76 ¦ seventy-six

850 57 19
                                    

ROSÉ'S POV

Pinagbuksan ako ni Jimin ng pinto sa shotgun seat pagkadating namin sa tapat ng bahay namin. Bago kami pumunta kanina, bumili muna kami ng dalawang box ng pizza para naman matuwa kahit papaano si Mommy.

Hapon na ngayon at mamayang gabi ay may shift nanaman si Mommy kaya baka aalis rin sya pagkatapos naming nag-meryenda.

Binalingan ko ng tingin si Jimin at halata kong kinakabahan sya ngayon. Hindi naman ito yung first time na makikilala nya ang nanay ko dahil kilala na sya ni Mommy kahit noon pa. Eto lang yung first time na makikilala nya si Jimin as my boyfriend.

"Babe." Natatawang tawag ko.

"Huh? Bakit?" Gulat nyang sagot.

"Relax ka lang dyan, pwede?"

"Relaxed naman ako. Kinakabahan lang ng konti." Aniya kaya lalo akong natawa.

Binuksan ko na yung gate at sya na yung nagsara doon. Pumasok na kami sa loob at kaagad kong nakita si Mommy na naglalagay ng utensils sa dining table namin.

"Hi, Ma." Nakangiti kong bati. Lumakad ako papunta sa kanya para bumeso sa pisngi nya sabay lapag ng dala naming pagkain sa mesa.

"How's your exams?"

"Okay naman po. Nakasagot naman ako." Sabi ko at natawa na lang ang nanay ko.

"Good afternoon po, tita."

Sabay kaming lumingon ni Mommy kay Jimin na nakatayo malapit sa pinto.

"Ma..." Lumapit ako sa kinatatayuan ni Jimin. I cling onto his arms and walked him to our dinning area. "Si Jimin nga po pala. Boyfriend ko."

Naramdaman ko ang kaba nya kaya agad kong hinaplos ang braso nya para pakalmahin sya. Gustong-gusto kong matawa kasi ngayon ko lang nakita ng ganito ka-kabado si Jimin sa buong buhay ko.

"Good afternoon po." Ngumiti si Jimin kay Mommy at nag-offer ng kamay for a handshake.

Bumitaw na ako sa kanya at gumilid para naman makagalaw na sya ng maigi.

Kinamayan naman sya ni Mommy habang pinagmamasdan sya mula ulo hanggang paa. Mag mamano na sana si Jimin sa kanya kaso bigla syang niyakap ni Mommy.

"Hay sa wakas..... Akala ko hindi na dadating yung araw na magkakaroon ng boyfriend ang anak ko." Sabi pa ni Mommy bago ialis ang pagkakayakap kay Jimin.

"Nice to see you po again, tita."

"Nice to see you too, iho." Nakangiting sabi sa kanya ni Mommy.

Natawa si Jimin nung tumingin sa gawi ko. Probably, aasarin na nyan ako tungkol doon sa sinabi ni Mommy kaya inirapan ko na lang sya at umupo na sa dining table namin.

"Halika na dito. Mag meryenda na tayo."

"Wala pa po bang nakakarating na ibang lalaki dito bukod saakin?" Nakangising tanong ni Jimin saka umupo sa katabi kong upuan.

"Ay nako oo. Maliban yata kanila Jisoo, Lisa, at Jennie, ikaw lang yung bukod tanging lalaki na pina-tungtong nya dito sa pamamahay namin." Tumawa si Mommy kaya napainom ako sa baso ng malamig na tubig sa harap ko.

Free Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon