Chapter 38: RESULT OF ALL SACRIFICES

329 10 0
                                    

Nang makalabas kame ng office. . . . .


"Ano bang ginagawa mo keinth? Wag kang mag resign bawiin mo yung sinabi mo kay madam" sabi nito


"Uy Reign anong nangyare?!" Pag aalala ni alexa at hinawakan ang kaibigan.


Maya maya ay lumabas si jericka.


"Ano montefalco, pinipili mo siya over your sister?" Sabi nito ng makalapit samin


Napansin ko naman na nagulat sila reign sa sinabi nito.


"Anong sinasabi niya keinth?" Tanong nito


"Sad to say pero Hindi mo na magagawa ang binabalak mo ms. Rivera" i said.


"Ano bang nangyayare keinth magpaliwanag ka naman sakin oh" sabi nito


Maya maya pa ay may dalawang pulis na lumapit samin kaya naman nagkagulo ang lahat at marami ang nagsilapitan.


"Anong nangyayare dito?" Tanong ng kalalabas palang na si madam.


"May warrant of arrest kami kay Miss Jericka Rivera" sabi nung isang pulis


"Anong kailangan nyo sakin?" Tanong ni jericka


"Iniimbitahan ka namin sa presinto Nahaharap ka sa reklamong pangbablackmail kay mr. Montefalco" sabi ng pulis


"Anong pangbablackmail? May ebidensya ba kayo?" pagtataray nito


"Malakas ang ebidensya ang hawak ni mr. Montefalco, sumama ka sa amin" sabi nito at hinawakan na nila si jericka


"Hindi niyo ako pwedeng ikulong, walang katotohanan ang binibintang niyo sa akin!" sabi nito at nagpupumiglas


"Sa presinto ka nalang magpaliwanag" sabi nung pulis atsaka isinakay na nga ito sa sasakyan


"Ano ba ang nangyayare keinth?" Naguguluhan parin na tanong ni reign


Umalis kame sa school para pumunta sa ibang lugar dahil umiiwas din kame sa mga tanong tanong. .


Nakarating kame sa lugar na tahimik. Puro damo ito at maraming puno


"Ano ba ang nangyare keinth?" Tanong nito


"Okay na ang lahat reign" sabi ko dito at niyakap ito.


"Ano ba ang ginawa ni mam rivera sayo? Blinackmail ka niya? Paano?" Tanong nito


"Wala talaga kameng relasyon ni miss rivera, tinakot nya lang ako na kapag hindi kita hihiwalayan ay isusumbong tayo nito" i said


"Paano nya nalaman na may relasyon tayo?" tanong nito


"I don't know reign, maybe sinusundan nya tayo kapag nagde date tayo. Marami siyang ipinakita sakin na stolen shots natin nung nasa mall tayo, meron dun na magkaholding hands tayo, magkayakap at yung kiniss kita. Sinusubaybayan nya pala tayo kaya nakakuha sya ng ebidensya laban satin para paghiwalayin tayo." Paliwanag ko


"Bakit hindi mo sinabi sakin?" she said



"Dahil tinakot ako nito na kapag sinabi ko sayo ay ilalabas nya nga ang tungkol satin, naisip ko na mag resign nalang pero tinakot pa ulit ako nito na kapag nag resign daw ako ay ilalabas nya ang sex scandal ng kapatid ko kaya wala akong choice that time reign kundi ang makipaghiwalay sayo gaya ng gusto nya" paliwanag ko dito



"Paano mo nagawang ipahuli siya" tanong nito



"One time kinausap ako ni mom nagtataka ito dahil hindi kana nga raw pumupunta sa bahay then nabalitaan nya na hindi tayo okay. Sinabi ko sakanya ang nangyare. Sinabi ko blinackmail ako ni rivera then sinabi ni mom na ituloy ko lang daw ang gusto ni rivera at siya na daw ang bahala. Kaya yun nagpatuloy ako sa panggagamit nya sakin kahit na ayoko kahit na nasasaktan ako lalo na nung nakita kitang masaya sa ibang lalaki, sobrang nadurog talaga ang puso ko nun reign." sabi ko dito



"Anong ebidensya naman ang nilaban mo kay ma'am rivera?" Tanong nito



"Yun na nga, habang ginagawa ko ang gusto nya ay inirerecord ko ang bawat usapan namin, yun lang ang naiisip kong paraan para mapatunayan na binablackmail talaga ako nito and ito na nga nagtagumpay ang plano namin ni mom" i said



"Thanyou keinth, salamat sa lahat ng sakripisyo mo. I love you!" sabi nito at niyakap ako.


Salamat at hindi pa huli ang lahat . . . . .



*I love you reign!*


My Professor's LoveWhere stories live. Discover now