uncannier Objects

Napabangon ako kaagad dahil sa kalabog saaking pintuan na halos masira na ito.

"Hoy pulubi! Gumising kana 'jan at magluto, dahil may pasok pa kami! Hindi ka pa lalabas? Gusto mong bunutin ko yung walang kwenta mong itinanim na halaman sa garden namin, 'ha?" Sigaw nang hinayupak na bumulabog saaking pagtulog. Tssk

Napabangon ako agad dahil sa narinig ko.
Huwag mong subukan dahil baka itusok ko sayo lahat ang tinik nang halaman n'a iyon.

"Lalabas na!...letche." Sigaw ko pabalik ngunit binulong sa sarili yung huli kong sinabi. Bumaba ako kaagad papunta sa banyo para maghilamos at nang makapagluto na.

Pagtapos kong magluto ay inihanda ko na iyon sa dining table. Mukha namang may matitira sa niluto ko dahil marami rami iyon. Sakto namang lumabas silang lahat na mga bihis na para sa school at attired na pang office.

Yung mga nag aaral sa private nagsimula na yung pasok nila nakaraang buwan pa. Pero kaming aaral sa public next month pa. Yun ay kung makakaaral kami. Kung tutusin mayaman sila Tito. Nagdadahilan lang sila na lugi o wala nang pang abono yung mga tanim. Ayaw nalang nila ako diretsuhin na ayaw talaga nila akong paaralin kasi di naman nila ka ano ano tsaka baka iniisip sila wala silang matatanggap na benefits saakin pagtapos ko mag aral. Duhh anong tingin nila saakin? Makasarili? Sila kamo yun.

'Naks naman. Infierness ah, nagmukhang tao si Tiyang at Tito. Hahaha.' Napahagikgik naman ako ng palihim dahil sa nasabi ko saaking isip.

"Oh siya! Total tapos kanarin naman diyan! Umalis ka na muna dahil nakasisira ng umaga iyang pagmumukha mo. Kaimbyerna. "Ani nandidiring sabi ni tiya.

Napataas nalang ako ng kilay n'a napabaling kay Pamela nang makita kong nakangisi ito saakin at tila sayang saya sa sinabi nang mudra niya.

'Kala mo naman kinaganda niya. Bagay sayo? Bagay sayo? Tssk.'

Napatingin ako sa kaharap niyang baso n'a may lamang tubig. Napansin kong may tae nang butiki ang nahulog doon. Inisip ko nalang na sana ay lasang sarpentina sa pait iyon pag ininom niya. Natawa ako sa iniisip ko kung ano kaya ang magiging réaction niya pag nalaman niyang yung tubig niya ay may tae ng butiki? Hahaha hindi panaman iyon siya buo n'a medyo matigas. Kita kong basa iyon at madilaw dilaw. Hahaha. Gross? Yeah.

Umaalis ako doo'n kagaya nang sinabi nang mudra niya nang marinig ko siyang sumigaw.

"What the fuck is this!! Why so pait? And....and... What the... is this Poop?...HELL!!"

At pagkarating sa garden ay doon na ako bumunghalit nang tawa. Halos mapaupo ako sa sakit nang tiyan ko. Ang hirap pumigil nang tawa. Hawak hawak ko pa ang tiyan ko at pigil na pigil na baka diko mapigilan at magpagulong gulong ako sa damuhan.

Lumapit ako sa halaman kong inaalagaan nang makita kong nagliwanag nanaman ito.
Hanggang ngayon nahiniwagaan parin ako sakanya kahit n'a mula pagkabata ay nasisilayan ko na ito.

Yung halaman na ito ay hindi lumalaki.
Limang taong gulang ako nung makita ko ito rito. So it's been 12 years since I've meet this plant. Inaalagaan ko siya. May time pa na diniligan ko ito ngunit medyo nalanta siya. Kaya't inisip ko na baka bawal siya sa tubig? Anong klaseng halaman ang ayaw madiligan aberrrr? Napaka chossyble naman nito. Kayat simula nun, hindi ko na siya diniligan nang tubig na galing sa gripo. Pag tubig ulan kerrybells naman niya. Sosyalin noh?

Tsaka kung nagtataka kayo. Akala lang ng mga tao rito ay itinanim ko iyon, samantalang simula magka utak ako kahit walang utak at ay nandito na iyon. Wala ring ibang nakakakita sa tuwing naghihiwaga iyon kundi ako lamang. Kaloka diba?

Potēre Akadēmía (Arcadia)Where stories live. Discover now