Chapter 14:Escape

38 21 0
                                    

Olivia POV

"Paano nangyari yun Zeus?!Ang akala ko ba patay na ang dalawang kambal?!Saan mo nakuha yang ebedensyang yan?!"galit ko.

"Ma'am may nakapagsasabi po saming isa sa mga kaibigan ninyo ang nagtraydor. Si Amber po kasama ang boyfriend nito ma'am!Nakita po sila ng isa sa mga tauhan ninyo sa America na may dalawang babaeng kambal na 18 yrs. old na pinalaki nila. .Di ba 12 years ding namatay yung dalawang anak nila?"si Zeus na halatang nagtataka.

Mas kumulo lalo ang ulo ko sa narinig.Kaya itinapon ko sa kanila ang flower vase na nasa table.Umiwas ang mga ito na tamaan.

"Hindi pwedeng mangyari to!Kailangan niyong patayin ang dalawang yun!Pati ang kaibigang nagtraydor sakin!Hindi dapat malaman ng mga magulang nila na buhay pa ang mga tagapagmana!"

"Masusunod po ma'am!"

"Ano pang tinunganga ninyo?!Umalis na kayo bago ako tuluyang ma bwes*t!Alis!Mga walang silbi!"

Dapat sa lalong madaling panahon mapapatay ko na ang mga yun!Hindi pwedeng maranasan ulit ng dalawa ang happy ending na dapat ay wala na!Sisiguraduhin kong iiyak sila ng dugo!

Agad akong lumabas ng opisina para magpalamig.Mag iinom lang ako dahil sa masamang balitang nakalap ko ngayon!Uunahan ko sila!

Keshalyn/Althea Heart POV

Kakagising ko pa lang ng may mapansin akong kakaiba sa labas.Parang may kung anong bagay akong naririnig kaya tumayo ako sa pagkakatulog at dahan-dahang nilapitan ang pinto ng kwarto ko.Mag-aalas singko na kase ng madaling araw.

Pagkabukas ko tumambad sakin ang duguang katawan ng papa ko sa sala.May tama ito sa braso.Dali-dali ko siyang nilapitan para tulungan.

"Papa anong nangyari sayo ba't may dugo ka?!"taranta ko.

Kukuha na sana ako ng first aid kit pero pinigilan niya ako.

"Umalis na kayo dito!Gisingin mo ang kapatid mo pati ang mama mo!Bilis!"dahil sa sinabi ng papa ko agaran akong umalis sa harapan niya.Kitang-kita ko kong gaano siya nasasaktan sa kalagayan niya ngayon.

"Mama!Twinny!"sigaw ko.

Ilang minuto lang sabay na nagbukas ang magkabilang kwarto.Halatang naalimpungatan ang dalawa.

"Si papa may tama ng baril!"gulat ang reaksyon ni mama pati si twinny dahil sa narinig.Yun kase ang tawagan naming dalawa.Sumunod sila sakin.Ilang saglit lang ay natanaw ko na si papa na ngayo'y nakaupo sa sofa.

"Babe sinong may gawa sayo nito?!"alala ni mama.Ginamot niya ang sugat ni papa gamit ang first aid kit na dala ni Keshelyn.

"Iwan niyo na ako babe.Hindi kayo ligtas ngayon kaya sa likod kayo dumaan.Paparating na sila dito.Ako na ang bahalang humarap sa kanila!"sabi niya at patuloy na tinitiis ang sakit.

"Hindi pwede!Sasama ka samin!"yaya ni mama sa kanya pero hindi niya kami pinakinggan.Niyakap kami ni papa.Tumulo ang mga luha sa mga mata namin.

"Mahal na mahal ko kayo kahit na anong mangyari sakin hindi ko kayo iiwan."mangiyak ngiyak na sabi ni papa sabay halik sa labi ni mama.

Isang malakas na putok ng baril ang gumising samin.Papunta na ito sa loob ng bahay.Sinilip ko muna ang bintana.Limang lalaki ang nakikita ko sa labas na may tig-iisang baril na dala.

