Chapter 4:Maid in Office

61 37 0
                                    

Fionna POV

Excited ako papuntang  Poxarl Benz Company pero ngayong nakita ko tong mokong sa harap ko nawalan ako ng ganang salubungin siya.Naku po!Bakit sa milyon milyong katao sa London siya pa talaga ang magiging boss ko?!Di ba pwedeng iba na lang Lord!Ayaw ko sa mga manyak na kagaya niya!

Inilahad niya yung kamay niya sakin.Ilang sigundo bago ko ito tinanggap.Napipilitan lang ako!

"By the way I'm Harold Vexus Gredyll nice to meet you?"pakilala ng mokong sabay ngiti na parang abot langit.

"Teka nga lang boss manyak?Sinadya mo ba to?!Bakit mo ako kilala eh hindi naman kita kaano ano?!"taray ko habang tinitigan ko siya nang masama.

Tumawa lang ito sabay talikod sakin.Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"I think magkakasundo tayo miss kase suplada ka at babaero naman ako.Huwag kang piling maganda kase hindi kita iniistalk.Masisira lang ang kapogian ko sayo at  hindi kita type ok?Oh diba destiny tayo?"pang-aasar ng sirang hayop na to.

"Excuse me hindi ako suplada noh!At lalong lalo na hindi tayo talo!Kahit magiging boss pa kita papatulan at papatulan pa rin kita!Piling gwapo!At sino namang nagsabing gusto kita?!Pervert!"galit na talaga ako.

"Nakakatawa ka talagang tignan ms.Fionna?Kung ayaw mo sa trabahong to makakaalis ka na pero tandaan mo,hawak ko ang bawat kompanya.Isa na nga yung pinagmamalaki mong trabaho ang Kliffton Agency.Kaya mamili ka sa dalawa, aalis ka pero ipapasara ko ang Agency niyo kahit na maraming tao ang madadamay at mawawalan ng trabaho ng dahil sayo o dito ka sakin magtatrabaho?"dahil sa sinabi ng lalaking to mukhang mahihirapan akong sagutin ang tanong niya.Ano ang dapat kong gawin?Wala akong choice kundi ang sundin na lang ito.

"Sige sayo ako magtatrabaho BOSS!"diniin ko ang huling salita para malaman niyang galit ako sa kanya.

"Good!Maaari ka ng magtrabaho.Unahin mo ang cr ng opisina ko at linisin mo ang mga kalat pati itong bintana punasan mo.Dapat pagbalik ko within 1 hour tapos ka na ok?"

"Ano?!Akala ko ba assistant mo ko?!"nagulat ako sa sinabi niya kaya nilapitan ko siya sa table at ilang metro na lang ang layo para magtama ang mukha namin.Tinitigan ko siya ng masama.

"Kung trip mong gawin akong yaya please lang huwag ako!"

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng assistant?Taga gawa kung ano ang gustong ipautos ng amo niya kaya huwag kang magreklamo dahil trabaho mo yan."sarkastiko niya habang nalalanghap ko ang mabango niyang hininga.Wala akong pake sa hininga niya my god!

"Iba ang assistant sa pagiging kasambahay kaya huwag mo akong ikumpara dun!Desenteng trabaho ang kailangan ko!"hindi na ako nakapagpigil pa.Sinigawan ko siya sa harap.Bahala na kung ano ang mangyari basta inilabas ko lang ang galit ko.

"Ang sarap mong panuurin kapag naiinis ka?Kaya nga gusto kita eh?"hindi ko na malayan ang sumunod na nangyari dahil sa biglaan niya akong hinalikan sa labi na agad namang nagpahinto sakin.

Hindi ko alam pero parang may kung anong kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.Maingat ang bawat halik niya.Di nagtagal siya ang unang bumitaw.

"Masarap ba?"doon lang ako natauhan sa sinabi niya na agad namang nagbigay sa akin ng lakas para sampalin ito.

"Bakit mo nagawa sakin yun?!Wala kang karapatan para halikan ako ng ganun ganun lang!"

"I'm your boss Ms.Herles kaya no need to worry about dahil halik ko pa lang ang ibinigay ko sayo.Sa susunod na sigawan mo ako ulet hindi lang iyon ang matitikman mo?"natulala ako sa sinabi niya.Oo makapangyarihan siyang tao kaya wala akong kalabanlaban.Lahat ng gusto niya dapat masunod pero ang dignidad na mayroon ako ngayon hindi ko kayang protektahan dahil kapag nilabanan ko siya maraming madadamay.

"See you later kaya pagbutihin mo ang trabaho."lumabas ito ng opisina na kadahilanan ng pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Bakit ako napunta sa empyernong lugar na to!Ano bang kasalanan ang nagawa ko sa kanya?!Ayoko na dito!"isa lang ang paraan kundi ang tumakas.Agad kong pinuntahan ang pinto pero nakasarado ito.Naghanap ako ng ibang ways kaso wala eh sarado talaga.Wala na akong magagawa kundi ang maging utusan na lang niya habang buhay.Dapat maging maayos ang pakikitungo ko sa kanya para makagawa ako ng paraan para makaalis na dito habang maaga pa.

Pinuntahan ko ang cr at nilinis ko ito ayon sa gusto niya pati ang kabuoan ng opisina ginawan ko ng paraan upang maging desente sa paningin ng tarantadong lalaking yun!Wala pang isang oras natapos ko rin ang ipinagawa ng amo kong manyak!Kahit pagod sinubukan kong maging malakas para sa pamilya ko.

Umupo ako saglit malapit sa table at iniisip ang mga mangyayari sa susunod pang mga araw.Dahil sa pagod nakatulog ako.

Just Pretend To Be Your's(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon