Chapter 3

3 1 1
                                    

New day!

Nang magising ako, lumabas kaagad ako para magpa-araw. Naabutan ko sila Mommy na nagkakape sa kubo habang may mga kausap. Nilapitan ko sila at nang mapansin ako ni Mommy, agad niya akong tinawag.

"Leila! Good morning! Sit here." Mom patted the space beside her and I just silently sat there.

"Leila?" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. And if I'm not mistaken, that is...

"Jared?" Hinarap ko ang tumawag sa akin at nagulat ako nang makita ko ang kababata kong si Jared.

Jared is my friend, bestfriend rather. We were thirteen years old when we got separated from each other, his parents migrated to US and he had no choice but to go with them. Ever since, we always talk through skype but today is different. He's back.

Sila yung mga kausap ni Mommy.

"When did you come back?" Tanong ko sa kaniya habang lumilipat ng upo sa tabi niya, na nasa harap ni Mommy.

"Two days ago." Simpleng tugon niya. "How's life going?"

"Okay lang naman ako. Life is..." I shrugged, "still life."

"So... You're okay, huh?" Tanong niya at tumango lang ako. "How about your lovelife? No boyfriend? Any lover? May dapat ba akong bantayan?" Tumawa siya at umiling ulit ako.

"You don't have any boyfriend?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Lei, you're appealing. Tsaka, ang alam ko madaming naghahabol sa'yo noon, wala kang pinatulan?"

"Baliw. I do have my standards. Isa pa, ayoko pa?" Hindi ako sigurado sa huling ko sinabi.

Ayoko pa nga ba?

Nang matapos mag agahan si Tita Rica, Jared's mom, at Mommy, naiwan kaming dalawa sa kubo. Si Daddy naman naglilibot daw sa isla habang si Kuya tulog pa rin.

Through silence, I suddenly remember Marc.

"Though, I met someone." Inosenteng kwento ko.

"Who?" Tanong niya. "Crush mo?" Panunukso niya kaya napailing na lang ako.

"Marc." Sagot ko. "Hindi ko alam full name niya. Basta it's a 'c' not 'k' daw."

"Who is this Marc?" Pang-uusisa niya.

"A guy with a naive look." Simpleng sagot ko.

"Naive?" Tanong niya at tumango naman ako. "'Di mo talaga crush?" Then he laughed at himself. Silly guy.

"I just met him days ago. We're not that close, I guess. Nagkakataon lang na nagkikita kami."

"Nagkakataon..." Parang baliw na seryosong nag iisip si Jared habang nanunuksong nakatingin sa' kin.

"Seriously, will you please stop?" I have enough of his teasing, it's time for payback. "Porke't ba nireject kita, gaganyan ka ngayon?" I raised a brow to hide my laugh.

Tila nasusukang umarte si Jared. "Over my dead gorgeous body." Patuloy siyang uma-acting nang biglang umupo sa kubo si Kuya.

Halatang bagong gising.

"Uy p're, kamusta?" Lumipat si Jared ng upo at umakbay kay Kuya.

"Huwag kang feeling close." Seryosong sabi ni Kuya kahit medyo bangag pa siya.

"Ay seryoso masyado kambal mo Lei." Napailing na lang ako sa kaweirdohan ni Red-short for Jared. "Pala, yung ex mo nakita ko. Nagtratrabaho pala yun dito?"

Dahil sa tanong niya, napalapit ako sa kanilang dalawa at pinaghiwalay sila.

"Lagot ka." Bulong ko kay Red habang nilalayo siya kay Kuya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When It Was SummerWhere stories live. Discover now