SECOND

14 1 0
                                    


Di ko na pinansin yung limang babaeng nakaabang sa Mens room dahil sasabog na ang pantog ko. Dalawa ang cubicle at may tao sa isang cubicle na kakapasok lang kaya pumunta ako sa isa ng makitang bukas. Nagulat ako sa pagsilip ko pagbukas ko ng pintuan.

"Fuck!" napaawang ang labi ko, nagkatinginan kami bago siya tumayo sa bowl na sarado at tinakpan ang bibig ko at sinarado ang pinto.

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya at ng marinig na wala na ang nasa kabila binitiwan na niya ako.

"Shhhhhh.. please wag kang maingay baka marinig tayo ng mga babae sa labas" tinapat niya ang hintuturo niya sa bibig niya at mahina lang din ang boses niya.

"Ba't ka ba andito? saka ba't sa ladies room?" singhal ko sa mahinang boses.

"Sorry talaga! Hinabol kasi nila ako ng makita ako sa labas kaya dumeretso ako papuntang CR, may nabangga pa nga ako sa pagmamadali ko, dito ko talaga pinili kasi alam kong maghihintay sila sa labas ng Mens room" hingal at mahinang paliwanag niya.

"Ako yun F.Y.I" nag crossed arms ako.

Sobrang lapit namin sa isa't isa at tila ba napaurong ang pag ihi ko sa gulat.

Si Stell Ajero ang Main Vocal ng SB19 kasama ko sa iisang cubicle? Jusko!

KUNG SI SEJUN TO KATAPUSAN NA NIYA!

"Pasensya kana kanina at namamadali ako.' "tulungan mo kong makalabas please, wala akong dalang kahit Cellphone man lang para sa resbak" Pinag dikit niya pa ng palad niya na nagmamakawa.

"Ano ba yan, pupunta punta ng mall wala man lang kasama! wala kahit ano? Oh sige, ano ka ngayon!?

"Nagdisguise naman ako kahit papaano hindi ko lang alam na kahit pala hulma ng katawan ko alam na nila!" napakamot ako siya ng ulo niya.

"Patingin ng disguise!? Saan? alam mo naman pala na buong pagkatao pati amoy mo ay halos alam na nila tapos aalis ka na walang company? tsk! tsk. tsk.!" sarkatiko akong napailing sa harap niya

"Dali na please! may rehearsals pa kami mamayang 10 at may engagement kami bukas. Mamaya na ako magpapaliwanag kapag nakalabas na tayo baka kasi may pumasok na maraming magc-cr. Dali na please" Napahawak siya sa kamay ko.

Nailang ako kaya binawi ko sa kanya at binigay yung bago kong biling maong na palda na abot hanggang itaas ng tuhod ko, hoddie na color gray para kapag nagmomotor ako iwas sunog balat, at brown doll shoes na may once inch na taas. Tiningnan ko muna siyang maigi para  malaman ang gagawin.

"Isuot mo tong hoddie tapos itong palda palit tayo ng suot sa paa!  sayo tong walking sleepers ko tas ako magsusuot ng doll shoes na yan kahit di bagay sa suot ko! yawa! lalabas ako at magbihis ka ng mabilis, iiwan ko din tong lipstick ko at liquid eye liner maglagay ka ng maraming moles para di ka makilala. Understand? Dito lang ako sa may lababo para mabantayan ko kung may papasok. Bilisan mo ha!" instructions ko sa kanya, parang bata naman siya na tango ng tango lang.

"Okey gets ko!" kinuha niya yung mga kailangan niya at lumabas na ako.

Nag marinigan kong may papasok na dalawang babae naalarma ako. Nakapasok na yung isa at yung isa naghihintay.

Then, may isa pang pumasok!

Banas!

Nagkunwari akong may tinatawagan.

