•KABANATA 9•

245 17 0
                                    

"Pa-paanong..." I was petrified and stunned there for a moment.

Parang may kakaiba sa kanya at hindi ko matukoy kung ano. Lumapit siya sa akin pero parang naging tuod bigla ang mga paa ko. Akala ko ba may kinabit na parte ng katawan niya bakit wala man lang bahid ng peklat ang alin mang parte niyon. Parang hindi man lamang siya nagalusan.

"F*ck!"napamura ako sa lakas ng pagbatok niya sa akin. "Para saan yun!?"

"Huy!umayos ka nga para ka namang nakakita ng multo."

"Sinong hindi? Kagabi lang balot na balot ka pa na para kang mummy,naka monitor ka pa may paoxygen pa nga tapos haharap ka sa akin na ganyan?"anas ko. Natahimik siya ng ilang segundo, at sa segundong iyon ay wala akong naririnig liban sa pasulpot sulpot na ingay mula sa halamang tinatamaan ng hangin then she suddenly start giggling and I was startled for that.

"It's a prank!"

"WHAT." seryoso ba siya. My face went blank, Im trying to suppress my anger.

"Sinusubukan ka lang ng Tita mo."

"WTH?!" Life is simple but this girl is making it harder.

"See, you lost your composure." sabi niya. Hindi naman ako nakaimik at kinalman ang sarili na umakyat ata lahat ng dugo sa utak. Matagal ko na itong nais itanong pero.

"Sino ka ba talaga?"matalas ang mga matang tanong ko sa kanya. I hope she knew how serious I am right now.  Hindi ako isinilang para makipaglokohan lang sa kanya.

Sumeryoso naman ang muka niya, hindi siya umimik ng ilang sandali at nawala ang mapaglarong ngiti na nakaplaster sa kanya kanina.

"Your housemaid, obviously. " kibit balikat niya.

"Lie."

"Then,anong gusto mong narinig sa akin? Will you believe me if I say that... anak ako ng isang mayaman na tinalikuran ang pamilya niya at nagpanggap na mahirap at nagkatulong sa isang mayamang pamilya. Oh wait ibahin natin, isa akong gangster-ay hindi, isa akong agent ay hindi din, mas maganda assassin na nagpanggap na katulong tapos bukas wala na kayo ng tita mo."

"Oh, shut the hell up those nonsense things there." Napahilot nalang ako ng sentido. It was frustrating na nay bagay ako na gustong marinig at malaman mula sa kanya, and I even don't know what it is. Mas lalo pa ata akong mawawala tamang landas dahil sa paligoy ligoy niyang sagot.

"Ito naman, ako ang fake fwend ng tita mo duh. Kailangan ko lang ng extra income para mabuhay saka..."

It was cringe to listen while I knew she was lying, so I kept my ear shut.

Paano niya nagagawang magsinungaling ng paulit ulit like it's nothing but her nature. Nababasa ko ang mga mata niya. It's empty though. Maybe so is her soul. How can she lie even to herself? Parang may tinatakasan siya. I just know. Napailing nalang ako. Why Am I concluding things like that?

Ano pa bang inaasahan ko, maybe it was just a prank and Aunt manipulated everything but for what? I sighed. I don't give a damn anymore.

"Aba't-saan ka pupunta nagsasalita pa ako?!" hassle lang makinig sa kanya iniwan ko na siya saka pumasok na sa loob. Ngayon na wala si Tita Nancy hindi ko alam kung anong gagawin ko sa babaeng iyon. Hindi naman iyon alagain kaya wala siyang dapat asahan sa akin. I stopped in the middle of the sala and then suddenly spaced out for some time.

"Hindi ba sinabi sayo ng tita mo?"

Parang na kuryente ako nang marinig ko bigla ang boses niya kasunod niyon ang mabilis na tibok ng puso ko na halos ikabingi ko na. I was shocked to the point na hindi ako nakakibo dahil sa bigla niyang pagsulpot sa harap ko. Anak ng tipaklong naman. Isa pa at iitsa ko na sa labas ng bahay ang De Silva na to.

Because This Is My Last Life[COMPLETED]Where stories live. Discover now