UF: 06 [R18]

2.9K 191 8
                                    

READ AT YOUR OWN RISK!

UF: 06

"Old man, 5:00PM na, kung saan-saan mo pa kasi ako dinadala," inis na reklamo ni Safarel na nagpatawa kay Sefarino.

Pagkatapos kasi nilang mag-lunch ay pinasyal pa siya ni Sefarino kahit saan kaya hapon na sila nakapunta sa bahay nito.

"Apo ko!" masiglang bati ni Elerah nang makarating na sina Sefarino at Safarel, niyakap naman ni Elerah si Safarel ng mahigpit.

Ngumiti lang ng matipid si Safarel. "Ama ko ba talaga siya?"

"Oo naman," nakangiting sagot ni Elerah. "Gusto mo bang makita ang mga litrato niya no'ng bata pa siya?"

"Mom, he's not here for those pictures," inis na sabi ni Sefarino saka hinawakan si Safarel at hinila papunta sa garden.

Napangiti nalang si Sefarino nang maalala niya ang kwentuhan nila ni Safarel kanina sa Jollibee at sa mga lugar na pinuntahan nila. Masaya ang bata kausap, lalong-lalo na at pareho sila ng nagugustuhang pagkain at ang pagsasalita nito.

"Ama ba talaga kita?" nagtatakang tanong ni Safarel kay Sefarino kaya tumango lang ito. "Alam mo ba kung ano ang rason kung bakit pinababa si Mommy dati?"

Napatawa naman si Sefarino dahil naalala na naman niya kung bakit pinababa dati si Raziel at 'yun din ang dahilan kung bakit sila nagkita. "Yes, because of his stupidity. Dahil sa mga kasalanan niya kaya siya pinababa."

"Bakit mo siya hinayaang umuwi?"

Ngumiti ng malungkot si Sefarino saka ginulo ang buhok ni Safarel. "May mga bagay talaga na kailangan mong bitawan, kailangan mong magparaya para gawin kung ano ang tama."

Napasimangot naman si Safarel. "Bakit hindi mo siya pinaglaban? Dapat naging selfish ka!"

"Ang bata mo pa para maintindihan ang lahat," napapailing na sabi ni Sefarino.

"I can read your mind, old man..." mahinang sabi ni Safarel. "...and I can feel it, you truly love my Mom."

"You... can read my mind? How?" nagtatakang tanong ni Sefarino dahil ang kaharap naman niya ay hindi isang pure-blooded vampire kaya bakit niya nababasa ang isip niya.

Ngiti lang ang isinukli ni Safarel.

"Wow! Ang daming pink carnations!" masayang sigaw ni Safarel nang dumating sila sa garden na nagpangiti kay Sefarino.

"Uncle Sefarino, kuhaan mo 'ko ng pictures," utos ni Safarel saka ibinigay ang cellphone niya.

Napatawa naman si Sefarino. "Upgraded na ako. Dati old man, ngayon naman ay uncle na."

"Basta! Kuhaan mo nalang ako," inis na sabi ng bata.

Pinisil ni Sefarino ang pisngi ni Safarel. "Ang cute talaga ng anak ko—'yung Mommy mo, tumatawag."

Sasagutin na sana ni Sefarino ang tawag pero agad na inilahad ni Safarel ang kamay niya para hingi'n ang cellphone kaya walang nagawa si Sefarino kundi ang ibigay ito kaya sinagot agad ito ng bata.

"What? But Mom, sige uuwi na ako," sabi ni Safarel saka tiningnan si Sefarino.

"Mom is sick kaya hindi niya ako masusundo, pwede mo na ba akong ihatid?" tanong ng bata pero ngumisi lang si Sefarino. "Hey, Uncle, don't you dare think something bad."

Napatawa si Sefarino dahil alam niya na alam ng bata na pinapantasiyahan niya si Raziel.

"Dito ka na muna, ako na ang bahala sa Mommy mo," nakangiting sabi ni Sefarino pero napadaing siya no'ng kinurot siya ni Safarel.

Unbiased Fate - [MPREG]✓Where stories live. Discover now