"Hanuna girl! Di kapa tapos magbihis? nakapagikot na ako sa mall! Saan kana?
Fuck what!? NAG-BI-BI-HIS KA PA!? BI-LI-SAN MO SIS AT NABABANAS NA AKO!!!" sinadya kong nilakasan ang boses ko para marinig ni Stell.

Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga babae sa loob ng CR dahil sa pagsigaw ko habang may kausap 'kuno' telepono at pati na din sa suot ko. Napailing nalang ako ng yumuko ako at nakita ang brown doll shoes ko. At napabuntong hininga ng pagangat ko sa salamin, nakita ang repleksyon ko sa salamin.

Bandshirt at kaki shorts!

Ang baduy, peste!

Sa wakas lumabas na si Stell at ilang na ilang sa suot niya. Gusto kong tumawa dahil pinagtitinginan na siya ng mga babae pero di niya na ininda.

Pinauna ko siya lumabas at sumunod ako may narinig pa akong bulungan bago ako nakalabas sa pinto.

"Anong taon na Sis! para siyang pinurga! apakabaduy ng suot, pareho nong isa!" Sabay silang tumawa.

Umatras ako pabalik sa loob at humarap sa kanila, medyo nagulat pa sila binigyan ko sila ng matinding cactus lang naman tapos belat! sabay takbo.

"So paano kana ngayon?"tanong habang nauunang maglakad sa kanya. Tinetext ko kasi si Xianne na mauuna na ako umuwi sa kanya at maghanap na siya ng ibang sasakyan at dadalhin ko ang motor ko. Nag okey naman siya at sinabing baka gabihin ng uwi dahil manunuod ng gig kasama mga iba niyang kaibigan. Umo-o nalang ako sa pinsan ko!

Pag tingin ko ng orasan quarter to seven na, di na ako nakabili ng agenda ko balak kong bukas nalang dahil naabala ako ni Stell.

Paglingon ko sa kanya di siya mapakali.

Naalala ko wala pala siyang dalang kahit ano.

"Sama ka muna sakin sa apartment ko para makapagbihis ka ng maayos at makakain na din, saka na kita ihahatid or ipapahatid kapag gabi na at wala na talagang makakapansin sayo. Saka yan mga gamit ko!" litanya ko habang nagaayos ng helmet ko. Inabot ko na sa kanya helmet na gagamitin niya.

"Ikaw mag dadrive!?" takang tanong niya habang kinuha ang helmet na kulay pink! Favorite yun ni Xianne at kapareho ng kulay ng motor niya.

"May iba ka pa bang nakikita bukod sating dalawa!? sarkastikong tanong ko. Habang inaayos ang paperbags sa may harapan ko nakasakay na ako sa motor at ready na magstart.

"Ako nalang, marunong ako, paunang bawi ko!?" lumapit siya sa right side ko.

"Ayokong maimpound ang motor ko, mawalan ng lisensya at makulong ako at  ikaw no! laking issue non! kaya sumakay kana! sakay pambabae ha, panagatawanan mo na yan." Natatawang sabi ko sa kanya  at inistart na ang motor naramdaman kong sumakay na siya at alangang kumapit sa balikat ko malapit sa may leeg ko.

Medyo nakiliti ako dahil may kiliti ako sa leeg pero di ako nagpahalata at umayos ng upo, nagsign of the cross muna ako at sinimulang magpaandar ng motor.

Nabigla naman siya at nagulat ako sa sinabi niya.

"Shit!" mura niya.

"Relax lang! I got you! ayokong awayin ni Sejun mylabs! Hahaha" Sigaw ko sa kanya.

"As if naman kilala ka niya!" pasigaw at tesyonadong sagot niya saakin napahigpit ang hawak niya ng medyo binilisan ko ang andar.

"Hoooooooy!!! tekaaaaaaaa! bagalan moooooooo naman!" sigaw niya.

"Were going to fly hahahaha" ani ko

___________________________________________
***sana all kalmadong A'Tin hahaha Y/N lang MALAKAS!☝️***

Someday, It was You (ALAB Series 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora