55 ¦ fifty-five

944 76 99
                                    

please vote or comment if you guys liked this chapter or any previous chapters from this book. ang sarap lang kasi makakita na may mga active readers pala ang librong sinusulat mo. nakakadagdag inspiration at nakakadagdag sipag kasi pag may maiingay at supportive kang readers :>

______________________________

ROSÉ'S POV

Pasado 6:00 na ng gabi nang mapagdesisyonan kong umuwi. 5 o'clock talaga ang uwian namin pero tumambay muna agad ako sa library for almost 30 minutes pagka-end ng last subject namin sa kadahilanang, marami akong ayaw makita at makasalubong sa labasan ng university.

Pinapansin ko naman sila Jisoo, Lisa, at syempre si Jennie kahit nasabi na nya kay Seulgi ang lahat. Wala naman akong karapatang magalit dahil sa nagawa ni Jennie. Kung tutuusin nga, ako naman talaga ang mali in the first place kaya mabuti naring nalaman na ni Seulgi ang katotohanan.

Binalik ko na sa tamang lalagyanan ang mga librong hiniram ko at lumabas na ng library pagkatapos. Dumaan muna ako sa locker namin ni Jennie para iwan doon ang iba kong gamit nang hindi ako mabigatan sa mga dalahin ko pauwi.

Pagkasara na pagkasara ko sa locker, agad bumungad saakin si Jimin na nakasandal sa katabing locker namin.

"A-anong ginagawa mo dyan?" Gulat kong tanong.

Buong akala ko ay hindi ko na sya makakausap dahil maski sya ay iniiwasan rin ako kanina. Pabor pa nga dapat saakin yon pero ang sakit pala kapag iniiwasan ka ng taong gusto mo.

"Mag-usap nga tayo." Seryosong sabi nya at agarang hinila ang kamay ko.

Nilingon-lingon ko pa ang paligid namin dahil baka may makakita saaming dalawa pero nung wala na ako masyadong nakita, binalingan ko na sya ng tingin habang hinihila nya ako.

Binitawan nya ang kamay ko pagkarating namin sa harap ng sasakyan nya. Pinagbuksan pa nya ako ng pinto sa shotgun seat at wala akong ibang nagawa kundi pumasok doon at hintayin sya sa loob.

"Bakit dito pa natin kailangang magusa-"

"May nagawa ba akong mali, Rosé?" Pagputol nya sa sinabi ko at matalim na tumitig sa mga mata ko.

"Bakit ba lagi na lang tayo nagkakaganito? Minsan masaya naman tayo tapos hindi ko alam, kinabukasan mag-iiwasan nanaman tayo?" He sounded so pissed off right now.

"Jimin naman eh....." Naiiyak kong sabi.

"Ano ba talaga tayo, Rosé?"

Agad na tumulo ang luha ko pagkarinig sa sinabi nya. May kung anong sakit akong naramdaman ng dahil sa limang salitang binanggit nya.

Pinahiran ko ang mga luha ko at iniwas kaagad ang tingin ko sa kanya.

Bababa na sana ako sa sasakyan nya pero hindi ko ito mabuksan dahil naka auto-lock ang bawat pintuan ng sasakyan.

Muli ko syang nilingon at nakita kong galit ang reaksyon nya habang tinititigan ako.

"Kailangan ko nang umalis, Jimin."

"Hindi ka aalis hangga't hindi mo sinasabi ang lahat saakin kung bakit mo ako blinocked, iniiwasan, at kung bakit paulit-ulit kang humihingi ng sorry saaakin kahapon."

Muli kong iniwas ang tingin sa kanya. Nanghihina kong sinandal ang likuran ko sa upuan at huminga ng malalim bago magsalita ulit.

"Alam mo bang bago mo pa naging girlfriend ang pinsan ko, gusto na kita? Humingi ng tulong si Seulgi noon. Sinabi nya saakin na gusto ka raw nyang maging ka-close dahil ang gwapo mo raw, ang talented, ang talino, at ang bait. In short, gusto ka rin ni Seulgi."

"Syempre, dahil nga pinsan ko sya, isinantabi ko muna yung nararamdaman ko sayo at tinulungan si Seulgi na mapalapit sayo. Yung mga first convos nyo noon gabi-gabi bago pa naging kayo? Ako yun, Jimin. Ako yung gabi-gabi mong kausap noon." Sabi ko at sarkastikong natawa.

"After ko sabihin kay Seulgi na parang bumibigay ka na noon sa mga banat ko sayo, sya na ang tumuloy sa lahat hanggang sa nabalitaan kong kayo na pala."

"First monthsary nyo noon, niregaluhan ka ni Seulgi ng tula, diba? Alam mo bang ako ang nag-isip at nagsulat non para sayo? Wala akong magawa eh. Pinsan ko kasi kaya syempre okay lang na gawin ko yun para sa kanya."

"So niloko lang pala ako Seulgi noon?" Nagsalita sya bigla kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Hindi ka nya niloko, Jimin. Nagmahal lang si Seulgi sayo kaya nya nagawa yun." Sagot ko sa kanya.

"Pero alam mo ba kung sino ang mas nanloko sayo? Ako."

Kumunot ang noo nya. "Anong sinasabi mo?"

"Ako ang dahilan kung bakit nakipag-hiwalay si Seulgi sayo noon."

"Siniraan kita sa kanya at sinabi kong may iba kang babae kaya nagalit sya sayo at hiniwalayan ka nya habang wala kang kaalam-alam na yung kaibigan tinuturing mo, sya pa ang mananakit sayo." Tumulo ulit ang mga luha ko kaya umiwas ulit ako ng tingin sa kanya.

"I was so selfish and childish at that time, Jimin. Hindi ko na alam kung bakit ko ba naisipang gawin yun. Sobrang tanga ko no? Tangang-tanga na kasi ako sayo noon pa lang eh." Umiiyak na sabi ko.

"Sinubukan kong ayusin yung nasira kong relasyon nyong dalawa kaya agad kitang tinulungang makipagbalikan sa pinsan ko kahit mahirap."

"Rosé....."

"Nalaman na ni Seulgi ang lahat kahapon kaya naisip kong tigilan na kita. Maling-mali yung nagawa ko sainyo ng pinsan ko, Jimin. Mas gusto ko pang magkabalikan kayo kesa naman saakin ka mapunta." Pinahiran ko agad ang mga luha ko.

"Kalimutan mo na lang yung mga nangyari saatin nitong mga nakaraang buwan." Sabi ko at muling tumingin sa kanya.

"Thank you at sorry sa lahat, Jimin."

____________________

ha? haw u layk dat :>

don't judge a book by its last chapter HAHAHAHAHA

skl, bali 82 chapters talaga tong free fall. so ngayong nasa 55 na tayo, ibig sabihin medyo malapit-lapit na tong matapos :)))

Free Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon