Smiling Woman

3 1 0
                                    

Pamagat: Smiling Woman
Akda ni: Ldine07

Kasama kong umuwi na naglalakad ang kaibigan kong si Kristel. Nakita ko lamang ito sa tindahan nang bumili rin ako ng noodles. Sumabay na siya sa akin sa paglalakad kaya't wala na akong choice kahit ayaw ko man ay wala akong magawa. Ayaw ko lamang siyang makita marahil ay nagtatampo ako sa kanya na hindi siya sumipot sa party ng ate ko kahapon. Sinabing niyang dadalo siya kaya umasa ako.

"Sorry, Diane. E kasi nagyaya agad yung boyfriend ko na gagala kami. Alam mo namang namiss ko siya dahil di siya nagparamdam ng isang linggo." sabi niya habang naglalakad kami papauwi.

Tumango na lamang ako bilang ganti at inangat ang ulo ko. Sakto nang tumama ang aking mga mata sa mga taong nadadaanan namin ay ngumiti ako. Yung ngiting masaya at may pag-asa.

"Okay lang. Kahit umasa ako, okay lang. Importante kasi yung syota mo kaysa sa kaibigan mo." sabay tawa ko at inakbayan siya. Ayoko mang iparamdam na nagtatampo ako ngunit alam kong alam niya ang ibig kong iparating.

"Hmnn... sorry na nga eh." ngumuso siya at biglang ngumiti. Kaya napataas ako ng kilay. Tsk!

Nang nasa harap na ako ng bahay ay hindi na ako kaswal na nagpaalam ngunit bago pa ako makapasok sa gate ay mabilis niya akong hinablot sa braso. Masakit ang paghablot nito kaya kumunot ang aking noo.

"Matanong lang kita... ba't lagi kang ngumingiti sa mga taong hindi mo kakilala? Alam mo bang murderer yung nginitian mo kanina. Ang lagkit kaya ng pagkatitig niya sayo." umuwang ang labi ko nang marinig ko ang sinabi niya. Dahil sa ganun ay hinablot niya ako nang napakasakit? Tsk!

"Ang judgemental mo." seryuso kong sagot. Ngumisi agad ako nung nagulat siya sa sagot ko. Hindi na bago sa akin ang tanong niya. Ganoon ang tanong ng mga kaibigan ko noon ngunit iniwan nila ako dahil sa mga sagot ko.

"Mag-ingat ka nga. Hindi ako judgemental pero-" nag-aalala niyang paliwanag ngunit hindi ko na siya pinatapos pa.

"Walang masama sa pagngiti."

"Wala nga kaso... mukhang kaplastikan yun 'pag ganoon."

"Huh? Hindi yun kaplastikan. Walang masama sa pagngiti sa taong hindi mo kilala. Hindi ko ipinagkakait ang pagngiti kasi may mga taong nais nang wakasan ang buhay nila ngunit nang makita nilang may taong ngumiti sa kanila ay nagiging ambag na baka mabago pa ang kanilang pasya." sa mata ko sya tinignan habang sinasabi ko ang linyang iyon. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko na kanina pa nakahawak doon.

Hindi siya nakapagsalita agad. Mukhang pinoproseso niya pa ang mga sinabi ko. Kahit kaibigan niya ako ay hindi niya pa rin ako kilala. Akala ko'y kilala niya na ako at ako ang pipiliin niya kapag napasok ay ako o jowa niya. Ngunit hindi niya ako pinili mas inuna niya pa ang syota niyang maari na siyang iwanan basta-basta na lang.

Tumawa ako sabay hampas sa kanyang balikat. "Oy... Ang OA mo. Sege na uwi kana baka mapano ka." at tinalikuran ko siya.

Ramdam kong humakbang siya papayo kaya ngumisi ako ng napakaganda.

"Nak.... Nak tignan mo! Si Kristel. Ginahasa at pinatay pa!" paiyak iyak na sigaw ni mama na patakbo sa sala.

Kararating ko lamang ng bahay mula sa paaralan ay yun na ang binungad niya sa akin. Kaya pala wala si Kristel kanina. Wala akong reaksyon sa sinabi ni mama siguro sa matinding gulat kaya't nagpatuloy lang ako paglakad at pumasok sa kwarto. Inihagis ko ang aking bag sa kama at napaupo sa kama. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kaya napahawak ako. Ito na ba ang sinasabi niya kahapon na murderer yung lalaking iyon? Imbes na maiyak ay ikinatuwa ko ito at humagalpak sa tuwa.

Nilingon ko ang madilim kong mesa. Kamusta na kayo sa empyerno mga mahal kong kaibigan? Ana, Bella, Cathy at pang-apat ka Kristel. Masaya bang mamatay na nakangiti? Tsk! Inayos ko ang sarili para lumabas ng kwarto.

Wakas.

A/N: Hihinto na muna ako sa paglalagay ng pic. sa itaas. Nakalimutan kong wala akong talent sa pag-edit HaHaHa. Salamat sa pagbabasa.

Short Stories CollectionsWhere stories live. Discover now