⚠ WARNING ⚠ : ERRORS A HEAD!
TYPOS WRONGGRAMMAR . . WRONGSPELLINGBanned
Chapter 12
Yhasmine's POV
"Tanginang yan"
Napamura na lang ako sa nabasa ko
"Tangina ano yan?!" naiinis ako!
"Papel Ley, papel yan" parang nang aasar na tono ni Ryzeil sa gilid ko
Nandito kase kami sa tapat ng gate ng Canteen
"Alam kong papel yan! Makakain ba natin yan?!" inis kong singhal "Kaka badtrip naman!" dagdag ko pa
"Pano tayo kakain niyan?" malungkot na sabat ni James sa kabilang gilid ko
"Sino ba kase nag lagay niyan? Ng magantihan ko" nag titimpi kong sabi
Gutom na gutom na ako men!
"Si Kiara naglagay niyan" bigla ay naging seryoso si James
"Gago talaga yung Bruhang yon!" inis kong sabi at aktong tatangalin yung papel na yun kaso pinigilan ako ni James
"Wag, baka ma guidance ka" sabi niya at binitawan ako
"Ha! Kanina pa ako hindi kumakain eh!" protesta ko
"Bawal nga Banned ka oh" turo naman ni Ryzeil sa papel binasa ko ulit
'Section M&M are not allowed'
Kiara Maganda~
Sumulyap ako sa loob ng Canteen, tsaka ko lang napansin na pinag titinginan na pala kame kakasigaw ko
Hanggang Gate na lang ako
ಠಗಠ
"Pano tayo niyan? Ngayon lang naman siguro ako banned no?" tanong ko pa
"Hanggang sa maka pagtapos ka Ley" seryoso pero malungkot na sabi ni James
Pano na kami kakain niyan? Kung hindi na ako pwede sa Canteen?
"Ano ba yan! Wala naman akong ginawa ah!" sigaw ko
"Baka Yung ginulpe mo si Kiara teh" parang bakla naman to si Ryzeil
"Weak amputa, pa banned lang sa Canteen kaya non?!" sigaw ko
"Mauubos na oras natin, balik na lang tayo sa room" pag aaya naman ni James
"Ay hindi!" agad kong tangi "Hihintayin kong lumabas yung Kiara na yon" bulong ko para walang makarinig
"Baka mapahamak ka na naman" narinig pala ni James
Ngisi na lang ang sinagot ko, nakita ko na kase sila Jase pati iba niyang kaibigan na nag lalakad palabas ng canteen, nangunguna ang panget na si Kiara
Sinenyasan ko yung dalawa na gumilid, yung hindi kami mapapansin kaagad
Banned pala huh
Mukhang busog na busog ah? Mapatid nga Hahaha
Kakatawa ko sa isip ko, muntik na akong malagpasan ng kiara na yon kasama ang mga iba pang kaibigan nila
Agad ko siyang pinatid Plakda!
"Argh! Sino gumawa non?!" galit na galit pero halata ang pag kapahiya sa mukha ni Kiara, inikot pa ang paningin sa daan, hinahanap kung sinong posible na gumawa noon sakanya
"Ayy puta sorry sadya" pag sabi ko non tumalikod na ako at sumabay naman sakin
sila James at Ryzeil, tatawa tawa pa ako"WHAT THE FUCK!" malakas na sigaw niya, lumingon ako sakanya ng naka pamulsa
"Banned pa nga" pang aasar ko pa at tumawa, nakisali rin ang dalawa sa tawa ko "Laki laki ng mata hindi tumitingin sa dinadaanan" dagdag ko pa na kinatawa namin lalo nila James at Ryzeil
"Yhasmine" tsaka lang ako napalingon kay Jaes ng tawagin niya ako, sobrang sersyoso!
Naka gilid niya yung babae na nakita last time, jowa ata, ayaw mawala sa tabi eh
"Wag ka ng mag sayang ng laway" pag sabi ko non pinag patuloy na namin ang pag lalakad papuntang room
"Galing mo dun Ley! HAHAHA tumama yung baba sa lupa eh!" tuwang tuwa si Ryzeil sa ginawa ko, napa yawa ako sa itsura niya, may pasuntok epek pa sa hangin kase
"Dapat lang yun" mayabang kong sabi at umupo sa upuan ko "Nagugutom na ako" malungkot kong sabi at hinilig ang ulo sa desk ko
Gutom na ako!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/226669142-288-k305951.jpg)
YOU ARE READING
Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 1]
Teen Fiction[UNEDITED] "Ginamit lang kita para makaganti sa kapatid mo'ng gago" Sa salitang binitawan niya, tuluyan ng kumawala ang mga luha ko, humakbang din ako ng dalawang beses para makalayo Lang ng kaunti sakanya, titig na titig ako sakanya, nanginginig a...