OO

118 4 15
                                    


amy

Nakatayo lamang ako sa may bintana habang pinagmamasdan ang ulan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatayo lamang ako sa may bintana habang pinagmamasdan ang ulan. Biglaan ang pagbuhos ng ulan at di naman nasabi sa balita na uulan ngayon. Napahinga naman ako ng malalim habang iniisip kung paano ako uuwi ng walang dalang payong.

"Amy!"

Kaagad ako napalingon ng marinig kong may tumawag sa akin. Akala ko kung sino pero isa sa mga kaklase ko lang pala.

"Di ka pa uuwi?"

"Mauna na kayo."

Sabi ko at bahagyang ngumiti sa kanya. Tumango nalang sya at nagpaalam na sa akin. Ng mawala na sya sa paningin ko ay napawi tong ngiti ko at muling napatingin sa bintana. Dala ko naman jacket ko at pwede ko na pang takip to. Basta huwag lang kumidlat.

Ng makapagdesisyon na ako ay naglakad na ako palabas ng school. Saglit akong napatigil sa may gate at tumingin sa kalangitan. Medyo makulimlim ang langit at baka mamaya lumakas ang ulan.

Sinuot ko na yung hood ng jacket ko at huminga ng malalim. Ng maikalma ko na sarili ko ay nagsimula na akong maglakad at maya-maya naramdaman ko na ang ulan na pumapatak sa aking balikat at sa ibabaw ng ulo ko, dahilan para mabasa na tong jacket ko.

Habang naglalakad ako ay mahigpit lang akong nakahawak sa strap ng bag ko. Sinusubukan ko pa rin ikalma sarili ko. At alam ko makakauwi naman ako nito. Pero di ko naman maiwasan magulat ng marinig ko ang kulog at dahil dun mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa bag ko. Huminga ulit ako ng malalim at mas binilisan pa lakad ko. Hinihiling na sana hindi kumidlat.

Pero nagulat nanaman ako kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng marinig ko ang malakas na pagkidlat. Nagsimulang manginig tong binti ko dahil sa takot at parang gusto kong maiyak. Sa may di kalayuan ay meron akong nakitang isang puno kaya agad ako nagtungo dun.

Ng makasilong ako sa ilalim ng puno ay niyakap ko sarili ko at pilit pa rin pinapakalma ang aking sarili. Napatingin ako sa kalangitan at nakita ang ilaw ng kidlat. Nanlaki naman tong mga mata ko at agad ako napatakip sa aking tenga ng marinig ko nanaman ang kidlat. Maya-maya naramdaman kong may namumuo ng luha sa magkabilang gilid ng mata ko.

Di ko alam kung makakauwi pa ako nito. Nanginginig na ng husto tong binti ko at di ako makalakad ng maayos. Di ko rin makuha sa bag ko yung cellphone ko para matawagan sina Mama. Natatakot na baka kumidlat ulit ng malakas.

Dahan-dahan naman ako napaupo sa sahig at niyakap ang aking tuhod. Muli nanaman kumidlat at ibinaon ko tong mukha ko sa aking braso. Di ko na mapigilang umiyak. Hiniling ko na sana tumigil na ang ulan at wag ng kumidlat pa. Wala akong ibang marinig kundi yung pagpatak ng ulan at ang malakas at mabilis na tibok ng aking puso. Pero maya-maya ay natigil ako ng marinig kong may nagsalita.

"Ok ka lang?"

Dahan-dahan ko inangat ang tingin ko hanggang sa magtama ang mga mata namin. Napakurap ako at dun ko lang napagtanto na may isang lalaking nakatayo sa harapan ko. Magsasalita na sana ako pero bigla nanaman kumidlat kaya muli kong ibinaon mukha ko habang walang awat ang pagbuhos ng aking luha. Narinig ko nanaman ulit nagsalita yung lalaki.

"Takot ka sa kidlat?"

Tanong nya at di naman ako makasagot. Naiiyak pa rin ako dahil sa takot at sa kaba. Maya-maya wala na akong narinig mula sa kanya. Akala ko nakaalis na sya o ano pero naramdaman ko na tumabi sya sa akin. At di ko na narinig ang pagpatak ng ulan sa aking tenga. Isang tugtog na ang naririnig ko ngayon kaya naman muli akong napatingala at nakitang sinuotan nya ako ng earphones sa magkabilang tenga ko.

I looked at him, feeling slightly confused. Huminga sya ng malalim at tumingin sa akin. Ngumiti lang sya ng bahagya at walang sinabi. At di ko alam bakit unti-unti nawala yung kaba at takot ko ng dahil sa tugtog na naririnig ko. Kahit papaano, kumakalma na rin tong puso ko.

Pinunasan ko ang aking luha at pinagmasdan ang ulan. I can't hear the sound of the rain. And the music slowly comforted me. Muli akong napatingin sa kanya at nakitang nakatingin pa rin sya sa akin. I gave him a small smile and thanked him.

"S-salamat..."

when the rain falls (hiatus) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon