Chapter16:Truth

128 48 4
                                    

Dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko. Parang alam ko na 'tong scenario'ng 'to.. andito nanaman ako sa Hospital ta's andito nanaman si Ethan, hayst. Pero bakit ako naka gown?

"Finally! nagising ka na rin, Max!" bungad ni Hailey.

"What are we doing here?" I asked.

"Max nahimatay ka sa event kanina." Hailey.

"Sa Event? Nahimatay ako? Pero hindi ba't—"

Siguro nga sa Event kasi naka gown ako ngayon pero hindi 'yon ang natatandaan ko.

"Max h'wag ka nang masyadong mag isip. Mag pahinga ka muna!" alam kong concern lang siya.

"Ayon sa natatandaan ko.. Nasa mall tayo kaaway natin si Fatima at Tracy 'yung mag kapatid na Leoze. Tapos may sabi niya pa nga sana raw namatay nalang ak—"

"Max h'wag mo na isipin 'yon, please!" mommy.

Asan na si Ethan? Inilibot ko 'yung mata ko sa buong room. Wala akong makita ni anino ni Ethan.

"Mom where's Eth—"

Hindi ko na natuloy ng biglang bumukas ang pinto.

"Ako ba ang hinahanap mo?" naka ngiti siya sa'kin.

What the heck? Bakit ba wala pa rin siyang pinag babago kahit na anong oras o araw, a-ang gwapomg mahangin niya pa rin :(

"Hailey!" Lumapit sa'kin si Hailey. "Yes max?" Hailey. "Sigurado ka bang sa event ako nahimatay?" seryoso kong tanong. Hindi siya sumagot "Hails? bakit—"

"Mas lalo lang siyang mahihirapan kung ililihim natin pa sakaniya." Maxinne.

"What do you mean ate Maxinne?" nag tataka na talaga ako. "Well—" Maxinne. "Shut up, Maxinne!" saway ni mommy. "Mom? Hanggang kailan pa natin ililihim kay Maxcoleen? nahihirapan na siya mom!" Maxinne. "Maxinne let me handle this situation." Huminahon si mommy. "Hindi ko kayo maintindihan.. Mom please! What is it?" hindi ko na sila maintindihan, gusto ko na talagang malaman.

"Maxcoleen nagkaroon ng isang car accident at kayong dalawa ni Tito Robert—" Maxinne.

"Maxinne stop! Let tita tell the truth!" Brandon.

Dumating si Brandon kasabay ni Maxinne kanina.

"Alam mo Maxcoleen because of you, My father died!" mariin niyang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Naguguluhan ako- Why me?

"D-Dahil sa'kin? Ano'ng kasala—"

"Nasa Airport ka that time, malakas ang ulan. Tumawag ka at nag papasundo. Sabi ko mag Hotel ka nalang muna dahil madulas ang daan papuntang airport pero nag pumilit ka!—" nangingiyak niyang kwento.

"Maxinne please stop!" sigaw ni mommy kay ate Maxinne.

Pumatak ang luha ni mommy.

Si ate Maxinne pag simula niya palang ay bumuhos agad ang mga luha niya. Nakita ko ang pag bagsak ng luha ni Ethan. Kahit na hindi niya pinapahalata, nakita ko 'yon. Nang nakita niyang naka tingin ako sakaniya. Lumabas na siya ng kwarto.

Hindi ko maintindihan kung bakit pati siya ay nadala na sa emosyon nila mommy. Si Brandon mariing ipinikit nalang ang mata na parang ayaw niyang makita ang mga nangyayari saka lumabas na siya ng kwarto. Si Hailey, kanina pa bumabagsak ang luha hindi pa nag sisimula kanina ang argument nila mommy at ate Maxinne.

"Bakit ako titigil tita? Dapat malaman niyang siya ang dahilan kung bakit namatay ang tatay ko!" Maxinne shouted.

"What tita? She's our mom, ate maxinne! Show some respect!" iritado kong puna.

"Hindi mo pa rin naalala? o bobo ka talaga?! napaka selfish mo talaga, Maxcoleen!" sigaw niya saka nag walkout.

Nag simulang tumulo ang mga luha ko. Bakit? Bakit nang yayari 'to?

"Totoo ba 'yung mga sinabi niya, mommy? She's not my sister? Pinsan ko lang pala siya?"

"O-Oo. 'Yung iniinom mong g-gamot.. Para 'yon sa pag bilis ng balik ng mga alaala mo.."

