~*Chapter 28: Truth*~

49 4 0
                                    

        “May alam ka kung paano mapipigilan ang witch na ‘yon?” seryosong tanong sa’kin ni Bryle.

        “Isa lang ang alam ko, ‘yon ay maunahan siyang mahanap ang Adamas Crystal.”

        “Adamas Crystal? Seriously, gaano ba kadami ang crystal na meron sa mundo niyo?” nagtataka naman niyang tanong.

        “Actually, four crystals para sa apat na kaharian. At isang natatanging crystal na matatagpuan sa gitnang bahagi at sentro ng Everworld –Core of Crystals. Ang Adamas ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng crystal.”

        “Iyon naman pala eh, andun sa Everworld Core of –something matatagpuan yung Adamas na ‘yan. Ba’t di niyo pa kinuha at kinalaban yung witch para tapos na ang lahat?”

        “Kung ganun lang sana kadali ang lahat, pero hindi.” Nagtataka ulit siyang tumingin sa’kin. “Ang Adamas Crystal ay matagal na panahon ng hindi nakikita. Nawala ito ng parang bula matapos tangkain itong kunin ng isang hindi kilalang sorcerer. Sabi ng mga tagapamahala ‘yon daw ang paraan ng Adamas upang hindi ito mapunta sa masamang kamay. At simula ng mangyari iyon, unti unting nanghina ang bawat kaharian. Lumakas si Freya dahil sa mga nakukuha niyang crystal.”

        “Alam rin ba ng witch na yun ang tungkol dun sa Adamas?”

        “Sa ngayon hindi dahil simula ng mawala ang crystal ay naging parang alamat o  kathang-isip na lang ito sa lahat. Pero naniniwala kami bilang mga pinuno ng mga kaharian. At isa pa, isang Fairy ang nagsabi na buhay pa rin ang kapangyarihan ng Adamas at kailangan itong mahanap agad upang magamit sa tamang paraan.”

        “Hahanapin?! Eh ba’t ka andito sa mundo namin kung hahanapin mo yung crystal na yun? Dapat dun ka na maghanap sa Everworld.” Sabi naman ni Bryle na parang alam na alam niya talaga kung paano makapunta sa Everworld. Tiningnan ko lang siya na naka-poker face.

        “Ang kailangan natin intindihin ay----“

        “Natin?” taas kilay naman niyang tanong.

        “Okey! Ang kailangan ko intindihin ay sana hindi niya makuha ang huling crystal na siyang kukumpleto sa tatlong crystal na kapag pinagsama ay katumbas ng kapangyarihan ng Adamas.” Napahawak naman ako sa kwintas na suot ko –pero ….

        …biglang kong naalala ang nangyari sa museo kanina bago kami tuluyang tamaan ng isang malaking apoy.

        Flashback

 

        Lumapit sa akin si Bryle at tinanggal ang suot kong kwintas.

        "Bryle, ano ba?!"

        "Ito gusto mo diba?!" sigaw ni Bryle.

        "Bryle! Wag mong ibibigay sa kanya yan!" hinawakan ni Bryle ang kamay ko.

Princess Damsel in DistressDonde viven las historias. Descúbrelo ahora