Pangatlo- Pagkikipaglapit

1.8K 35 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

NAPAPANSIN ni Rose na tila sa araw-araw na nagdaan ay panay ang lapit at pakikipag-usap sa kanya ni Edwood. Madalas din itong magpasama sa kaniya sa pamamasyal lalo na kapag nais nitong puminta sa lawa na matatagpuan malapit lang sa mansyon ni Don Artulfo.

Pansin din sya na medyo napapadalas ang paghawak nito sa kaniya lalo na sa mga kamay at balikat nya. Sya naman ang pasimpleng lumalayo o inaalis ito dahil nakakaramdam naman din sya ng pagkailang.

Isang hamak na kusinera  lamang sya at ito ay bisita ng kanilang amo. Ayaw narin nya na mas lalong lumala ang sama ng tingin ng kaniyang mga kasamahan sa kaniya.

Parati rin syang pinaparinggan ng mga ito patungkol sa pakikipaglapit nya kay Edwood. Hindi man nya gusto ay ang lalaki na mismo ang naghahanap ng paraan upang makalapit sya rito.

Mabuti na lang at hindi sya doon natutulog sa mansyon, umuuwi kasi sya tuwing 10 ng gabi tutal malapit rin naman ang kanilang bahay sa lokasyon ng mansyon kung saan sya nagtatrabaho.

Si aling Flora naman ang kadalasang tumitingin sa kaniyang kapatid sa tuwing wala itong pasok o di kaya ay pagkatapos nitong pumasok sa eskuwelahan.

" Bawas-bawsan mo ang pakikipaglapit mo kay sir Edwood, matuto kang alamin kung ano ang estado mo sa buhay. Huwag kang tumulad sa iyong ina"

Napayuko sya sa mga binitiwang salita ng kanilang mayordoma. Madalas narin kasi nitong mapansin ang pagiging malapit ni Edwood sa kaniya.

"Pa-pasensya na po, pinilit ko naman po syang layuan eh...ang kaso sya po talaga itong kusang nakikipaglapit sa akin " pagpapaliwanag nya ngunit ,as lalong sumama ang timpla ng mukha ng mayordoma.

"Aba't nagdadahilan ka pa!? Hoy Rose! Huwag mong itulad si sir Edwood sa malandi mong nanay na nakikipaglapit sa mayayamang tao. Huwag mong baliktarin ang sitwasyon  na parang ikaw pa itong hinahabol. "

Gustohin mang magalit ni Rose sa pahayag ng mayordoma sa kaniyang ina ay kinalma na lang nya ang sarili. Hindi kasi masusulusyunan ang gulo ng isa pang gulo. Walang patutunguhan kung magkikipagtalo pa sya.

"You have no rights to talk to her like that" Isang baritonong tinig ang nagmula sa kanilang gilid at nag sabay silang lumingon ng Mayordoma ay ganon na lang ang gulat nya ng makita si Edwood na nakatayo sa may hamba ng kaniyang silid.

"Edwood.."

" Sir Edwood..."

Magkapanabay pang wika nila ng mayordoma. Hindi nila inaasahan na pupunta ito dito sa likod ng mansyon . Ito rin ang unang pagkakataon na naligaw ito dito.

"Paumanhin po Sir Edwood pero pinagsasabihan ko lang po sya sa kung ano ang tama sa mali. Bilang mayordoma ng bahay na ito ay tungkulin ko pong disiplinahin ang mga katulong na nakakagawa ng kamalian"

Mahaba at kalmadong paliwanag ng kaniyang mayordoma. Ngunit ang reaksyon naman ni Edwood ang nakapagpakaba sa kaniya. Nag salubong kasi ang mga kilay niyo at bahagya nag igting ang mga panga nito.

"And you believe that being with her is not right? "

"Umm..hindi po iyon ang nasi kong ipahiwatig sir Edwood pero hindi naman po yata magandang tignan kung makikipaglapit ang isang hamak na katulong sa isang mayamang tulad nyo. Comcern lang po ako sa maaring manyari sa inyo kapag nakita ng ibang tao na magkasama kayo lalo na at itong si Rose ay kamamatay lang ng kaniyang asawa subalit nakikipaglapit na agad sya sa ibang lalaki" 

Mahaba at walang kakaba-kabang paliwanag nito kay Edwood. Mas lalong hindi naman mapakali si Rose sa tensyon na namamagitan ngayon dito sa likod ng bahay, nakayuko lang sya at iniisp na sana ay lamunin nalang sya ng lupa.

Taste of Rose ( R -18 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon