Pangatlong Kabanata

19 3 0
                                    

Sorry po sa typos at wrong grammar.
No edit

--

Pangatlong Kabanata

Unknown

"Masyado nga siyang maganda D'art! Sana ako rin makatanggap galing sa secret admirer ko. Huwag naman sana as guardian ang creepy pakinggan 'e." Bumingisngis si Audette habang sinasabi ito.

Tinutukoy niya ay iyong kwintas ko. Nagtanong kasi siyang kung saan ito galing kaya kinuwento ko kung paano ko ito natanggap.

"Hay naku! Ewan ko ba kung totoo ito o pinaglalaruan lang ako. Mamaya may sumugod saamin na nawawalan nang gantong kwintas tapos ako pa yung mapagbintangang nagnakaw. Tssk."

Sumisid ako at lumapit sa kalapit na gazebo. Nandito kami ngayon ni Audette sa tambayan namin. Pagpunta ko sakanila sakto namang gusto niyang umalis sa bahay nila kaya nagpasya kaming pumunta nalang dito sa falls.

Nang biglang may dumating na limang lalaki kung saan man kami ngayon na mukhang maliligo rin. Nagtaka naman ako kung bakit may nakarating rito. Eh kami lang dalawa ni Audette ang nakatuklas nito. But we won't claim this as our property. Tamang tambayan lang. Kaso nakakapag taka talaga.

Isa isa na silang naghubad nang damit at shorts. Except their boxer shorts. Tumalon sila na akala mo'y ngayon lang nakaligo ng falls. Samantalang yung dalawa ay naiwang nakatayo na nag uusap.

Gad! Di ba nila alam n'a hindi lang sila ang nandito? Respect naman oh. Napaiwas nalang ako nang tingin dahil.. gosh ang laki! Samantalang si Audette ay titig na titig.  Kulang nalang tumulo ang laway niya.

Tumikhim ako at doon lang bumalik sa wisyo si Audette.

"Alam mo?.... Napaka nega mo talaga eh noh?. Kung ayaw mo edi saakin nalang! Bet ko siya eh." Diko alam kung naintindihan niya ba kung ano yung sinabi niya. Hihilain niya sana yung kwintas n'a nasa leeg ko nang bahagya akong lumayo sakanya.

Nawala nanaman yung atensiyon niya saakin nang marinig namin ang matitinis n'a boses ng mga bagong dating.

"Whooo! Ang sarap nang tubig! Doon kasi satin bawal liguan! Madaya!" Sigaw nang isang lalaki na unang tumalon sa tubig.

"Tamo yung dalawa! Daig pa yung pusa at kambing sa sobrang takot sa tubig!" Tatawa tawa namang nagpalutang ang isang lalaki.

"Lim! C'mon! Let's enjoy this moment."  Sigaw naman nang isa. Patukoy sa isang lalaki n'a nakatayo n'a kausap iyong kasama niya.

'Lim? Ang bantot nang pangalan pfft.'

Napalingon naman ako sa tinawag niyang Lim. Nang makita kong nakatingin rin ito saakin. Taimtim itong nakikinig sa kasama niya n'a nagsasalita at siya ay tumatango lamang.

Tinitigan ko siya at masasabi ko na... He looks so innocent. His soft features and the way he looked at you it gives you an undescribable feelings. Tangna! San nanaman nanggagaling itong pinagsasabi ko? Hanep sa kalokohan!

Napaayos naman siya ng tayo matapos ng kung anong sinabi sakanya ng kasama niya. Probably tinanong siya dahil kita ko ang pag iling nito sabay iwas ng tingin saakin, n'a siya namang lingon ng kasama niya. Masama naman akong tiningnan nito.

'Lukarin ko yang mata mo eh!'

Gulat itong umiwas nang tingin na ikinataka ng kasama niya. Umiiling siyang tumalon sa tubig kahit n'a kumpleto pa ang suot nito.
Hanep!

Potēre Akadēmía (Arcadia)Where stories live. Discover now