"Umalis na kayo!"saad ni papa.Kinuha ko muna ang baril sa kwarto niya bago kami umalis.Military kase ang papa ko.

Kahit labag sa kalooban ni mama na iwan siya ay ginawa na lang namin.Sa likod kami dumaan.Mabuti na lang walang tao sa likod ng bahay.

"Dito tayo!"si mama.Kinuha niya sasakyan na regalo nila samin nung 18th birthday.May gate sa likod kaya nagawan namin ng paraan na makatakas kami.Sunod-sunod na putok ang narinig namin sa loob ng bahay.Tinawagan ko si papa sa cellphone niya ngunit walang sumagot.Inulit ko pa ng pangatlong dial bago may narinig akong boses sa kabilang linya.

"Ma-ma-mahal ko-ko ka-kayo."boses ni papa ang narinig namin.Hanggang sa tuluyan siyang malagutan ng hininga.

"Papa!!!!"sigaw ko.Pumatak ang luha sa mga mata ko pati kay mama at twinny.Iyak ng iyak si mama habang nagmananeho ng sasakyan.Bakit ba nangyari samin to?!Ano bang kasalanang nagawa namin sa kanila?!Maraming tanong na gusto kong malaman.

Nakarating kami sa isa sa mga pinatayong bahay nila papa.Simple lang ang pagkakagawa.Lutang pa rin kami hanggang sa makababa ng sasakyan.

"Hindi nila tayo mahahanap dito kaya ligtas para satin ang lugar na to."sabi ni mama ng makapasok kami sa loob ng bahay.

"Mama sabihin mo nga samin ang totoo?May nakaaway ba kayo ni papa?"si Keshelyn na halatang naguguluhan pa rin sa nangyari.

Hindi kami tinignan ni mama ng deritso.Mukhang may tinatago sila na hindi namin alam.

"Sagutin mo yung tanong ko ma!Bakit nila tayo hinahabol?!Ano ba talagang kasalanan natin?!"sigaw na ni twinny saka nilapitan si mama na ngayo'y umiiyak na rin.

"Wala kayong alam sa nangyayari kaya ito na siguro ang panahon na aaminin ko sa inyo ang totoo."explain niya.

"Anong totoo ma?Hindi namin kayo maintindihan?May tinatago ba kayo ni papa?"sunod sunod na tanong ko.

"Matagal ko na sanang sasabihin sa inyo to mga anak na hindi ko kayo pagmamay-ari.Hindi kami ang tunay niyong magulang."hindi kami makapaniwalang dalawa sa narinig mula kay mama.

"Matagal na panahon na ang nagdaan magmula nung may mangyari sana sa inyo sa eroplano.Iniwan kayo ng mama niyo dun para sundan ang papa niyo sa labas kaya ako mismo ang kumuha sa inyo dahil ayaw ko na pati kayo madamay sa gulong gagawin ni Olivia.Balak nila kayong ipapatay pero inunahan ko siya.Nagtago kami sa  mahabang panahon para tuluyang makalimot sa nakaraan.Si Harold at Fionna ang totoo niyong magulang."dugtong ni mama.

Humikbi pa lalo ang iyak niya dahil sa inamin nito.Niyakap ko si mama pati si Keshelyn.

"Hindi kami galit sayo ma...Salamat dahil pinalaki niyo kami ng tama at hindi kayo nagkulang samin..."sabi ko.

"Salamat din ma dahil iniligtas niyo kami.."saad din ni Twinny habang kayakap si mama.

"Mga anak ko..."mas humigpit ang pagyayakapan namin ngayon.Kitang-kita ko ang saya at lungkot na nararamdaman niya ngayon.Saya dahil sa tanggap namin sila kahit na ilang taon na ang nakalilipas.Lungkot din para samin ang pagkawala ni papa.Magkahalo ang emosyong binitawan namin sa isa't isa.

"Bukas na bukas lilisanin natin tong lugar na to.Iuuwi ko kayo sa totoo niyong magulang."

Just Pretend To Be Your's(Completed)Where stories live. Discover now