"Pero bakit hindi niyo po sinabi sa'kin no'ng una pa lang na gano'n pala ang nangyari? edi sana baka mas bumilis ang pag balik ng mga alaala ko."

"Anak sinabihan kami ng doctor na h'wag ipaalam sa'yo 'yong nangyari. O h'wag kang pilitin na alalahanin mo ang mga bagay." Mom explained.

"Bakit po? May mangyayari po ba kapag hindi niyo sinabi sa'kin ang lahat?" nanginginig ang boses ko.

"Oo anak! Tuluyan nang mawawala ang alaala mo kapag pinilit ng utak mo na alalahin 'yung past o 'di kaya may ibang mangyari sa'yong mas masama!" humagulgol na si mommy at ako natulala lang. Dahil sa pagiging selfish ko may namatay.. Sana nga namatay nalang ako!
Bumili lang saglit si mommy ng food.

Si Ethan ang kasama ko ngayon.

"May alam ka rin ba?"

"Bakit ka umiyak? Sabihin mo nga sa'kin kung dati na talaga tayong mag kakilala.." tulala pa rin ako.

"Maxcoleen.. Oo dati na tayong mag kakilala. Grade7 tayo noon nang nag confess ka sa'kin na gusto mo 'ko. Napaka kulit mo pa nga. Lagi mo 'kong sinisilip sa classroom namin. Isang araw inexcuse mo 'ko sa teacher namin para lang ibigay 'yung love letter na gawa mo. Hindi ko tinanggap 'yon. Ayoko kasing isipin mo na may gusto rin ako sa'yo. Napaka bata pa natin para ma inlove ka na sa'kin. Puppy love lang 'yon kaya hindi kita pinapansin. Hindi ko inaakalang hanggang nag Grade8 tayo ay gusto mo pa rin ako. Inalam mo kung saan ang bahay namin. Gusto mo pa ngang ihatid sundo ako. Ayoko dahil lalaki ako ta's babae ka. Ang panget kung babae ang nag hahatid sundo sa lalaki. Mayaman kami kaya kong umuwi. Lagi akong nag susungit sa'yo as if trying na ma fall out ka na pero hindi Grade9 tayo unang pasukan, hindi mo pa rin ako tinitigilan. Kaya na fall na rin ako sa'yo. Nakiusap ako sa'yo na h'wag mag boyfriend dahil magiging tayo kapag tapos natin ng Senior high. Dahil 'yon ang gusto ng mama mo, kaya 'yon din ang sinabi ko sa'yo. Hindi tayo pero parang tayo.. hindi nag iba ang trato mo sa'kin. Patay na patay ka pa rin sa'kin. Makalipas ang dalawang buwan pinapunta ka ng daddy mo sa States dahil may sakit siya. Nag paalam ka sa'kin at pumayag naman ako dahil he's your father. Isang linggo ka sa states. Makalipas ang isang linggo. Nasa airport ka galing U.S, sasalubungin sana kita. Umuulan noong gabing 'yon. Na late ako ng sundo sa'yo dahil sa sobrang traffic kaya nagulat ako ng tito mo ang nag sundo sa'yo. Madulas ang daan. Ibang daan ang dinaanan niyo dahil nga Traffic kung hindi kayo lilihis ng daan. Makitid ang dinaanan niyo. Dahil sa lakas ng ulan. Madulas ang daan kaya bumangga kayo sa poste. Malakas ang impact kaya nabagok ang ulo ng tito mo at ikaw.. na-comatose ng tatlong araw. Nagkaroon ka raw ng Amnesia sabi ng doctor. May sakit ka sa puso, sabi ng doctor hanggat maari h'wag ipapaalam sa'yo 'yung mga nangyari o iba pang nakalimutan mo. Mas makakasama kasi sa'yo kapag pinilit mong alalahanin ang mga bagay na tapos na, sabi ng doctor. Kaya sinunod namin siya. Umaasa kami na balang araw bumalik ang lahat ng memorya mo. Niresetahan ka niya ng gamot. 'Yan 'yung lagi mong iniinom." Kwento sa'kin ni Ethan.

"Kaya pala nagtataka ako sa'yo nang sabihin mo 'yon ng dinala mo 'ko sa isang garden ta's do'n tayo kumain."

Kaya rin pala alam niya ang mga hilig ko, pati ang buo kong pangalan.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon