Chapter 1

8 1 0
                                    

Finally! It's summer! Makakapagloko na ulit ako pagkatapos ng mahabang panahon sa college. Summer vacation is here, break me again next semester, college.

Summer, don't feel like just a wind please. ㅠㅠ

Last month pa namin'g napagdesisyunan na magstay sa isang beach resort, good for one week. Beaches have always been our summer place since, I think I was five. It calms all of us, I guess.

"Leila! Come on! Baka biglang magkaroon ng malakas na alon! BAKA MALUNOD KA!" Sigaw ng aking kambal pero kuya na si Zachary. We're twins but since he's a minute older than me, they'd like me to call him "kuya".

"BABABA NA!" I shouted at my lungs and shut my travel bag close. Mabilis akong bumaba dahil baka akyatin pa ako ni Kuya 'pag nainip siya.

Ilang minuto niyang inayos ang bag ko sa van ni Tito —na maghahatid sa amin sa daungan ng mga bangka para makarating sa isang isla.

It didn't take 30 minutes to get there. Nang makarating kami, agad naman kaming naasikaso dahil may kakilala si Daddy. Ilang minuto lang yung byinahe namin, at nakarating kami agad sa isang isla.

Para akong bata na sinusuway nila Kuya dahil sa biglaan kong pagtakbo nang makarating sa isla.

I just felt so free.
                            
"Mommy! Ang ganda po dito sa resort ng friend niyo." Ngumiti ako habang paikot-ikot na tumatakbo dito sa resort. Nilanghap ko ang hangin. "Hmm. Too fresh." And I just smiled to myself.
          
Para akong batang tumatakbo na walang mapuntahan hanggang sa mapagod ako. Umupo ako sa malaking bato na malapit lang sa akin, sa tingin ko nasa likod na ako ng resort. Ininat kong mabuti ang paa ko at minasahe masahe ang mga binti ko. Nakakamiss tumakbo na parang baliw, hindi ko na nga lang nagagawa dahil wala na dito ang isang baliw na kaibigan ko.
                
"A guest?" Nagulat ako sa biglaang pagdating ng isang lalaki. I looked up at him, and he's tall and keen, he has fair skin, and he have such cute eyes.
            
I nodded at his question. "Uhm... Naiistorbo ba kita?" Tanong ko. Mukhang kanina pa siya kasi dito, wala naman yatang pumupunta sa parteng ito ng resort. Siguro, maliban sa kaniya.
              
"Hindi naman." He smiled shyly. "Okay lang bang makisama?" He asked and offered a hand.
             
I was about to take his hand when he pulled back. "Para naman komportable?" Napakamot siya sa batok niya.
           
"Oo naman." Umisog ako ng kaunti para may maupuan siya sa tabi ko. I patted the free space, "Upo ka dito."
             
Mabilis naman siyang sumunod. "Marc." He again, offered his hand. "it's a 'c' not 'k'."
          
Tumango ako. "Wag mong babawiin ah?" I chuckled, and that made him chuckle too. I shook his hand, "Leila."
              
"So... Leila, you're a guest, but why are you here?" Kunot noong tanong niya.

"Napadpad lang kakatakbo." I laughed then we continued conversing. He even offered his food to share, since he has some.

He told me that he was actually a son of the island's owner, and he's helping his parents for now, also to ready himself in taking over.
                       
Nang mapansin kong magdidilim na, tumayo ako at nagpaalam. "Bye Marc! That was fun conversing with you. I guess, see you when I see you!" Winagay ko ang kamay ko habang paalis.
               
"See you!" Sigaw niya pabalik.
               
Muntik na akong mawala pabalik sa inaakupang kwarto namin ni Kuya, pero mabuti nga't may sense of direction naman ako. Nang makarating ako sa isang kubo, nakita kong malapit nang kumain sila Mommy. Iniintay na lang siguro nila ako. I felt guilty.
                
"Leila. We've been looking for you. Kakain na tayo. Saan ka ba galing?" Nag-aalalang tanong ni Mommy at iginiya ako paupo.
        
I gave her a safe smile. "Mom, I'm fine. May nakilala akong bagong kaibigan, nagkwentuhan kami at hindi ko namalayan ang oras." Masaya akong nagkwento kay Mommy.
             
"Girl or boy?" Masungit na tanong ni Kuya at hindi naman ako agad na nakasagot. Sinamaan niya ako ng tingin at nagpeace sign lang ako.
          
Ano bang masama sa pakikipagkaibigan sa lalaki? Allergic ka ba, Kuya?
                   
"Leila, if this is a guy--" Hindi naituloy ni Kuya ang sasabihin niya dahil pinutol iyon ni Daddy.
                 
"It's okay. BUT, know your limitations. Remember, we will let you fly with your own wings but promise us you'll comeback completely, not broken or injured." Pagpapaalala ni Daddy sa akin at ngumiti lang ako bilang sagot.

Nagsimula na kaming kumain pagkatapos ng usapang iyon. Nang matapos ako, tinulungan ko sila Mommy na mag-ayos ng hapag, at dumiretso na sa cabin namin ni Kuya para magbihis at magpahinga.
          
I washed for a bit, just to feel fresh. Pagkatapos ay dire-diretso akong humiga sa kama at di ko namalayang nakatulog na ako.

When It Was SummerWhere stories live. Discover now