47 ⚫

61 4 0
                                    

𝚂𝚆𝙴𝙴𝚃'𝚂 𝙿𝙾𝙸𝙽𝚃 𝙾𝙵 𝚅𝙸𝙴𝚆

Pagkatapos akong ilibre ni Mateo ng milktea, dumiretso na kami dito sa gazebo kasi presko ang hangin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkatapos akong ilibre ni Mateo ng milktea, dumiretso na kami dito sa gazebo kasi presko ang hangin. Bumili na rin siya ng lunch namin at kumain na rin kami agad. Hindi ko rin alam kung anong nakain niya at nanlibre siya ngayon.

"Thank you dito, Mateo." Pagtutukoy ko sa panibagong milktea na hawak ko. Napangiti na lang ako kasi hindi ko talaga mapigilan sarili ko.

"Wala 'yan, minsan lang naman ako manlibre. Libre mo na lang din ako sa susunod." Natawa pa siya bago sumipsip ulit sa milktea niya.

"Alam mo, Sweet Apple, ang dami kong gustong sabihin sayo." Napayuko siya. Na-curious naman ako bigla.

"Tungkol saan?" Tanong ko.

"Si Koi kasi..."

Naibaba ko agad ang iniinom ko sa table. Sabi ko na nga ba si Koi ulit. Si Koi lang naman palagi laman ng isipan niya. Ano pa bang aasahan ko?

I stared at him for a couple of seconds para malaman niyang hinihintay ko ang sasabihin niya pero umiwas lang siya ng tingin.

"What about Koi?" Tanong ko.

"Naisip ko na... baka buhay pa siya."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Alam kong baliw na baliw siya kay Koi pero hindi ko alam na ganito pala kalala ang pagkabaliw niya sa kaibigan ko. Pero sa totoo lang, may parte rin sa akin na naniniwalang buhay pa nga si Koi.

"Mateo, spill it." Umayos ako ng upo bago ako tumingin diretso sa mga mata niya.

"'Wag muna ngayon. Sa susunod na lang." Umiwas ulit siya ng tingin.

"Mago-open ka ng topic tungkol kay Koi tapos bigla mo ring babawiin? Bakit hindi mo pa sabihin ngayon?" Diniretso ko na siya.

"Sweet Apple, sorry. Sa susunod ko na lang sasabihin kapag maayos na pakiramdam mo." Napayuko ulit siya.

"Palaging hindi maayos pakiramdam ko kapag nandyan ka. There's nothing new, Mateo. Sabihin mo na lang." Nakaramdam ako bigla ng kirot sa dibdib ko.

"Sweet Apple, I'm sorry. Naisip ko lang bigla si Koi." Sobrang lalim ng paghinga niya. "Ano... hindi na lang muna ako magsasalita. Sasamahan na lang muna kita ngayon."

Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi niya. Naiintindihan ko naman siya. Pero bukod sa pagkawala ni Koi, nawalan din ako ng nanay. Akala ko pa naman iko-comfort niya ako. Ramdam ko na naman ang pag-iinit at pagtutubig ng mga mata ko.

"Ngayon ka pa mahihiya? Sanay naman na ako, Mateo. Sanay na sanay na akong masaktan dahil sayo nang harap-harapan. Gusto mo bang malaman mula sa 'kin? Oo, masakit. Masakit magkagusto sa taong walang pakialam sa 'kin. 'Yong walang ibang bukambibig kundi bestfriend ko." Isa-isa nang tumulo ang mga luha ko.

"Kumusta na si Koi? Anong ginagawa ni Koi? Kumain na ba si Koi? Kasama mo ba si Koi? Si Koi? Si Koi!? Palagi na lang si Koi! Paano naman ako, Mateo? Kahit wala na siya rito, pakiramdam ko never akong magkakapwesto dyan sa leche mong puso!" Sabi ko sa pagitan ng mga paghikbi ko.

Naalala ko rin tuloy yung time na magka-chat kami ni Koi at hinihintay niya ako sa canteen. Pagdating ko doon, hindi na ako tumuloy kasi nakita ko si Mateo na pinunasan ang ketchup sa gilid ng labi ni Koi. Sa sobrang selos ko, hindi ako pumasok ng hapon at hindi ko pinapansin si Koi sa mga messages niya.

Madami pang nakakaselos na nangyari ang nagsulputan sa isipan ko na mas lalong nagpaiyak sa akin. Bakit ang unfair ng buhay? Bakit hindi na lang niya hayaang mahalin din tayo ng taong gusto natin?

Pansin ko ang malungkot na ekspresyon ni Mateo. Parang gusto niya akong patahanin pero hindi niya magawa.

"It hurts me everytime I hear you call her name! Oo, hindi dapat ako magselos sa kanya pero anong magagawa ko? I like you, Mateo! Kaya sana naman kung willing ka talagang pagaanin pakiramdam ko, 'wag mo muna siyang babanggitin! Hindi lang ako nawalan ng bestfriend! Nawalan din ako ng nanay, Mateo!" Pagkasabi ko no'n ay mabilis na akong tumakbo paalis.

Mas lalo pa akong nasaktan kasi nanatili lang siyang nakaupo sa may gazebo at hindi niya man lang ako pinigilan o hinabol.

Umiiyak ako habang naglalakad nang mabilis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Halos hindi ko na nga rin makita nang malinaw ang dinadaanan ko dahil sa mga peste kong luha, nakakapanlabo ng paningin. Naramdaman ko na lang na may biglang humawak sa braso ko at hinatak ako sa kung saan.

Pinaupo niya ako sa isang bench bago siya umupo sa tabi ko. Mabilis akong nagpunas ng luha sa pag-aakalang sinundan ako ni Mateo pero nagkamali ako. Hindi siya si Mateo, kundi si Sugar Cane Mendez na nakakunot na naman ang noo.

"Okay, damn, this is so awkward. Aalis na ako."

Tatayo na sana si Sugar pero mabilis kong hinawakan ang laylayan ng damit niya kaya umupo na lang ulit siya.

"Akala ko hinabol ako ni Mateo. Umasa ako do'n ah." Sarkastiko kong tinawanan ang sarili ko. Tumulo ulit ang mga luha ko at agad kong pinunasan.

"I... I heard everything. Hindi ko naman sinasadyang marinig. I was just passing by... tapos nakita ko kayo. Then you ran away, so I followed you." Pag-amin niya.

Ngayon niya lang ako kinausap nang matino. First time din na siya ang nag-approach sa 'kin. Nakakapanibago.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Anong bakit?" Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Bakit mo ako sinundan? Bakit mo ako biglang nilapitan? Bakit mo ako biglang kinausap?" Sunod-sunod na tanong ko bago ulit nagpunas ng luha.

"Hindi na dapat tinatanong 'yan, Fortalejo. I just want to make you feel that you're important and loved. That someone out there is thankful for your existence. Now, cry until you're satisfied. Dito lang ako, I won't leave you."

Lumapit siya kaunti sa akin at niyakap niya ako. Wala naman akong nagawa kundi umiyak na lang nang umiyak. Napayakap na rin ako sa kanya nang sobrang higpit. Sana hindi siya magalit mamaya kasi paniguradong mababasa ng mga luha ang t-shirt niya.

 Sana hindi siya magalit mamaya kasi paniguradong mababasa ng mga luha ang t-shirt niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Spare Me, EstherWhere stories live. Discover now