Chapter 5: THE KONTRABIDA PROF

452 11 0
                                    

[REIGN 's POINT OF VIEW]

Habang nagkwekwentuhan kame nila lorence at julius sa food court ay may mga lumapit samin na mga ka team nila sa basket ball.

Umupo sila sa tabi namin. So nahihiya naman ang ateh nyo. Dahil nga umalis na sila alexa ay kame nalang nila lorence at julius ang naiwan dito..

Kinakausap ako ng mga ito at inaasar asar pa kame ni lorence dahil nga magkatabi kame.

"Lorence iba nanaman yan yan ah" pang aasar ng isa nilang team mate

"Oo nga pre" dagdag ng isa. Pinagkakaisahan na nila ngayon si lorence..


"Hoy ogag, itulad nyo naman ako sainyo. Loyal to no" sagot ni lorence.

"Nako teh, wag kang magpapaloko jan" sabi nung isa.


"Loko kayo pre, nililigawan ko pa nga lang baka hindi ako sagutin, wag nyo naman akong siraan" pagmamaktol ni lorence kaya nagtawanan kame. Ang cute nya mag maktol e.


"Pero te, biro lang yon. Loyal yang si lorence kaya nga laging niloloko ng mga babae eh" sabi nung isa sabay nagtawanan sila ng malakas.


"Oy ang iingay nyo" saway ng isa mula sa likod ko. Diko na ito tinignan at mukhang kakarating lang din.


"Hi sir" bati ng mga ito.


"Ano bang pinagkakaguluhan nyo jan?" Tanong ng sir daw nila.


"Itong si lorence coach oh, nangbibiktima nanaman" sabi nila at nagtawanan.


Maya maya ay may pumunta sa harapan ko. Pag tingin ko dito ay namula ako.


Si keinth pala ito. Nahiya ako bigla..


"Oh reign" bati nito.


"Hello sir" Nahihiya ko pang sabi.


"Sir uuwi na kame sir" sabi nila.


"UHMM! Reign, mauna kame ha? Sorry hindi kita maiihahatid ngayon, Ingat nalang sa pag uwi" paalam ni lorence.


"Okay take care" Inantay ko lang silang lumabas. Dahil balak ko na ding umuwi.


Naiwan kameng dalawa ni keinth sa foodcourt, nakaupo ito sa tapat ko. Maya maya ay tumayo na ako.


"Uuwi kana ?" tanong nito.


"Yah, Gabi na rin kase" sagot ko rito.


"Ayaw mo ba akong makausap?" Tanong nito.


"Hmm. Hindi naman" kunot noo kong sagot


"Mamaya kana umuwi, mag kwentuhan muna tayo, ihahatid nalang kita pauwi." he said.


"Okay i'll stay, pero wag mo na akong ihatid" i said.


"What do you want to eat?" tanong nito


"No sir okay lang busog pa naman ako" sagot ko dito


Hindi ako pinakinggan nito at tumayo ito.


"Just wait for a while, i'll buy some foods" he said at nakita ko naman itong bumibili


Nang makabalik ito ay agad naman ako nitong inabutan ng fries and sundae oh my, these are my favorite ever!


"Thanks for this" sagot ko at ngumiti


Habang kumakain ako ay napansin ko na nakatingin na pala ito sa akin..


"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko rito


"Maganda ka pala talaga" He said then he smirk.


"Ano yan? Di ko alam kung pinupuri mo ba ako oh inaasar eh" i said then i rolled my eyes.


"Syempre parehas" pang aasar nito at tawa ng tawa. Tinignan ko naman ito ng masama tawa parin siya ng tawa.. Siraulo talaga to


Habag tawa siya ng tawa ay bigla namang sumulpot si ma'am rivera


"Sir. Montefalco, pwede ba akong sumabay sayo? Na flatan kase ako" biglang singit ni ma'am rivera.


Papansin talaga tong rivera na to, parang napapansin ko kung sinong mga nagiging close ko gusto nya rin maging close. Nakikipag kompitensya ba siya?


Ma'am rivera she is our prof in English Kahit na matataas ang score ko sa mga exams ko pag tingin ko ng class card ko ay mababa parin. Madaya kase to magbigay ng grades kaya naiinis talaga ako dito. Kahit nag aaral ako ng mabuti useless. Napaka inggetera nitong babaeng to.


Pagkasabi nyang yon ay napatingin ito sa akin.


"Miss Grande? Why you're still here? Kanina pa ang uwian ah? Ano pumapasok kaba para lang tumambay?!" Pagtataray nito sakin


"No ma'am, actually pauwi na po ako" sabi ko dito sabay kinuha ang bag ko.


Alam mo yun? Yung feeling na dapat wala na syang pakealam kung anong oras ko gusto umuwi pero pinapakealamanan nya parin? Kontrabida talaga tong babaeng to.


"Ano pang inaantay mo? Umuwi kana baka maglakwatsya kapa!" Pagtataray ulit nito.


Tumingin muna ako kay sir bago tuluyang umalis.


Pag dating ko sa bahay ay nagbihis na muna ako at kumain. After that nag online ako.


May chat ulit from sir keinth. Viniew ko naman agad ito.

"Alam ko na kung bakit naiinis ka kay miss rivera" sabi nito

"Now you know" i said.

"By the way nakauwi kana ba?"


"Yah kanina pa"


"Good! Anyway may game kame bukas mga prof, sana mapanood mo. Goodnight!" He said.


Hindi na ako nagreply dito bukas na pala ang sportsfest. Maaga nanaman ang gising ko. Maya maya ay natulog na ako.

My Professor's LoveWhere stories live. Discover now