Panglima- 'Natikman na kita'

2.8K 47 18
                                    


Third Person's POV

Dalawang araw, dalawang araw na siyang hindi pinapansin ni Edwood. Tila sya hangin sa paningin nito. Magmula ng araw na inihatid siya nito ay kahit kailan ay hindi na siya nito kinausap.

Ngunit mas grabe ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing mababalitan o kaya naman ay nakikita niyang may inuuwi itong babae na mas nakaaangat kumpara sa kaniya.

Hindi niya batid kung saan siya nagkamali, o may nagawa ba siyang kasalanan upang ganituhin siya ni Edwood. Maayos naman sila noong huli silang nagkita, o baka naman dahil nakuha na nito ang gusto mula sa kaniya?

Iyan parati ang katanungan na laging nasa utak ni Rose. Parang paulit ulit na pinipiga ang puso niya sa tuwing masaya ang lalaki sa piling ng iba. Ilang araw narin siyang walang ganang trabaho kung kaya't madalas siyang napapagalitan ng kanilang mayordoma.

"Ano ka ba naman Rose!! Napakatabang ng tinola na niluluto mo!! Kusinera kaba takaga o hindi? Ayus ayusin mo luto mo! Baka tuluyan ng mawalan ng gana si Don Artulfo sa pagkain na inihahain mo. Hindi na rin kasi nakapagtataka kung bakit ayaw ng kumain ni sir Edwood dito sa mansyon lalo na kung ganyan katabang ang luto mo!!! "

Sermon sa kaniya ng kanilang mayordoma, pigil naman ang tawa ng ilan sa kasambahay na nasa parehong lugar kung saan siya pinagagalitan.

"Pasensya na po, masama lang po kasi ang pakiramdam ko. " sagot niya sa mahinang boses.

Totoo naman ang sinabi niya. Hindi maganda ang pakiramdam niya simula nung makuha ni Edwood ang kaniyang bataan. Palagi siyang matamlay at nananakit ang buong katawan. Madalas din ay para siyang lalagnatin. Isa rin ito sa mga rason kung bakit wala siyang ganang magtrabaho.

" Masama ang pakiramdam mo!!? Baka resulta na iyan sa kalandiang pinaiiral mo kapag kaharap si Sir Edwood. Pwede ba isantabi mo muna iyang kakatihan mo! Palibhasa kasi may lahi kang pokpok eh. "

Napayuko siya ng husto matapos siya nitong laitin. Gusto niyang sumbatan ito na wala siyang karapatang husgahan ang pagkatao niya. Nakahit isang bayarang babae ang nanay niya ay pinalaki sila nito ng may maayos. Ngnit wala siyang lakas ng loob na gawin ito dahil ayaw niya ng mas sumama pa ang tingin sa kaniya ng mga tao sa kanilang lugar.

" Denita! Anong kaguluhan ito? "

Napatuwid naman ng tayo ang mga kapwa niya kasambahay at maging ang mayordoma ay nagulat sa bigla-ang pag dating ni Don Artulfo.

Nagsiyuko silang lahat maging ang mayordoma bilang paggalang sa pinaka mayamang tao sa kanilang maliit na bayan. Na kilala rin dahil sa marami nitong negosyo sa maynila.

"Don Artulfo,  pinagsasabihan ko lang po si Rose na ayusin ang trabaho niya. Dahil madalas pong matabang ang mga luto niya. " buong kumpiyansang  rason nito sa amo na hindi man lang natinag.

Napailing si Don Artufo na siyang kpikinayulompa ng husto ni Rose. Iniisip niya na marahil ay disappointed ang naturang Don sa kaniyang trabaho.

"Denita, bilang isang mayordom ay may karapatan kang sermunan ang mas nakakababang kasambahay dito sa kansyon ko...." panimula ng Don na ikinangiti ng mayordoma dahil natitiyak niyang siya ang kakampihan ng Don.

"Ngunit, mayordoma ka man, o maski ikaw pa ang anak ng presidente ay wala kang karapatan na laitin at husgahan ang ibang tao."
Ang kaninang ngiti sa labi ng mayordoma  ay nawala sa muling pagsasalita ng Don. Tila siya ang napahiya.

" Hindi perpekto ang tao kaya wala kang karapatang humusga. Dahil wala kang alam sa totoong nangyari. Tanging sabi-sabi at puro chismis lang nanggaling lahat ng impormasyon na narinig mo. Hindi mo pa naririnig ang opinyon ng taong nilalait mo. " muling dugtong ng Don.

Taste of Rose ( R -18 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon