THIRD

10 0 0
                                    


"Wag kang mag alala hindi ako rapist! Kalmado pa ko Ser!" Nakarating na kami at pinaparada ko na ang motor ko katabi ng kay Xianne. Napansin kong alangan siyang nakatayo sa harap ko.

"Halika kana pumasok kana at baka may makapansin pa sayo diyan, ayokong maging instant celebrity! Hahaha" binuksan ko ang pinto at ang ilaw sa loob dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig dahil napagod ako sa biyahe.

Mabigat siya infairness!

Napansin kong nililibot niya ang mata niya sa loob ng bahay nakatanggal na din ang hoddie at sumbrero niya kaya napagmasdan ko ang buong mukha niya.

Packing shet! Totoo ba to? Baka nanaginip pa din ako hanggang ngayon.

Tumalikod ako para pakalmahin ang namumuong pagkabog ng dibdib ko, loyal ako kay Sejun dapat! at dapat dalagang Pilipina pa din ako!

"A'Tin ka pala?" tanong niya ng lumapit sa mga picture frames sa taas ng TV. Lumingon ako sa kanya at tinatapos ang pang tatlo ko na na tubig. Tensyonado na ako AsF!.

"Ah eh, Oo, since 2019 pa hihi. Go Up Era ako. Bias ko nga pala si Sejun pero minsan OT5 ako" -tumabi ako sa kanya nakaharap sa mga pictures.

"And teacher din? Wow nakakaproud naman!" nakita niya ang class picture na katabi ng diploma ko kinuha at binabasa niya ata. Napansin kung kumunot ang noo niya nabasa niya ata ang kurso ko.

"Y/N? hmmm AB English graduate, PUP!?" shookt niyang sambit sa akin at napatingin pa harap ko.

"Sa sobrang ngang obsession ko sainyo lalo na kay Sej eh pinilit kong makapagaral sa PUP hahaha nakakatawa ba ako? saka nag methods nalang ako para makapagturo as substitute teacher habang naghihintay ng opening sa ibang bansa doon ko balak magturo." paliwanag ko sa kanya at binalik na ang diploma.

Bumalik siya ulit sa sofa at umupo.

"Maglinis kana ng sarili mo tapos mag palit kana ng damit, mababanat na yang palda ko. Ayon oh CR sa may gilid malinis naman yan. Magbibihis lang din ako sa taas. Ayan ang mga damit mo sa lamesa." bilin ko sa kanya at kinuha na ang iba gamit ko sa lamesa.

"Pwedeng manghiram ng phone? tatawagan ko lang si Mama pati na din sa opisina baka hinahanap na nila ako" alangang sabi ni Stell napalingon ako at kinuna ang cellphone sa bag ko.

"ayan, swerte ka may load yan pang call tapos data na din, 5 pesos per 30 minutes lang presyong fan! hahaha" tawa ko ng iabot sa kanya ang cellphone ko kinuha niya naman kaagad yun.

"Hello Ma!?" dinig kong sabi niya paakyat na ako sa kwarto at di nadinig ang usapan nila.

Nilatag ko lang mga gamit ko, mamaya ko na siya aayusin kapag nakaalis na si Stell kinuha ko lang yung susi ko. Ang haba ng inihi ko grabe! Solid. Nakahinga na ako ng maluwag.

Tumingin ako sa orasan 7:30 na. Magluluto ako.

"Okey ka lang ba diyan?" tanong ko habang pababa sa hagdan. Nagulat siya at nakarinig ako ng malisyosong sigaw sa cellphone ko may ka video call siya.

"OH MY GOD STELL!!! nasaan ka!?" nabosesan ko si Justin!

Di parin nagsasalita si Stell kaya lumapit ako at nag HI, nagulat yung apat.

Kumabog ang dibdib mo ng makita ko si Sejun. Lumapad ang ngiti ko sa kanya.

"Hi Sejun! hihihi. Hi Jah, Ken and Josh! ako yung tumulong kay Stell para makalabas sa mall nandito siya ngayon sa apartment ko, hatid ko siya mamaya after dinner, nice to meet you all. Love You!" nagflying kiss pa ako at agad lumayo sa camera para magluto at magsaing.

Adobo ang naisip kong lutuin para mabilis, matagal nakapagsalita si Stell kaya pinansin ko siya.

"Kung nandito ka  man ngayon Stell, pakigalaw ng baso!?" umakto akong dinadama ang lamesa sa harap ko, lumingon siya sa akin at ngumisi ng alanganin naputol na ang VC nila at nagtatype nalang siya. Iling siya ng iling habang nagtatype ng nakangiti.

Shit! Stell wag kang ganyan dalawa lang tayo dito!

"hiramin mo muna ang motor ko para mas mabilis ka, di na kita mahahatid kasi hello!? anong gagawin ko don?" hinawi ko pa ang buhok ko at binato ko sa kanya ang susi.

tapos na kami kumain.

"baka mahuli ako!?" sinabi niya pakasalo ng susi.

"Di wag kang magpahuli! simple! gabi na at di kana mapapansin diyan! trust me!" kinindatan ko siya at ngumiti.

"Si-sige na nga late na talaga ako, Thank you talaga ha! isasauli ko to sayo after ng engagement namin bukas," lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko at nakipag shake hands nag bow down pa talaga siya at tumalikod na sa akin.

"Ingatan mo yang motor ko ha! Please lang!" sinusundan ng mata ko ang bawat ginagawa niya sa motor ko. Kahit pa sikat to may trust issue pa din ako sa motor ko, siya palang unang gagamit niyan.

Paalis na siya ng sumigaw ako.

"Pakilala mo ko kay Sejun ha!? Thank You! Ingat."
_________________________________________
Sana all Y/N ang pangalan! :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Someday, It was You (ALAB Series 1)Where stories live. Discover now