Kabanata 28

106 2 0
                                    

Kabanata 28

BUMALOT ang pagtataka kay Marcus nang hindi makita sina Missy at Joanne sa dining area. Hindi siya nag-dinner noong nakaraang gabi dahil hindi niya kayang harapin si Joanne. After hearing what she had confessed, he feared his own self.

He might do something stupid like admitting his true feelings—his feelings that might ruined her family.

Umakyat siya sa silid ni Missy at kumatok doon. Magaan talaga ang loob niya sa bata. Maybe because she was a part of the woman he still loved and yearned for, for years.

"Missy?" bumukas ang pinto nang pinihit niya ang seradura niyon. Walang tao sa loob. Biglang bumalot ang kaba sa sistema niya. Patakbong pumunta siya sa kwarto ni Joanne. Pagbukas niyon ay wala rin tao at maayos ang kama. Dali-dali siyang pumunta sa aparador at binuksan iyon. Wala iyong laman.

Bumalot ang 'di matatawarang sakit sa sistema niya sa kaalamang iniwan siya ni Joanne. Sinisigaw ng isipan niya na ito ang tama, na ito ang nararapat. Subalit bakit nasasaktan siya nang labis?

Dahil mahal na mahal ko siya.

Pabagsak na umupo siya sa kama ni Joanne at marahas na sinabunutan ang sarili. Napadako ang paningin niya sa bedside table at kumabog ang kanyang dibdib nang makita ang kulay silver na bagay doon. Iyon ang susi na ibinigay niya kay Joanne pitong taon ang nakalilipas.

Tears brimmed on his eyes when he remembered how they were seven years ago, when everything between them wasn't this complicated.

He was willing to take her back despite what she had said to him seven years ago—if only she was free. If only there was no family that would be broken because of him.

Kaagad niyang sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Nathan sa screen ng kanyang cell phone. "What?!"

"May naghihintay ng bangka na maghahatid sayo sa pier sa Palawan, Mac," sabi nito saka pinutol na nito ang linya.

Pumunta na rin siya sa sariling silid at nag-empake ng damit. Hindi na niya inisip pa kung papaanong nagkaroon ng bangka gayong dapat ay sa isang araw pa iyon.

There was no use staying at this house—this house that seemed so bright when Joanne and Missy was still here.

Napatingin siya sa bracelet na asul sa ibabaw ng bedside table. Isinuot niya iyon. Kahit man lamang isang simpleng bagay ay makaramdam siya ng koneksyon kay Joanne.

If only this love was made for the right time.

Seven Years Of Love (KRY Trilogy #1) (Published under PHR)Where stories live. Discover now