40 ⚪

95 10 47
                                    

𝙺𝙾𝙸'𝚂 𝙿𝙾𝙸𝙽𝚃 𝙾𝙵 𝚅𝙸𝙴𝚆

Inabutan ako ni Carlos ng isang itim na bistidang hanggang hita at pulang underwear

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Inabutan ako ni Carlos ng isang itim na bistidang hanggang hita at pulang underwear.

"I'm in a rush, I'm sorry." Nahihiyang sabi pa niya bago tumalikod.

"Okay na 'to. Thank you." Sabi ko na lang at mabilis na nagpalit.

Nang matapos akong makabihis ay iniwan ko na lang ang pinagpalitan ko sa kama ko at sumunod ako kay Carlos. Tahimik kaming lumabas ng kulungan ko.

Paglabas namin ng silid ay bumungad sa amin ang mga guards na nakahilata sa sahig. Napalingon ako agad kay Carlos.

"You can disguise yourself as Lewis. You share the same face. Bakit kailangan mo pang patulugin mga guards niyo?" Mahinang tanong ko habang naglalakad kami sa pasilyo.

"Lewis locked me in my room. He hates me because he thinks you like me more than him. He's possessive when it comes to his... girls. You're his favorite, Esther."

Tinitigan ulit niya ako diretso sa mga mata ko bago ako hawakan sa kamay para isabay sa mabilis na paglalakad niya.

"Kinulong ka niya? Paano ka nakatakas?" Tanong ko.

"I have my ways, baby." Sagot niya bago ngumiti.

Nasa sala na kami. Madilim ang paligid pero kitang-kita pa rin ang daanan dahil naka-dim ang ilaw ng mga mamahaling lampshade sa paligid.

"Teka, e bakit ka aalis? Bahay mo rin 'to. Hindi mo naman kailangang umalis. You can just set me free. And I promise, hindi kita pagtataguan sa labas ng mansion na 'to. Just tell me you're Carlos." Sabat ko naman.

"Look, Esther, I'm sick of this place. I'm sick of Lewis. I'm sick of... being his sidekick."

Bigla niya akong hinila at ikinulong sa yakap niya para magtago sa likod ng pillar sa tabi. May mga guards na may hawak na flashlights ang naglilibot ngayon. Talagang bantay-sarado nila ang mansion.

"Alam kong gwapo ka pero this is too much skinship." Mahinang sabi ko at hindi ko napigilang mapangiti.

Napangiti rin siya. "I'll take you with me somewhere far from here. I will protect you, I promise."

"You trust me, right?" Mahinang tanong pa niya, naninigurado.

Tumango naman ako kaya napangiti siya ulit.

Sumilip muna siya bago kami umalis sa pillar. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Tahimik kaming naglakad patungo sa backdoor ng mansion.

Paglabas namin ay may tatlong guards na sumalubong sa amin pero mabilis lang napatumba ni Carlos ang mga lalaki.

"His guards are useless. I would fire them if I were him." Pagyayabang pa niya kaya mahina na lang akong natawa.

Dumiretso kami sa garahe at bumungad sa amin ang daan-daang sasakyang nakalihera. Ang lawak naman ng garahe na 'to!

 Ang lawak naman ng garahe na 'to!

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

"These are my cars. Sadly, I need to leave them. But it's fine. I have thousands of them in my new place. I swear, hindi kita papabayaang magutom, baby." Sabi pa niya bago kumindat.

Inilabas niya ang isang susi mula sa kanyang bulsa at bubuksan na sana ang pulang Ferrari niya kaso may bigla na lang humampas ng tubo sa ulo ni Carlos kaya bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay.

"What theー!" Nagulat din ako pero mas nagulat ako nang makita ang mukha ng lapastangan.

"L-Lewis?" Parang biglang nanghina ang mga tuhod ko.

"I'm not Lewis Valencia and definitely not Carlos Valencia." Sabi niya matapos makuha ang susi mula sa walang malay na si Carlos.

Teka, ano raw?

"I'm here to save you from these Grevil Blairs." Blangko lang niya akong tiningnan bago ihagis ang pinanghampas niyang tubo kanina sa tabi.

Wow, at sayo talaga nanggaling 'yan? Magkakamukha kaya kayo!

"This bastard is tricking you. Do you think he really likes you? He's just fucking with your feelings to gain your trust. Ang bilis mong magtiwala. Kung alam mo lang na mas tuso siya kay Lewis." Napangisi siya.

"Sino ka?" Tanong ko nang makasiguradong hindi nga siya si Lewis.

"You don't need to know me. I just want you gone and live your life away from this village."

Hinablot niya ang kamay ko at inilagay ang susi ni Carlos sa palad ko. "Get away from here now. Use this car. Umalis ka na kung may balak ka pang mabuhay." Sabi pa niya.

"Hindi ko alam mag-drive..." pag-amin ko.

"I thought you own that Range Rover? So, you lied? Tsk." papairap siya.

"P-paano mo nalaman 'yan!?" gulat kong tanong.

"I have ears, woman." napairap ulit siya.

"Huh? E, pero paanoー?"

"Whatever, it doesn't matter. Come with me."

Inagaw niya ang susi mula sa akin at mabilis niyang binuksan ang kotse ni Carlos. Pinapasok niya muna ako sa backseat bago siya nagtungo sa driver's seat. Binuhay na niya ang makina at mabilis na pinaharurot palabas ang sasakyan. Napalingon na lang ako sa bintana at pinagmasdan sa huling pagkakataon ang walang malay na si Carlos.

"Don't trust anyone here." Sabi ng bagong Grevil Blair.

Right. That means I should not trust you too.

Pero, pucha, bakit ako sumama sayo!?

Pero, pucha, bakit ako sumama sayo!?

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.
Spare Me, EstherOnde as histórias ganham vida. Descobre agora