~*Chapter 27: Reality of the Fantasy*~

78 4 0
                                    

Damsel's POV

        "Pasensya ka na ah. Bigla na lang kita nayakap." (>////<)

        "Tss. Sa tingin ko nga dapat masanay na ko dun eh." tiningnan ko lang siya na parang ewan sa sinabi niya.

        "Ba't ka ba andito?" tinaas ko naman yung kumot na hawak ko.

        "Kwarto ko 'to." plain niyang sabi. "At kung ano man yang iniisip mo, bahala ka."

        "I-Ikaw *sniff* -"

        "Wag ka nga umiyak! Napunta tayo dito dahil sa hindi ko alam na pangyayari. Pumunta rito si Lolo kasama ang Lolo at Lola mo para gamutin ka at ako." serious niyang sabi.

        "Ganun ba? Okey." natahimik naman kami sandali. Hindi ko akalain nakaligtas kami ni Bryle.

        "May pinangako ka sa'kin." napatingin naman ako sa kanya. "ipapaliwanag mo ang lahat ng nangyari, ng malinaw." wala akong naaalala na nangako ako sa kanya pero siguro eto na ang tamang panahon na ipaliwanag ko sa kanya ng maayos ang lahat.

        "Sige, ipapaliwanag ko ang lahat. At ngayon kailangan mo nang maniwala."

        "Makikinig ako." seryoso niyang sagot pero halata ko sa tingin niya na marami siyang gustong malaman.

        "May isang kaharian na tinatawag na Kingdom of Reece na pinamumunuan ng Caroline Royalty family. Si King Adam, Queen Gisel at ako -si Princess Damsel. Ako ang tanging magmamana ng trono na siyang tatayo bilang pinuno ng kaharian." nakatingin lang sa'kin si Bryle.

        "Isang araw naghahanda ang buong kaharian sa aking kaarawan. Nung una hindi ko akalain na kaarawan ko na pala nung araw na iyon pero kinausap ako ni ina at ama at binigyan ako ng mensahe bago pa man magsimula ang selebrasyon. Isang mensahe na maikli pero may malalim na kahulugan." kinuha ko ang isang unan sa tabi ko at niyakap ito.

        "Parang isang panaginip ang lahat habang bumababa ako sa grand staircase. Lahat ng bisita suot ang kanilang magagara at naggagandahang kasuotan. At yung palasyo, sobrang ganda -candle lights, maaliwalas na musika at mahabang red carpet papunta sa royal chair. At dumating si Kyle, isa siyang prinsepe, childhood friend, best friend at special friend."

        "Siya ba yung Kyle na lagi mong sinasabi?" nag-nod ako bilang sagot sa tanong ni Bryle.

        "Inalalayan niya kong bumaba sa staircase. Pumwesto kami sa center aisle at niyaya niya kong sumayaw. Pinaghandaan ko talaga yung dance kasi gusto ko rin ang ideya na isinasayaw ng isang prinsipe -ng espesyal na tao sa buhay ko. Panaginip?" napatigil ako dahil pilit kong pinipigil ang luha ko.

        "Sana..s-sana panaginip na nga lang ang lahat. Hindi ko inaasahan na may mangyayari pa lang masama sa araw na iyon. Dumating si Freya at sinira ang lahat ng bagay sa paligid, may mga wolves na hinahabol ang mga tao at napapaligiran ang paligid ng itim niyang aura." naramdaman kong tuluyan ng bumigay ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Princess Damsel in DistressWhere stories live. Discover now